Chapter 8

35.3K 1.2K 76
                                    

Still the same




"Ah...Vic,may memo pala para sayo."


Kaaga aga memo agad sasalubong sa akin pagdating ko.Nakakunot ang noo ko ng mabasa yun.Tiningnan ko yung nurse na abala sa harap ng computer.
"Bakit ako?"


Nilingon nya ako."Bakit hindi ikaw? Maswerte ka nga dahil habang nandito yung pasyente ay wala kang ibang gagawin kundi ang i-check sya sa oras na dapat tingnan o sa oras bibigyan mo ng gamot.Tapos pwede ka ng mag relax."


Lintik na."Ako lang ba? O may kasama ako?"

"Meron.Si Carl sa gabi at ikaw sa umaga.Yung anak ng pasyente ang pumili kung sino kaya wala kaming alam kung bakit kayo ang pinili."


Ganun?


Tama nga ang tsismis dahil pagdating ko sa suite ng pasyente ay may dalawang lalaking naka black suit ang seryosong nakatayo sa labas ng pintuan.Hiningi nito ang ID ko saka ako pinapasok sa loob.Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala ang demonyo nyang anak.

Pagkatapos ko e-check ang kanyang bp ay lalabas rin ako.Nagising naman na yung pasyente kaya malayo na ito sa peligro kaya lang di pa ito makakalabas ng ospital dahil marami syang sugat na natamo at bali ang kanyang buto sa binti,his neck is not that good too.Pag okay na yata ang sugat nito ay saka pa lang pwedeng ilabas sa ospital at dadalhin sa ibang bansa para sa operasyon.


"Where are you going? You should stay here."

Naunsyami yung pagbukas ko ng pinto ng bumukas ang pinto ng c.r at lumabas ang anak ng demonyo doon.


Hay,yung makasalanan kong mga mata.

How can he still look this good after two years? Walang nagbago sa hitsura nya,pero ganun pa rin ang tingin ko sa kanya...demonyo pa rin.


Seeing him wearing his tshirt,jeans and his sneakers makes me feel thirsty.

"I don't need to stay here.I'll come back later to check him again and give him his medicine."

"Why? Are you afraid of me?"

Napasinghap ako ng malakas dun.Ang kapal ng mukha nito.

"Why i am afraid of you? Who are you? Are you going to kill me so that i will be scared of you?"


There's that smirk again."Still hot and feisty.Nothing change?"

Natawa ako."You act like we know each other when in fact we're strangers."


Seryoso ang mukha nito na nakatiim ang tingin sa akin.
"And you slept with a stranger."


Tang ina,ipaalala talaga.

"That time was already forgotten so stop reminiscing the past that doesn't exist anymore."


Nanggagalaiti ako sa inis paglabas ko ng pintuan.Sinimangutan ko yung dalawang bodyguards sa labas saka nagmartsa paalis.


Kapal ng mukha ng demonyo na yun.Kung makapagsalita sya ng ganun kala mo close kami,kala mo walang nangyari.



"Oh...nakasimangot ka Vic?"

"Pwede ba na iba nalang yung ilagay nila para dun sa pasyente?"

Umiling yung nurse na kausap ko kanina."Ayaw nya ng iba.Ang sabi nya nga sa mga big boss ay make it posible that you will attend his father.Bakit ayaw mo? Ang dali nga ng trabaho mo eh.Teka,magkakilala kayo?"


Beast LoveWhere stories live. Discover now