Chapter 25

32.6K 1K 37
                                    

Binuntis nya ako!




I finally resigned from my work at the hospital.
Pinagtalunan namin ni Viktor ang balak kong pagtatrabaho sana muli sa ospital pero ayaw nya.

" I can afford to provide us, everything babe. I want you with Ty. Your job is to take care of me and Ty. Nothing else."
Ang kanyang rason. Para syang bata sa kanyang katwiran na walang kabuluhan. Sa huli ay ginawa ko ang sinabi nya dahil hindi sya tumitigil hanggang sa pumayag ako sa gusto nya. Ayaw ko kasing pagtalunan namin ang gusto nya at gusto ko. Sinabi nya pa nga na kung magtatrabaho ako sa ospital,he will guard me the whole time. Naiimagine ko na nga nasa kanya ang atensyon ng lahat pag nagkataon.

Nasa condo lang din ito at siksikan kami sa liit ng kwarto ko dahil ayaw nitong umuwi sa bahay nya. Hindi daw sya uuwi ng di kami kasama.

"How about we all live in my place? I should be the one to provide a roof."

Ayan na naman sya sa provide nya na word. Wala syang ibang bukambibig kundi ang mga dapat gawin o responsibilidad nya dapat.

" I'll talk to Zoey first. Wag kang makulit!"

Ilang beses ko ng sinubukang tawagan si Zoey pero hindi ko pa rin makontak. Nag-aalala na nga ako kung napano yung babaeng yun. Parang kabute yun,susulpot bigla kung kilan nya gusto at maglalaho parang bula bigla.

Nang sinabi ko kay Viktor na bibisitahin ko ang pamilya ko ay natigilan ito at bumangon." Are you sure? They won't hurt you and Tyrone right?"

" I don't think they're capable of hurting me...physically. I just want to see if they're okay."

" Okay,but i will come with you."

" Huh? Are you sure?"
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.
Hindi ko inaasahan na sasama ito sa akin. Hindi ko naman sya oobligahin na sumama. Hindi ko nga alam kung ano ang aasahan pag naroon na ako sa pamilya ko.

" You faced my mother bravely,why can't i do that too? I want to face your parents and the rest of your family, I want to see where you grow up."

Nagbiyahe kami kinabukasan papuntang Laguna at sa byahe pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung anong aasahan ko pagdating dun. Mamaya,pagkakita pa lang ng tatay ko sa akin ay bigla itong magsisigaw at palayasin kami.

" Relax.You're too tense."
Masisisi nya ba ako?

Sinong nagsasabi na may forever? Dahil ang lugar na to ay marami na ang nagbago,mas dumami ang mga gusali,establisamento,mga bagong mall na dati ay wala. Pinagmasdan ko ang pamilyar na daan papasok sa subdivision kung saan ang bahay namin.

Dumoble ang aking kaba ng nasa tapat na kami ng bahay.  Naunang bumaba ng kotse si Viktor para kunin si Ty.Ilang beses kong pinindot ang doorbell at wala pang lumabas. Walang tao? Baka iba na yung nakatira dito?

Pero naputol ang mga kung ano anong iniisip ko ng lumabas ang kapatid ko. Nagulat ito ng makita ako.

" Ate! Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Yung dating binatilyo na huling nakita ko ay mamang mama na ngayon,mas matangkad at mature ito.

Agad ko itong niyakap." Sina Mama at Papa? Nasaan? Nasa loob ba?"

" Oo.Nanonood ng telebisyon. Halika,pasok..."

Nilingon ko kung nasaan ang mga mata niya.
" By the way,this is the father of Tyrone,Viktor."
Pinakilala ko din ang kapatid ko kay Viktor na tinanggap naman ng nakipag kamay ito.

Umiiyak ang nanay ko ng makita ako at niyakap ko lang ito ng mahigpit. Ilang beses itong humingi ng paumanhin. Wala namang kailangan ipagpatawad. I think all the parents are like that,they always think what's good for their children,parents will always think of the kids future. Niyakap ko rin ang tatay ko. I don't want to look back my past with grudge and bitterness,regret and negative thoughts. I want to fix it if posible.

Beast LoveWhere stories live. Discover now