FORTY-SEVEN

3.4K 150 12
                                    

"Pare, nakausap ko na yung mga pulis, willing daw sila mag-assign ng officers nila para bantayan ang mga bata dito sa ospital."

"Mabuti naman kung ganun pare. Natatakot ako para sa kanila. Kailan daw ba pwedeng idischarge yung anak mong si Alden?"

"2-3 weeks pa daw kailangan niyang pahinga pare. Nakausap ko sila kahapon pagkatapos nilang pagtripan yung pulis na kumausap sa kanila."

"Nak ng. Pati pulis pinagtritripan ng dalawang yun? Parehas na parehas talaga silang dalawa. Ano napag-usapan niyo?"

"Balak na nilang magpakasal agad pagkatapos nilang magpagaling, so mga a month from now magpapakasal na sila sa tingin ko."

"Hay, ang bilis."

"Wala na yatang makakapigil sa kanila pare. Sobrang mahal talaga nila ang isa't isa eh."

"Sabagay, ako rin naman maaga nagpakasal kay Mary Ann."

"Ayos lang yan pare, andito naman tayo para iguide sila. At sa tingin ko naman kahit na sobrang kulit ng dalawa, kayang kaya naman siguro nila ang buhay mag-asawa."

"Kung hindi naman na mapigilan pare, suportahan na lang natin. Kamukhang kamukha mo si Alden ano, ngayon ko lang napansin."

"Kamukha ng asawa mo si Maine, pare."

"Pare, icompliment mo naman ako, wag mo akong basagin."

"Siyempre joke lang pare, ano ka ba, magiging isang pamilya na tayo hindi na maiiwasang magbiruan."

"Oh pare, may pulis. Sumuko ka na daw."

"Hahaha, malakas ako kay Duterte pare."

"Uh, excuse me po mga sir, kayo po yung mga magulang nina Richard Faulkerson Jr. at Nicomaine Dei Mendoza?"

"Oo sir, ako yung tatay ni Nicomaine. May bago po bang balita?"

"Meron po sir, papakita lang po sana namin sa dalawa kung kilala nila ang mga tao dito sa nakuha naming CCTV na lumapit sa kotse na ginamit nila."

"Oh sige, pumasok na kayo't ipakita niyo na baka sakaling sila may kagagawan ng lahat ng 'to at mahuli na."

"Oh, Alden, Menggay, may ipapakita daw yu— Jusko naman. Puro na lang kayo halikan. Halikan ng halikan."

"Omg, nagulat ako! Tay naman, kumatok naman po kayo."

"Hello po ulit tay. Hehe."

"Loko 'to, kung di lang ganyan kundisyon mo."

"Tay naman, engaged na nga kami oh, ikakasal na kami sa ayaw at sa gusto niyo."

"Oh eh di sige. Pare, papasukin mo na yung pulis."

"Pasok sir. RJ, Maine, pakitignan niyo daw kung kilala niyo yung mga tao sa CCTV na nakita nilang ginagalaw yung kotse mo."

"Asan dad?"

"Eto oh... ano kilala niyo ba?"

"Dad, that's Hannah and Direk Rich!"    

We Shared a KissWhere stories live. Discover now