Reality 4

27 5 0
                                    

Chapter 4

Tagaytay

Pag katapos ng ilan naming pictures dito ay sumakay na ulit kami sa sasakyan.

Pag tingin ko sa orasan ay around 3 na rin pala, di ko namalayan ang oras.

"Saan tayo mag gagala?" Kalmadong tanong samin ni tatay. Pero nag katinginan kami at sabay na sinabi,

"Picnic Grove!" Sabay tawa. Si tatay naman ay napailing nalang ng naka ngiti.

Hindi namin maalis ang ngiti saming mga labi dahil alam naming iisa lang ang tumatakbo sa isip namin.

At brain cells yun.(Ayy, sorry jowk lang po HAHAHA iba pala dapat)

"Horse back riding!" Sabay sabay na banggit naming tatlo at tyaka tumawa lahat.

Habang nag dra drive si tatay papunta sa picnic grove ay linilibang namin siya sa kwento namin ni ate mich.

Sobrang saya lang na sana hindi na matapos toh.

Pero alam kong imposible yon.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Nag handa na kami ng 150 kasi 50 isa yung sa entrance.

Nag park na si tatay kaya binigay na rin yung bayad.

Pag ka baba ay dumiretso na agad kami ni ate mich sa may horse back riding.

Pag dating ni tatay ay agad niya kaming nakita sa may bayaran.

"Dalawang kabayo" sabi ni tatay, hayss alam niya na talaga HAHAHA gusto ko kasi ako lang mag isa sa kabayo kasi hilig kong patakbuhin yung kabayo doon sa loob.

"700 po, tig isang oras po yung dalawang kabayo" nakangiting sabi nong babae kaya naman may nag assist na sa amin.

"Kukunin ko lang po yung kabayo" sabi nung nag a assist kaya nag hintay na lang kami sa may gilid.

Pag balik ni kuya ay nakita kong malaki yung dalawang kabayo.

Hinayaan ako ni tatay na pumili kung anong gusto ko sa dalawa. Kulay black na malaki yung isa, at yung isa ay kulay brown.

"Tay, akin po yung Black" nakangiti kong sinabi kay tatay. Kaya tinunguan niya lang ako.

Pag angkas ko ay tinulungan ako ng nag a assist. Kahit alam ko na naman talaga.

"Kuya ano pong pangalan niya?" Tanong ko kay kuya habang pinapalakad ko yung kabayo paikot dito.

"Pot pot" sabi ni kuya. Kaya pag lingon ko sakanya ay natawa ako ng konti.

Nang liningon ko si tatay ay nakita ko yung mukha ni ate na parang takot HAHA. Nasa likod niya si tatay, kaya ng nakita ako ni tatay ay sinenyasan niya ko na sa kabayo ang tingin.

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Kinukuha ko ang loob ng kabayo, nang sa ganon ay mag kapalagayan kami ng loob (HAHAHAHA), para hindi matakot o mag alala ang kabayo kung tatakbo ba siya o hindi.

Dahil lagi kong naaalala ang sinabi sakin ni tatay na , hindi tatakbo ang kabayo dahil nararamdaman niyang takot ka. Kaya simula nun hindi na ko natatakot sa kabayo.

Habang pinapalakad ko ang kabayo ay pabilis na siya ng pa bilis kaya natutuwa ako.

Nang tumakbo na si Pot pot ay ni guide ko na lang siya kung saang daan ang tatakbuhin niya.

The RealityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora