Chapter 6

35.4K 1.1K 57
                                    

Pustahan



"Oh...Lerah,napatawag ka? May problema ba? Okay lang ba si Tyrone?"


Kinabahan agad ako ng makitang marami akong missed calls.Emergency kasi ang ibig sabihin sa akin yun.


"Ah...wala namang malaking problema Vic,may lagnat lang si Tyrone pero napainom ko na ng gamot."


"Ganun ba? Okay lang ba talaga? Uuwi ako agad pag hindi.Kailangan ko bang dalhin sa ospital?"
May dalawang oras pa bago matapos ang shift ko.Napa-praning lang ako pagdating kay Tyrone.


"Hindi naman kailangan e-admit sa ospital.Hinahanap ka lang nya kaya kita tinawagan kanina."


"Ganun ba? Uuwi agad ako pag tapos na ako dito."


"Sige,walang problema.Wag kang mag alala at lagnat lang naman to."


Nakahinga ako ng maluwag.Akala ko kung ano na.Hindi ako napapakali pag si Tyrone ang pinag uusapan.Mabilis kong tinapos ang pagkain ko para makabalik na agad sa trabaho ko.Being a nurse and a single parent was never been easy.May mga gabing iniyakan ko ang sitwasyon ko dahil pagod na ako pero ayokong sumuko.Ito yung kapalit sa mga bagay na ginawa ko.But seeing my child smiled at me like that,nawawala ang lahat ng pagod ko.Sulit lahat ang paghihirap ko ng mag isa.Hindi na ako nakipag komunikasyon sa pamilya ko.Sa tingin ko ay nakakabuti yun.I don't want to see the disappointment in their eyes everytime they see me.Ayoko ng dagdagan ang stress sa buhay ko.They were fine without me.


Zoey's still wandering from one country to another country.Naisip nga nito na mag flight attendant nalang kaysa sa mag nurse.



"Ah...Vicky,may party bukas sa buhay.Punta ka?"

"Titingnan ko Carl.May lagnat si Tyrone eh kaya di ko basta maiwan.Sorry."
Actually,it was just an alibi.I don't like Carl in a romantic way.Ayokong paunlakan sya tapos iba na pala ang ibig sabihin nun sa kanya,ayokong bigyan sya ng pag asa na wala naman talaga.Everyone know that i'm a single mother,na madalas kong ginagawang dahilan sa mga nanliligaw sa akin.May ibang pursigido pa rin na sa huli ay sumusuko din at yung iba ay umaatras agad.I don't want to add another headache in my life.

"Ganun ba? Sayang! Lumabas ka naman minsan."

Lumalabas naman ako araw araw ah...lumalabas ng bahay papuntang trabaho?


"Naku...pag naging magulang ka na,maiintindihan mo yung sinasabi ko."


Umiiling lang itong nagpaalam na mag uumpisa na sa trabaho.Carl's one of men who don't like responsibilities,yung tipong happy go lucky lang.Ayaw nila ng pasanin sa balikat nila kaya di ko alam kung bakit nya ako nililigawan.


Papunta na sana ako sa nurse station ng marinig ko ang pangalan ko.Pamilyar ang mga boses na yun sa akin.
"Uy Camille...dinig ko nililigawan ni Carl si Victoria?"

"Huh? Of course not! Pakitang tao lang yun! Kailangan nya kasing manalo sa pustahan kaya nya pinapatos si Victoria."

"Huh? Pustahan? May ganun? Sinong pasimuno nun?"

"Si Carl! Sino pa ba?! "

"Eh bakit daw?"

"Kasi sabi nya,ang mga single mother daw sabik daw sa ano..."

Napasinghap ang isang nurse na kausap ni Camille."Really? Kaya sya nakipag pustahan sa ibang kasamahan natin?"

"Yup! At confident syang mananalo!"

Beast Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें