Chapter 35

29.9K 1K 45
                                    

Attention




Inimbitahan ni Megan si Tyrone para sa 'Trick or Treat' kasama ang anak nito at mga anak ng kanilang mga kaibigan at may kaunting salu-salo sa kanilang bahay pagkatapos. Binigyan ni Viktor ng instruction ang isa sa mga bodyguard na sundan at bantayan si Tyrone na  magbahay-bahay kasama ang mga ibang bata. Alam kong praning si Viktor pagdating sa siguridad namin at naiintindihan ko yun. Just like what happened to his father. Mahirap magsisi sa huli dahil pa-easy-easy ka lang o masyadong kampante. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon.

Sa gilid ng pool sa bahay ni Megan ay may mahabang mesa at may mga pagkain. May mga magulang din na nandito,at nakakainis pa yung iba - dahil ang mga babae ay kay Viktor ang kanilang tingin. Why,they're married woman for God's sake! Wala ba silang respeto o hiya sa kanilang mga sarili sa lantaran nilang paninitig kay Viktor? They don't have respect for their husbands to do that? Napapailing nalang ako. I can't imagine myself doing what they're doing right now. Para silang mga teenager kung umasta.

" Ah...don't mind them. Viktor just ignore them."
Nagpasalamat ako sa kanyang inabot na red wine.Hindi naman siguro masama ang uminom ng isang kopita huh? Agad tumingin sa direksyon ko si Viktor ng tumikim ako ng alak na para bang hindi nya aprubado ang pagtikim ko. Kahit may kausap itong ibang tao - hindi nito nakaligtaan ang di ako sulyapan.

" I just can't believe they acted like that."

Tumango tango ito." We can't avoid women like that. They just have to know their positions or else,i will make a place for them. It's not bad to show them your claws,sometimes...just a warning."

Natawa ako at sumang ayon sa kanyang sinabi. Tama naman talaga. Kailangan mo lang ipaalala sa kanila ang kanilang lugar para sa ikakatahimik ng lahat.

" Why you invited them?"

Nagkibit balikat ito." They're my neighboor and their kids are my kids friends too. We're just civil and polite to each other."

Pakikisama. Yun nalang siguro ang meron sa kanila. Kailangan mong makisama sa iba lalo pa at kapitbahay mo din sila.

Tuwang tuwa ang anak ko sa kanyang basket na puno ng chocolate,candies,chewing gums at iba pa,may ilang barya rin. Hindi ko nakalimutan ang kuhanan ito ng picture kasama ang kanyang ama na syang kumandong sa kanya. Ito ang kanyang unang halloween party na dinaluhan. Muli akong nagpasalamat sa bodyguard na nagbantay sa kanya.

" Mommy,i can eat them all?"

Umiling ako." Hindi lahat Ty. Papayagan kitang kumain pero isang chocolate o candy lang sa isang araw or else,you're going to ruin your teeth at pag nangyari yun...sa doktor ang bagsak mo."

Humaba ang kanyang nguso sa sinabi ko. He loves to eat something sweet pero hindi ko pinagbibigyan lagi.

" Your teeth will cry if you eat too much candies Ty."
Sabat ng ama nito.

" Really dad? How come our teeth can cry?"

Natawa ako. Tumingin sa akin si Viktor at hinayaan ko syang magpaliwanag kay Ty tungkol dun.

" They cry when we eat too much sweet because it's hurting them. Too much is a bad baby."

Tumango tango ito na para bang nakuha na nito ang pinaliwanag ni Viktor sa kanya.

Beast LoveWhere stories live. Discover now