Reality 6

19 6 0
                                    

Chapter 6

Moving out

Nagising ako ng masakit ang mata ko. Hindi ko muna idinilat ang mga mata ko at nahiga na lang ulit.

"Ohh, kala ko gising kana anak?" Napa mulat agad ako ng dahil sa narinig ko.

Nakita ko siyang nakangiting naka upo sa may gilid ng kama ko. Ni hindi ko man lang napansin yun.

"Ano pong ginagawa niyo sa loob ng kwarto ko?" Tanong ko pabalik sakanya. Gulat na gulat parin ang ekspresyon ko at siya naman ay naka ngiti lang sakin at itinaas ang isa niyang paa paakyat sa kama ko.

"Hinihintay kang magising, dahil gusto kitang makasabay sa pagkain ng umagahan." Sabi niya ng hindi parin inaalis ang tingin sa kin at naka ngiti. Hindi ba siya na nga ngalay?

"Sge po, mag aayos lang po ko." Sabi ko sakanya. At sana makuha niya kung ano ang gusto kong iparating.

Bumangon na ko at tumayo sa gilid ng kama para mag ayos na kaya tumayo na rin siya.

"Ahh sge, labas muna ako anak." Sabi niya kaya tumango na lang ako.

Pag ka labas niya ay napa buntong hininga ako. Hindi ko ina akala na ganto ka aga niya ko gusto kausapin.

Parang hindi pa ko handa? Pero ang sabi niya naman gusto niya kong maka sabay sa pag kain ng umagahan.

Pero bahala na...

Nag simula na ko mag ayos, half bath, toothbrush at kung ano ano pa. Pag ka tapos ay lumabas na ko ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko silang nag uusap.

"......Wala na tayong magagawa pa. Ta-..." hindi natuloy ang sinasabi ni tatay dahil nakita ako ni ate kaya tinawag niya ko

"..Twight.." sabi niya na gulat ang ekspresyon.

"Ohh anak, dito kana sa tabi ko. Kumain na tayo ng agahan" Sabi ni mo- yung babaeng anak ni tatay, na siyang unang naka bawi sa pag ka gulat. Bakit kasi sila nagulat?

Lumapit ako kay tatay at nag beso.
"Goodmorning po" sabi ko na tinignan sila isa isa at tinanguan.

Umupo na ko sa tabi nung babae nang biglang nag salita si tito -yung anak ni tatay, at oo nandito din siya- "Ok, dahil nandito na ang lahat. Mag dasal na tayo at pasalamatan ang pag kain na naka hain sa hapag kainan" at sabay sabay na tumungo at nag dasal. Pag ka tapos ng ilang minuto ay nag simula na kaming kumain.

Tahimik kaming kumain at nang matapos ako ay tumayo na ko agad.

"Oh anak tapos kana agad?" Tanong niya sakin at sumagot naman ako.

"Opo" at dapat ay aalis na ko pero nag salita si tito.

"Nakaka bastos naman kung aalis ka habang may nakain sa hapag" sabi niya sakin ng hindi man lang tumitingin at tuloy pa rin sa pag kain.

"Kuya Mark." May halong diin na pag kaka sabi niya.

Napatingin ako kay tatay at umiling siya. At nakuha ko kung anong gusto niyang sabihin.

The RealityWhere stories live. Discover now