Chapter 19

34.2K 1K 20
                                    

Witch



We did enjoy our food trip in Munich,he is true to his words that he bring us to the place where he usually go while he's here.

Viktor let me sleep when we're in his plane when he saw me yawning for how many times. Kasalanan ko ba? Lagi nya akong pinupuyat eh. He'll take care of Tyrone. Good thing is,our son is obedient. He followed what his father told him. It's entertaining to watch Tyrone sitting beside him while he is on his work in his laptop. Mukhang may susunod na yapak ng ama. But whatever Tyrone dream when he grow up,i will make sure he will follow it. Ang hirap kaya na ipag-aral ka ng mga magulang mo na maging nurse tapos ang gusto mo ay maging piloto.Sakit yun sa ulo pag nagkataon.

My son's beside me when i open my eyes and i smile while looking at him. His eyes,eyebrows,eyelashes,nose,his face...kay Viktor lahat. Tama nga yata si Zoey noon na pinaglihian ko ang tatay nya noon. Naalala ko kung gaano ako kainis noon nung ipinagbubuntis ko pa lang si Tyrone.

Speaking of Zoey...kamusta na kaya ang bruha? Nasa London pa rin ba yun o umuwi na ng Pinas? Matagal na ito ng huling nag online kaya di kami madalas nakapag chat. Pero nag iwan ako ng messages sa kanya tungkol sa pag alis namin kasama si Viktor.

Napabangon ako sa naisip ko at agad hinanap si Viktor.Naabutan ko itong may kausap na staff at pareho silang napatingin sa akin. May sinabi si Viktor sa kanyang staff at tumango ito saka umalis. Pinaningkitan nya ako ng kanyang mata na para bang may mali akong ginawa.

"Please,don't come out wearing only that.I might fire my staff just because i caught him looking at you."

"Huh?"
Ang kulay itim na dress ang suot ko na hindi umabot sa aking tuhod,hindi naman kita ang cleavage ko,hindi na nga ako nakapag suot ng sapatos ko.Naka paa akong naglakad papunta sa kanya.

"You look like you just wake up from a lovemaking babe."

Umirap ako.

"I have a favor to ask,can i call from here?"

Salubong ang kilay na hinarap ako. Yung tipong sa akin ang buong atensyon nya at naka halukipkip pa.

"For who? To where?"

"Ang dami mong tanong! I want to call Zoey if how is she? If she's already in the Philippines?"

"Zoey? Your friend? The one who owned that condo?"

Sunod sunod akong tumango. Kinuha nito ang kanyang iphone at inabot sa akin. May passcode ito ng subukan kong buksan kaya inabot ko ulit sa kanya.Tinaype nya ang kanyang passcode sa harap ko at pamilyar ang mga numero sa kanyang passcode.Matapos magpasalamat ay umupo ako sa harapan nya. Di pa yata tapos yung ginagawa nya sa kanyang laptop.

Napasimangot ako ng hindi ko makontak ang number ni Zoey. Ilang araw syang hindi makontak bago kami umalis at hanggang ngayon ay ganun din? Ano bang nangyayari sa buntis na yun? Hinanap ko ang Whatsapp na application sa kanyang iphone pero wala akong mahanap.Hindi yata gumagamit ng ganun si Viktor.

"You don't have Whatsapp?"

"What was that?"

I rolled my eyes to him.

"Your phone have an internet? Mobile data?"

"There is."

Hinanap ko ang kanyang app store at nag download ng application na yun.Sunod sunod ang mga mensahe ng ilagay ko ang naka register na number ko doon.Marami doon ay sa mga kasamahan ko sa trabaho na nangungumusta.Hindi ko pinansin yun at hinanap ko ang kay Zoey at hindi naman ako nabigo.

Nasa London pa daw ito at may inaayos at abala kaya hindi ito nakakapag online araw araw. Napairap ako sa aking sarili. Sapat na dahilan ba yun? You're busy that's why you can't send a message every other day?

"Why you keep rolling your eyes? You look pissed."
Umupo ito sa aking tabi at kinuha ang phone sa akin."This is Whatsapp?"

Tumango ako. Hinayaan ko itong kalikutin ang account ko. Wala naman syang maintindihan dun.

"You have a lot of messages...from boys."

"They're my co-workers from previous job till now."

Taas ang kanyang kilay na tumingin sa akin at matagal kaming nagtitigan saka ito bumuntong hininga. Humiga ito sa aking mga hita."You have a lot of admirer huh?"

Ngumisi ako."Why,are you jealous?"

"Hmm...i am."

Nawala ang ngisi ko sa sinabi nya. Biro lang naman yun kaya hindi ko alam kung seryoso ito sa kanyang sinabi.

Minasahe ko ang kanyang noo pababa sa kanyang matangos na ilong.He's so foreign.Masyadong matapang ang kanyang dugo na syang namana ni Tyrone.Wala naman akong pangarap noon na makapag asawa ng banyaga o maghanap ng dayuhan na maging tatay ng anak ko.Simple lang naman ang pangarap ko noon,yung mahal ako ng lalaking mahal ko,bumuo ng sariling pamilya at mga anak. Simple lang,walang komplikado.

Pero ganun talaga ang buhay. Walang simple sa buhay,walang madali,walang mga bagay na hindi mo makuha sa pitik lang ng daliri. Kailangan mong paghirapan ang lahat bago mo makuha. Kailangan mong pagdaanan lahat ng hirap at sakit. Pero sa huli sulit naman yun lalo na at nakita mong masaya ang mga taong mahal mo.

"You're going to see your father?"

"Yes."

"We will stay in a hotel when we get there? How about we stay with your father instead of a hotel?"

Nagmulat ito ng mga mata."You sure? It's not awkward for you?"

"Your father is cool unlike your witch of a mother."

Natawa ito."I know."

"So okay na? We'll stay with your dad? So that he can spend some time with Tyrone."

"I think that's a good idea. Dad can stay with our son while we're going to have some time alone."

Sinamaan ko sya ng tingin. Puro kalibugan alam nito eh! Tanging ngisi ang kanyang ginawa sa tingin ko sa kanya.

"By the way,what happened to your father? Why he got injured back in the Philippines?"

"Someone tried to kill him.Business rivals perhaps. That's why i give him a few bodyguards to watch him."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. Malala na talaga ang mga ibang tao. Handang pumatay para lang sa sarili nilang kapakanan.

"And that means you can be in danger too."

"Hmm..."

Hmm ka dyan!

Yumuko ako at hinalikan ito sa labi. Naramdaman ko ang pagguhit ng ngiti nito sa aking labi dahil sa ginawa ko. He really like it when i kissed him.

Beast LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon