Chapter 30

28.5K 952 44
                                    

Doubtful




Nagulat ako ng hinanap ni Ezekiel si Zoey dito sa bahay. Akala namin nung una ay baka nasa mall lang at namasyal o sa kung saan at nagpalipas ng sama ng loob. And her phone is off! Pero lumipas ang biente kwatro oras ay hindi ito nagparamdam. Ezekiel used all his connection to find out where Zoey is,at nalaman ni Ezekiel na umalis ng bansa si Zoey. Ang problema ay hindi alam kung aling parte ng Europa nagtatago yung kaibigan ko.

Saan kaya nagtago ang babaeng yun? Buntis pa naman.

" Don't worry too much. Ezekiel will do everything just to find where she is."

Alam ko naman na gagawin ni Ezekiel ang lahat para mahanap lang si Zoey pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag alala. Pepektusan ko talaga ang babaeng yun pag nakita ko ulit. Padalus-dalos ito sa pagde-desisyon.

Madalas ng pumapasok si Viktor sa opisina at uuwi ng maaga pero hindi na nangyayari nitong mga nakaraang araw.  I was too occupied of thinking about Zoey's whereabout.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakatawag si Zoey kaya hindi ko alam kung saang lupalop ito.

" Ma,saan po tayo pupunta?"

Ngumiti ako sa aking anak pagkatapos kong ayusin ang suot nitong polo shirt.

" We're going to suprise your dad. Pupunta tayo sa office nya?"

My child's eyes got wide and curious." Really? Let's go to daddy's office na?"

Curiousity got me too at kahit anong gawin kong taboy sa agiw na meron sa utak ko ay hindi ko magawa. Negative words started to doubt the things I have now. Is this true? If Viktor is real? He's too good to be true ika nga. I mean, he is successful in every way or every angle you look at him, good looks, hot body that woman want a night with him, wealthy, and a responsible guy.

" Yes Ma'am? Do you have an appointment?"

Nakalimutan ko na kailangan pa pala na makipag appointment bago ka makapasok sa loob ng opisina ni Viktor. Should i call him? Pero suprise nga diba?

Alanganin akong ngumiti sa sekretarya nito." Just please tell him my name? We wanted to surprise him that's why i didn't call for an appointment."

Umiling ang babae." Sorry. Pero rules ay rules po eh. Ayokong mapatalsik sa trabaho ko. Boss is too strict if you make a mistake he could fire you right away."

Ganun? Paano na ba?

" Viktor's still here?"

She nodded." Yes Maam. But he's with a client right now."

" Sige,maghihintay nalang kami dito sa lobby. Okay lang ba?"

" Okay lang po ma'am."

Pinaliwanag ko pa kay Tyrone na hindi kami basta makakapasok dahil may meeting pa ang ama nito sa isang client. I just let him play games on his iPad while waiting for his father to come out.

Agad akong tumayo ng makitang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at lumabas ang matangkad na babae,mestiza,maputi,kulot ang buhok at mukhang modelo ang pangangatawan. Her dress fitted perfectly in her body with a pair of black high heeled shoes. Sasabihan ko na sana si Tyrone na lumabas na ang kanyang ama ng nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Nakita ko kung paano hinalikan ng babae si Viktor and i think Viktor is kissing her back. He even wrapped an arm in her waist. Diba dapat nyang itulak yung babae palayo? Why he let the girl kissed him? Anong ibig sabihin nun?

I almost forget how to breath while staring at the scene. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang sunod sunod na pumatak ng di ko namamalayan. Umalis na ang babae kaya muli kong tiningnan si Tyrone. Buti hindi kita ang mga upuan sa lobby kung may lalabas mula sa opisina ni Viktor.

" Ty,let's go and buy an ice cream?"

Mabilis ko itong napapayag na umalis dahil sa ice cream. Tinawag pa ako ng sekretarya ni Viktor ng napadaan kami ulit sa kanyang pwesto.

" Aalis na po kayo maam? Umalis na yung kliyente nya,pwede na kayong pumasok."

Tumango ako at nag alinlangan na ngumiti.
" Gusto ng anak ko ng ice cream kaya ibibili ko muna sya."

" Ano po ang name nyo maam? I'll inform my boss that you're here?"

An idea come to my mind." My name is Victoria Gomez.Thanks."

Tiim ang aking bagang na tumalikod doon.Pumunta kami sa mall at hinayaan kong maglaro si Tyrone sa arcade sa oras na gusto nya. Kahit papano ay nakalimutan ko ang nakita ko ngayong araw. My heart is aching and my mind got confuse all of the sudden. Kumain kami sa mismong food court ng mag deklarang nagugutom ito. Sinilip ko ang aking phone at nakitang ilang missed calls ang naroon at lahat ng yun ay galing kay Viktor. In-off ko ang aking telepono at binuhos ko ang aking oras kay Tyrone. Nang magsawa sa paglalaro ang anak ko nag shopping ako at bumili ng maraming damit para kay Tyrone at laruan. Kung noon ay halos ayaw kong gastusin ang pera ni Viktor ngayon ay hindi ako mangiming waldasin yun sa inis ko.

Malalim na ang gabi ng napag desisyunan kong umuwi at tapos na kaming maghapunan ni Tyrone. Madilim ang sala pagpasok ko. He's sleeping already or he's not already here? Dumiretso ako sa kwarto ni Tyrone para mabihisan ito ng damit at para makatulog na. I have plan of sleeping here tonight.

Isang lampshade ang bukas ng pumasok ako sa kwarto namin at naroon na rin si Viktor. It looks like he's sleeping already. Kumuha ako ng pantulog at kinuha ko rin ang toothbrush ko saka bumalik sa kwarto ni Tyrone.

I am thinking about tomorrow,makikita ko ulit ito at maalala ang nakita ko kaninang umaga sa kanyang opisina. Sinusumpa ko na hindi na ako dadayo ulit sa opisina na yun.

Tyrone is not with me when i wake up. Hindi ako bumangon agad at nanatiling ganun. Hihintayin kong pumasok ito sa kanyang opisina saka ako lalabas ng kwarto.

Anong gagawin ko sa nakita ko? Should i forget it? Hahayaan nalang?

I think i understand Zoey's sentiment,about nothing is permanent. People stay and left,people choose to cheat or stay faithful,at nasa sayo yun kung magpapaloko ka ba o hahayaan mong lokohin ka? I understand her being doubtful about Ezekiel,she's afraid that he might look at other girls. And what did i tell her?

That she just enjoy the moment while it last cause she maybe regret it in the end.

Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nakita ko,hindi ko alam kung hahayaan ko nalang. I think same questions are running on my head and yet i couldn't answer my own question.I sighed. I wish i have Zoey to talk to. Bigla ko tuloy naisip ang trabaho ko sa ospital. I have this urge to go back to work and divert my mind there and forget what i felt right now.

Beast LoveWhere stories live. Discover now