Reality 7

19 5 0
                                    

Chapter 7

Meeting with them

Mga ma a ayos na pambahay at pang alis lang ang linagay ko sa loob ng aking bag.

Dahil iniisip ko na bibilhan o yayayain naman nila ako mamili ng bagong damit.

Nang natapos ako sa pag a ayos ng gamit ay biglang bumukas ang pintuan ko at nakita ko siya'ng nakangiting nakadungaw sakin.

"Ahh... tapos ka na ba sa pag a ayos ng gamit mo? Pwede mo namang hindi dalhin lahat kasi mag sha shopping tayo pag naka lipat na kayo." Sabi niya habang pasimpleng pumapasok sa loob ng kwarto ko.

See? No need to bring all of my things.

"Tapos na po. Aalis na po ba?" Tanong ko sakanya na ngayo'y naka upo na sa gilid ng aking kama.

"Oo. Ikaw na lang ang hinihintay kaya, tara na?"naka ngiting anyaya niya sa akin na tinanguan ko na lang at sabay bit bit sa bag.

"Yan lang ang dadalhin mo?" Nag tatakang tanong niya sakin.

Hala siya. Naku, kung hindi lang ako mabait, na pilosopo ko na toh. Kaso pinalaki ako ni tatay ng may respeto sa matatanda.

"Opo. Yung maa ayos na damit lang po ang dinala ko, kaya onti lang po" sabi ko sakanya at nag simula nang mag lakad patungong pintuan.

Tumigil ako para hintayin siya dahil gusto kong ako ang mahuli nang masilayan ko sa huling pag kakataon ang kwarto na siyang isa sa mga naging saksi ng aking pag laki.

Lumabas na siya at sumunod ako sakanya, pero bago ko isarado ang pintuan ay ginala ko ang tingin ko sa buong kwarto. Bawat sulok tila'y inaalala. Mga memoryang mananatili na lang isang alaala. Paalam na.

At tyaka tuluyan kong inisarado ang pintuan.

Pag ka baba ay nakita ko silang lahat na nasa sala at hinihintay na lang ako bago umalis.

"Ibe benta po ba ang bahay na ito?" Tanong ko ng naka lapit na ako sakanila.

"Depende. Pero ayoko dahil sa maraming kadahilanan." Sabi ni tatay kaya kahit pa paano ay napanatag ang loob ko.

Dahil balang araw o sa susunod na araw ay baka mas gustuhin ko pang manatili dito kaysa doon. Mark that.

"Shall we? Hinihintay na ang inyong pag dating sa aming, ating bahay." Sabi ni tito

Kaya nag lakad na kami palabas.

Pag labas ay may nakita akong sasakyan na Ford Ranger.

Si tito ay dumiretso sa driver's seat tapos yung kapatid niya naman ay sa tabi niya, tapos kaming tatlo sa likod.

| Tito - Kapatid niya |
| Ate Mich, Tatay , Ako |

Binaba ko ang bintana sa aking tabi at tinignan ang buong bahay namin mula sa kina uupuan ko.

Ma mi miss ko toh. Pero pano yung sasakyan?

"Tay, pano na po yung sasakyan natin?" Tanong ko kay tatay nang nasara ko na ang bintana.

"Diyan lang yan, Wag ka mag alala. Mapapa kinabangan yan balang araw." sabi ni tatay.

Napa tingin ako sa mga tao sa loob ng sasakyan dahil napansin kong nakatingin silang tatlo kay tatay na nakatingin sa bahay. Nang nakita nila akong naka tingin ay nag iwas agad sila ng tingin.

Si ate mich ay tumingin sa labas ng bintana. Tapos yung dalawa sa harap ay sa daan na lang tumingin.

Ni i-start na ni tito ang sasakyan at onti onti na kaming nalayo sa bahay.

The RealityWhere stories live. Discover now