Reality 1

96 9 2
                                    

Chapter 1

SM Trece

Twight's POV

"Tay, jollibee tayo! Minasahe kita kagabi ahhh.." sabi ko kay tatay.

Kasi kapag minamasahe ko siya nag jo jollibee kami o kung san man namin gustuhin kumain.

"Oo, mamaya pag dating ng ate Michaella mo." Sagot sakin ni tatay.

"Kape tay, gusto mo?" Tanong ko kasi ubos na yung kape niya, kakahintay namin sa pag uwi ni ate.

Nandito kami ngayon sa bahay, kagagaling ko pa lang sa school. Im a grade 5 student in the "School of honors".

Ang galing noh? Grade 5 pa lang ako pero kaya ko nang mag kwento.

Sabi kasi nila, matured na daw ako kahit bata pa sa edad. Well, ganon talaga siguro pag matalino.

"Wag na mamaya na ulit," sagot sakin ni tatay

Handa na kami para umalis, hinihintay na lang talaga si ate.

Naka pink t shirt ako at black shorts, then my sneakers.

Si tatay naman ay nakasuot ng Maong pants niya and t shirt lang din.

"My same old grandfather"

"Tay nandito na po ko!" Sigaw ni ate Michaella sa may gate.

"Antagal mo naman ate! Anong ginawa mo? Ba-" naputol ang sinasabi ko dahil si tatay naman ang nag salita..

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na ohh. Kanina pa kami nag hihintay dito ni Twight. Wa-" naputol din ang sinasabi ni tatay dahil si ate Michaella naman ang nag salita..

"Late ho ako kasi may ginawa pa kami ng mga kaklase ko. Assignments and group projects pati na rin group activities. Ok na tay? Twight? Masyado kayong ano ehh.." sabi naman ni ate Michaella na nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

"Ano ate? Masyadong ano?!" Tanong ko kay ate.

"Masyado kayong OA! Kala niyo kung ano na! Aga aga pa ehh. Parang mag di dinner lang naman jan sa labas. May sasakyan naman tayo kaya hindi tayo masyadong matatagalan." Sagot naman niya.

"O sige, mag bihis kana dun at ng-" pinutol ko yung sasabihin pa sana ni tatay.

"Nang makapag laro tayo sa quantum ng-" pinutol nilang pareho yung sasabihin ko.

"BASKETBALL!" Sabay sabay naming sinabi at nag katinginan kaming tatlo. Tyaka sabay sabay na tumawa.

"Aakyat muna ko sa taas ng makapag palit ako ng damit. Sandali lang." sabi ni ate.

"Mag shorts ka lang din ate ahh!!" Sigaw ko sakanya mula sa baba.

"OO!" Sagot naman sakin ni ate mula sa taas.

"Tara na sa sasakyan habang nag bibihis ang ate mo, para pag ka labas niya alis na tayo." Tapos sabihin yun ni tatay, tumayo na siya para i start ang,

"revo naming color blue".

"Opo tay! Aakyatin ko lang si ate tapos susunod na po ko sainyo" at pag katapos ko sabihin yun ay umakyat na ko sa taas.

"Ate bilisan mo, pag ka baba mo ikaw na mag lock ng pinto. Punta na kong sasakyan ahh. Dun ka na namin hintayin." Sabi ko kay ate sa labas mg kwarto niya.

The RealityWhere stories live. Discover now