SIXTEEN

4K 176 1
                                    


"Menggay! Girl! Buksan mo ang pinto! Si Coleen 'to! Dali!"

"Hay naku ano na naman kaya ginagawa neto dito. Oh, ayan bukas na taba. Ano nangyari sa'yo at pawis na pawis ka?"

"Girl! Basahin mo 'to! Naku jusko nagkalat na sa Facebook at sa Twitter ang picture niyo ni Alden! Lalo na nung may pasabog siyang sinabi dun sa press-con niya. Eto dali."

"Asan? Akin na."

Hottest News: Alden Richards, umamin na may girlfriend na at engaged na raw!

By: PEP

Si Alden Richards, ang binansagang Phenomal Star ng Philippine Showbiz ay kamakailan lang na umamin umano na mayroon na siyang girlfriend.

Kaninang hapon lamang nung nagaganap ang press-con para i-announce ang gagawing movie nila ng kanyang magiging kalove-team na si Hannah, na di umano'y nai-issue noon na nililigawan niya ito pero kailanman ay hindi ito nakumpirma.

Ayon sa mga nandoon mismo sa press-con, natanong daw ang dalawa kung may namumuong bagong friendship sa pagitan ng dalawa. Sinagot ni Hannah ang tanong na ito at sinabing, good friends naman daw sila. Pero nagbago ang sagot ng dalaga nung isinagot ni Alden na civil daw sila na ibig sabihin ay hanggang work lang daw ang relasyon nila.

Biglang binago ng dalaga ang sagot niya at inamin umanong nakikipagflirt daw si Alden sa kanya bago magsimula ang press-con. Umamin din aniya itong nagpapalitan sila ng text kahit hindi sila nakikitang magkasama simula noong nagkaissue sila mga ilang taon na ang nakakalipas.

Sinabi rin ng dalaga na open sila sa kahit anumang mangyayari sa kanila, at hindi daw nila isinisara ang posibilidad na maging mas malalim pa ang samahan nila. At sinabi ni Hannah na hindi ito malayong mangyari kung magiging open daw at umamin si Alden kung ano talaga ang score sa kanilang dalawa.

Habang sinasabi naman ni Hannah ang lahat ng ito, si Alden ay nakapikit lang na parang hindi alam kung ano ang gagawin nang bigla itong huminga ng malalim at sumagot na malabo daw mangyari ang mga sinasabi ni Hannah.

Nang tinanong kung bakit, sumagot ito at sinabing may girlfriend na siya at engaged na daw sila.

Biglang nagkagulo sa press-con dahil lahat ng mga dumalong member ng press ay gustong magtanong tungkol sa umano'y pag-amin ng Phenomenal Star na si Alden.

Dahil sa kaguluhang ito, maagang tinapos ang press-con. Sinabi naman ni Direk Rich na hindi ito makakaapekto sa pelikula na gagawin nila.

Pero hindi pa yan ang pinaka-nakakagulat na balita sa araw na ito. Di umano'y may kumakalat na mga pictures ni Alden Richards na may kasamang babae sa Sofitel. Na-identify na din ang babae sa picture na kasama ni Alden at ito ay si Maine Mendoza, na may kumakalat na Dubsmash video sa Facebook, at hindi lang iyan, umabot na ng 4 million views ang video ng dalaga.

Ang hindi pa namin makumpirma ay kung si Maine Mendoza nga ba ang tinutukoy ni Alden Richards na girlfriend niya, or dapat na ba nating tawagin na fiance?

Comment your reactions below.

"NO, NO, NO, NO! Omg. This is not happening. Bakit niya ginawa yon!?"

"Girl, ano ba nangyari kasi? Kayo na ba? Naku maipapalabas sa news yung press-con nila. Baka makita nila Nanay at Tatay."

"Omg, ano pumasok sa isip niya? Okay lang sana kung umamin siya, pero girl yung pictures kasi."

"Grabe girl. Pero yung totoo, may namamagitan na ba sa inyo? Omg, kinakabahan ako for you pero kinikilig akoooo! Finally Menggay may boyfriend ka na! At sa sobrang gwapo pang lalake!"

"Wag ka nga. Ang laking problema 'to Coleen."

"Kung may kailangan ka girl, andito lang ako. Ano ba kasi kayo? Kayo na ba?"

"Hindi pa namin napag-usapan. I can't think straight. I need to go out."

"Wag na wag kang lalabas. Ang daming press sa labas!"

"Sa roof-top ako pupunta, hindi ako aalis ng building. I need some air."

We Shared a KissWhere stories live. Discover now