THIRTY-FOUR

3.8K 174 10
                                    

"Okay, Alden, Maine, simple lang ang gagawin natin ngayon okay? Light lang ang mood ng shoot, kaya just act naturally mga bes. So yung position eh missionary, pero joke lang hindi ito porn ano ba kayo, hala nagtinginan parang gustong-gusto naman, mahaharot! Okay sa harap lang si Maine, tapos yakap lang sa likod si Alden, ganern! Ikaw na bahala Alden kung gusto mong romansahin yang asawa mo, sa tingin ko sanay naman na kayo sa romansahan. Ay magjowa talaga sabay magblush. So gora na mga kawal! Kayo jan tama na yang pag-aayos ng props kala niyo naman sobrang importante niyan! May edit edit na ngayon mga hayop kayo! Alis na kung ayaw niyong makakita ng lumilipad na dede!"

"Huy Barbara Sastre, assistant lang kita, kung umasta ka parang ikaw ang may-ari ng People Asia ah, nasobrahan ka na naman sa kape. Sira ulo nito. Ah, Alden, Maine, pwesto na kayo dun."

"Salamat po Ma'am Jenny. Tara babe."

"Ang KJ mo talaga Jenny ha. Pinapagaan ko lang naman yung loob ng magjowa, ice-breaker kumbaga."

"Eh kung yang mukha mo kaya ibreak ko? Sige na, instruct mo sila ng maayos ha. Ready na yung camera ko."

"Ay ang harsh mo bes, hirap talaga pag tigang no?"

"Tse! Sige na para maaga tayo matapos!"

"Oh eh di eto na. Oh magjowa, lalo ka na Maine, makinig ka lang sa sasabihin ni Miss Jenny Ferre at magiging madali ang shoot. Kung sasabihin niyang hubad, hubad agad! Kung kiss, maghigupan agad kayo ng tonsil, exchange saliva ganern! Yung tipong nagtatanggalan kayo ng tinga gamit bibig niyo. Ay oh, ayan tawa lang kayo. Light lang dapat ang mood. Natural lang dapat! Pak! Ganyan! Sige na Jenny! Go na!"

"Okay, nice, first shot palang okay na. Alden, lapit mo kunti yung cheeks mo sa cheeks ni Maine... ay loko sa cheeks sa ulo hindi cheeks ng pwet jusko kang bata ka. Sira ulo. Alalayan mo lang yang jowa mo oh, lead her like the leading man you are. Okay, nice. Maine, wag masyado nakabukas ang bibig, yung parang pout lang pero hindi sobra. Yan. Okay kayo na bahala, natural lang basta isipin niyo na lang wala kami dito. Pwede kayo mag-usap."

"Okay po Ma'am Jenny. Babe, okay ka lang?"

"Salamat po Ma'am. Okay lang, teka... RJ, yung kamay mo, naglalakbay ata."

"Sabi nila dapat natural daw, eh ayan natural naman yan, di ko maresist kasi ang sexy mo babe. Why'd you have to be so sexy?"

"Shhh! Wag mo nga akong binobola ng ganyan, alam ko namang sexy ako eh. Charot! Teka ano ba ginagawa mo sa puson ko? RJ naman! Nakakahiya!"

"Babe, may naramdaman kasi ako kanina nung nakayakap ako sa'yo. May belly-button ring ka ba? Ang sarap lang kasi paglaruan."

"Oo, meron. RJ! Behave! Teka haharap ako sa'yo."

"Aba, mas gusto ko yan. You want to play a game? Para mawala sa isip natin na kinukunan tayo ng picture?"

"Sure, anong game yan?"

"Yung I Like You meter. We tell each other what parts of our upper body we like the most. Then we either touch that part, smell, or kiss it. Game?"

"Hala? Oh sige, game. I'll go first. I like your nose, boop! I like your dimples, touch lang. I like your eyes, let me kiss your eyes. Wag kang malikot mamaya ka pa huy. I like your ears, hala ang pula ng tenga, kinikilig lang? I like you lips... hmm... should I kiss it? Here goes... nope, touch lang, bleh! Okay, your turn. I predict puro kiss 'to jusko."

"Yeah! My turn! I like your nose too, muah... I like your cheek, muah... Yum. I like your chin, hmm... smell first, then muah..."

"RJ jusko nakikiliti ako hahaha!"

"Wag ka malikot! Di pa ako tapos, Menggay! I like your lips... eto na, touch muna. Hmm, ang lambot talaga ng lips mo, Menggay. I love your eyes, especially the way they are looking at me right now. Full of love I can feel it. No one's ever looked at me the way you do, it's full of affection. It's like I'm looking at the other half of me."

"Luh, biglang seryoso? RJ..."

"Menggay... can I kiss you now?"

"You don't need to ask, RJ..."

We Shared a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon