Reality 2

36 9 0
                                    

Chapter 2

Just the three of Us

Bigla na lang akong nagising dahil sa masamang panaginip. Natanggalan daw ako ng isang ngipin sa harap.

Pag tingin ko sa relo ay 4:30 pa lang ng umaga. Maaga pa, pero pinili kong bumaba na lang muna.

Pag ka baba ko nakita ko si tatay sa may salas.

Linapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. Nanonood siya ng tv habang naka crosslegs na pang babae. "Ganyan naman lagi niyang upo" pag nasa loob ng bahay

"Tay, ang aga pa po. Gising kana agad" sabi ko kay tatay na nakatingin parin sa tv

"Nagising ako kasi naiihi ako kaya bumaba ko, pag panik ko ulit di na ko makatulog kaya nanood na lang ako ng tv dito." Sagot ni tatay na hindi inaalis ang paningin sa tv.

"Ahhh, kape tay gusto mo po?" Tanong ko kay tatay

"Mamaya na, si ate mich mo na pag ti timplahin ko. Bat nga pala ang aga mong nagising?" Tanong sakin ni tatay, na nakatingin pala saakin.

"Eh kasi tay, nanaginip po ko ng natanggalan ako ng isang ngipin sa harapan. Sabi nila masama daw po yun, ano po ba ibig sabihin non?" Sabi ko kay tatay na may kasamang pag tataka.

"Ibig sabihin non, may mamamatay. Kaya dapat nag pray ka." Sagot sakin ni tatay.

Bigla na lang akong kinabahan,
Bigla na lang akong nanghina.

"Sige po tay, samahan mo ko mag pray tay." Pag lalambing ko na din kay tatay. Bukas pa naman ang linggo, at hindi kami linggo linggo nag sisimba, baka lang mag simba bukas dahil dito.

"Sige, lumuhod ka. Ipag dadasal natin sa diyos ang napanaginipan mo." Sagot ni tatay tyaka niya pinatay ang tv.

Parehas na kaming naka luhod, hinawakan ni tatay ang kamay ko at siya na ang nag lead.

Panginoon,
Wag niyo po hayaang mapahamak ang kung sino mang tinutukoy nang nasa panaginip ng aking apo. Wag niyo rin ho sana kami pababayaan, lalo na ang aking pamilya. Salamat panginoon, pinupuri ka namin.

Amen

Pag katapos ay nag mulat na ko at nakita ko si tatay na naka pikit pa.

Pero sandali pa ay nag mulat na rin siya, at ngumiti siya sa akin, pero bakit parang iba?

Tumayo ako at tinulungan ko si tatay.

"Punta lang po ko sa kusina tay," paalam ko kay tatay at pumunta na sa kusina.

Pag punta ko sa kusina ay uminom ako ng tubig.

"Tay, akyat muna po ko" sabi ko kay tatay, bago ko umakyat sa kwarto.

Pag ka akyat ko ay dumiretso ako sa akong kwarto at sinarado ang pinto. Nag hahanda ako ng pang bihis ko. Kahit maaga pa, maliligo na ko.

Pag ka pasok ko ng banyo ay linock ko yung pinto at tyaka nag tagal sa may shower.

Iniisip ko kasi yung napanaginipan ko kanina. Natatakot ako, para dun sa mawawala. Natatakot ako na baka malapit sakin yung mawala. Natatakot ako na baka nasa pamilya ko lang yung mawawala.

Pero hindi, walang mawawala sa pamilya ko. Hindi nila ko iiwan, kasi hindi ko kaya. Tyaka nag dasal kami kay Lord na wag pababayaan kung sino man yun.

Wala din namang may sakit samin, healthy kami kasi magaling mag luto si tatay, laging healthy (laging ubos. Simot pa)

Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa mukha ko, mainit ehh. Wala naman akong dapat ipangamba diba?

The RealityWhere stories live. Discover now