FORTY-FIVE

3.3K 148 13
                                    

"Sigurado ka bang okay ka na gumalaw? Wala ka bang nararamdamang masakit?"

"Meron nay, ang sakit sa pakiramdam..."

"Menggay, kanina ka pa iyak ng iyak, sinabi naman na ng doctor na okay na ang kundisyon ni Alden. At hinihintay na lang natin yung wheel-chair na gagamitin mo para mapuntahan natin siya. Asan na ba kasi si Dean."

"Eh kasi naman nay, naaalala ko ang saya saya namin nung gabing yun tapos bigla na lang ganito ang mangyayari. Hindi ko naman kailangan ng wheel-chair, kaya ko naman maglakad, mabagal nga lang."

"Para mapadali pagpunta natin dun. Oh ayan na yung wheel-chair. Dean, tulungan mo ang ate Menggay mong makaupo sa wheel-chair. Teka, asan na ba si Coleen?"

"Nagpasundo na po kay kuya Mike nabadtrip ata, magpapahatid daw sa bahay para sabihin kay tatay na gising na si ate. Pwede namang tawagan na lang si tatay eh, baka naglakwatsa yung mga yun."

"Hayaan mo na, kahapon pa yun dito. Jusko, ayusin mo nga yang mukha mo Menggay, pano kung magising si Alden, makita niyang ganyan ang mukha mo? Baka bawiin yung kasal."

"Nay naman. Eh sa hindi ko po mapigilan ang umiyak eh. RJ... huhuhu."

"Naaalala mo ba kung ano nangyari nung gabing yun, Menggay?"

"Nay, basta ang alam ko lang sobrang saya namin nung gabing yun, at kapag inaalala ko kung ano nangyari sumasakit lang ang ulo ko."

"Oh sige, wag mo muna isipin yun, magpagaling ka muna."

"Nay, sorry po."

"Sorry san?"

"Sorry po kasi nag-alala kayo ng sobra. Hindi naman po namin ginusto yung nangyari. Nay sorry po talaga."

"Wag ka ngang magsorry jan. Basta magpagaling ka lang okay na kami. Pamilya mo kami kaya dapat lang na mag-alala kami sa'yo. Oh andito na tayo, Dean, ipasok mo na ang ate mo't maghihintay na lang muna tayo dito sa labas."

"Iha... mabuti naman at okay ka na."

"Dad, si RJ po gusto kong makita..."

"Hindi pa siya nagigising eh, pero sabi ng doctor okay na daw siya, it's just a matter of time na lang para magising siya. We just have to be patient, and pray."

"Gusto ko po siyang lapitan. Patulong naman po gusto ko sa tabi niya lang ako..."

"Oh sige iha. Pero tumahan ka na, mapapagod ka kakaiyak niyan."

"Salamat po. RJ... please, I hope you can hear me... I hope you can feel my hands touching yours. Please don't leave me. Sabi mo, hinding-hindi mo ako kailanman iiwan. Sabi mo haharapin natin lahat ng bagay na magkasama tayo? Please gumising ka na. I love you RJ, I love you so much. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung mawala ka sa buhay ko. Sabi mo hindi mo na nakikita ang future na hindi ako kasama. Ganun din sakin RJ. I love you, sana naririnig mo ako RJ. Promise hindi na kita aasarin sa pagkaseloso mo... hindi na kita ibubully. Promise basta magising ka lang... ibibigay ko na sa'yo yung gusto mo kahit hindi pa tayo kasal... magising ka lang!"

"..."

"Dad! Did you see that?! Gumalaw yung kamay niya!"

We Shared a KissOnde histórias criam vida. Descubra agora