The Reality

74 10 8
                                    

Prologue

Hanggang ngayon parin pala, hindi parin matanggap ng sistema ko.

Hindi nga ba talaga matanggap

O

Ayaw ko lang talagang tanggapin?

Siguro ayaw ko lang talaga tanggapin yung katotohanan.

Yung katotohanang kailan man hindi na maibabalik pa ang dati.

Yung katotohanang kailangan mong tanggapin.

Tanggapin na kahit kailan man hindi mo na siya makakasama pa sa lupa.

Tanggapin na kahit kailan man hindi mo na siya makikita pa.

Makikitang dilat ang mata.

Matang pag tumingin sayo parang hindi mo mapigilang ngumiti.

Ngiting pag nasisilayan ko ay nahahawa ako.

Nahahawa ako sa puntong pag nakikita ko ay sobra sobrang saya ang nararamdaman.

Nararamdamang nahinga pa.

Nararamdamang mga haplos na tila'y nakakapag pakalma saakin.

Nakakapag pa kalma sakin na mga salita galing sayo.

Salita na tumatatak sa isip at puso ng mga taong kinakausap mo.

Mga taong nagmamahal sayo.

Mga taong hindi ka makakalimutan.

Hindi makakalimutan ang mga bawat segundo o oras na kasama ka.

Hindi makakalimutan mga alaala ng nakaraan.

Nakaraan na lagi siyang pinapaalala.

Nakaraan na lagi mong kasama.

Kasama sa isip at puso.

Sa Isip at puso kung saan tumatatak lahat ng sinasabi mo.

Sinasabi mong mga biro.

Sinabi mong huling habilin.

Huling habilin na hindi ko kayang tuparin.

Hindi ko kayang tuparin dahil hanggang ngayon di ko parin matanggap.

Hindi ko parin tanggap pero kakayaning tanggapin.

Kakayaning tanggapin ang lahat para sayo.

Dahil ito ang totoo,

Dahil ito ang reyalidad,

This is The Reality

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Pls support my first story. Sorry po kung maikli po to, But don't worry I will try and do my best to finish this story.

I dedicate this to my granfather.

get ready to read the next chapter.
Tho, may pag ka boring yung next. But please, finish reading this story.

Thank you. Pls Vote and you can leave a comment too😂❤️

Nobody❣️

The RealityWhere stories live. Discover now