Reality 5

29 7 3
                                    

Chapter 5

The parents

Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha galing sa mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mich, Twight. Umakyat muna kayo sa mga kwarto niyo apo." Sabi ni tatay nang hindi inaalis ang tingin sa dalawang taong nasa harap niya.

"Pero tay,.." may sasabihin pa sana si ate Mich pero pinutol ni tatay ang sasabihin niya.

"Sge na, umakyat na kayo." Sabi ni tatay at tyaka ako inalalayan ni ate Mich paakyat sa kwarto namin.

"Opo tay" ang tanging nasabi na lang ni ate habang nag lalakad kami.

Hinarang kami nung babae at lumuhod siya sa may harapan ko at nagsalita siya. "Babalikan kita bukas anak. Mag uusap tayo. Kwe kwentuhan kita, tapos,.." hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil pinutol iyon ni tatay.

"Sge na at pumanik na kayo, Mich." sabi ni tatay. Kaya hinatid ako ni ate Mich sa kwarto ko.

Lalabas na sana siya mula sa kwarto ko nang nag salita ako.
"Ate, pwede mo ba kong kwentuhan tungkol sakanila? Please." Sabi ko kay ate habang naka upo sa gilid ng kama ko.

Napalingon siya sa akin at ngumiti. Tinabihan niya ko sa kama at pinahiga tyaka kinumutan. Pag katapos ay nag simula na siya.

"Yung babae ay yung mama mo. Si Marchessa Santiago. Pero nang napa ngasawa niya ang step father mo ay naging Marchessa S. Hernandez na siya." Mana pala ako sakanya. Ang ganda ganda niya, at mukhang sabik na sabik siyang makilala ako.

"Yung lalaki naman ay si Mark Santiago. Ang papa ko, na tito mo. Mas matanda si Papa sa mama mo. Dalawa lang silang mag kapatid." Ampogi, boy version siya ni ate mich.

Ganun pala yun. Pero bakit hindi namin sila kasama?

"Kung ganon, bakit wala tayo sakanila? Bakit si tatay yung nag pa laki satin? Hindi ba nila tayo mahal?..." at nang dahil sa sinabi ko, nag tuloy tuloy pumatak ang luha ko.

Pano kung ganon nga?..

"Hindi sa ganon. Pero ang pag kakaalam ko, kung bakit si tatay ang nag palaki sa atin ay iniwan tayo dito ay dahil anak tayo sa labas. Kaya mas pinili nila tayong wag mahirapan kaya binilin nila tayo kay tatay. May galit kasi satin yung mga asawa nila..." at tyaka nag simulang umiyak sa harap ko si ate, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

It hurts to see her breakdown.. I don't know what to do.. is it enough that im right here beside her? Maybe....

Yinakap ko siya kaya ginantihan niya ang yakap ko kaya sabay na kaming naiyak.

Ang sakit pala. Anak ako, kami sa labas. Kaya si tatay ang nag palaki samin at nag aalaga hanggang ngayon.

Pero bakit ngayon? Ngayon pa na masaya at simple lang ang buhay namin tyaka sila dumating.

At gusto pa nila kaming tumira lahat sa iisang bahay. Ano yun makakasama ko yung tao na siyang dahilan kung bakit hindi ko nakasama ang magulang ko sa buong buhay ko.. yung asawa ni mama.

Pero ok lang. as long as na kasama ko si ate mich at si tatay.

"Tahan na ate, wala naman na tayong magagawa. Wala nang mag babago. Tapos na ehh. Nang yari na ang lahat. Ang mahalaga makakasama parin natin si tatay kahit anong mangyari. Yun naman ang mahalaga dba?" Humiwalay ako sa yakap at tinignan ko siya nang nakangiti at sinuklian niya rin ito ng isang ngiti.

"Sge na, matulog na tayo. Pupunta na ko sa kwarto ko.. Goodnight lil sis.." sabi niya sakin ng naka ngiti. At sinuklian ko siya nang isang malapad na ngiti.

Bihira niya lang akong tawagin na lil sis kaya ang lapad ng ngiti ko.

Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko pero bago niya isara ang pinto ay tumingin pa ulit siya sakin ng isang beses at ngumiti sabay flying kiss.

At tuluyan niya nang sinara ang pintuan. Kaya nahiga na rin ako sa kama ko.

Habang naka higa ako ay madaming tanong ang pumasok sa isip ko.

Kailan kaya masasagot ang mga tanong ko? O kung masasagot pa ba?.

Iniisip ko kung makakapag usap pa kaya kami ni mo- i mean nung babae, sabi niya kasi babalik daw siya bukas tapos mag kwe kwentuhan kami.

She looks strict, but I hope she was not.

I wonder kung nag mana ako sakanya..

San kaya bahay nila? Malaki ba? Bat hinayaan nila si tatay na mag palaki samin kung pwede naman nila kaming kunin nung mga bata pa lang kami, kasi ngayon pa lang nasasaktan na ko ng sobra. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon?

May nagawa ba kong masama para maging ganto yung buhay ko? Yung pagiging anak ko sa labas, pwede bang makisiksik na lang sa loob?

Nung mga panahong ginagawa ako, sinadya ba o isa lang akong bunga nag pag kaka mali?. Pero kahit ganon, feeling ko ang swerte swerte ko parin.

Dahil nanjan si tatay na nag alaga at nag mahal samin buong buhay namin.

Si tatay na nag hirap para mapalaki kami ng maayos.

Si tatay na ka agapay namin sa lahat ng oras.

Si tatay na tumanggap kung ano at sino man kami.

Si tatay na nag iisa kong lolo na nakilala ko, minahal, minamahal, at mamahalin ko habang buhay...

Nanjan din si ate Mich na kahit ubod ng ka artehan at katarayan ay laging nasa tabi ko.

Siguro hindi siya verbal pero pag nag action siya, you'll feel so comfortable.
That you will come to think of everything's gonna be alright.

Pag katapos ko mag isip ng kung ano ano ay umupo ako sa kama at nag pray,

Lord,
Salamat po sa araw na toh dahil safe po kaming naka uwi kung san man po kami nang-galing. Salamat din po sa mga blessings na nakuha at nakukuha namin. Pasensya po sa mga maling nagawa ko at ng pamilya ko, patawarin niyo po kami. Sana po wag kayo mag sawa bigyan kami ng patnubay at gabay kahit saan man po kami pumunta. Alam ko pong nasa ayos na ang lahat bago pa ito mangyari. Kayo na po bahala samin Lord. I love you, Goodnight ❣️

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Sorry po sa mga typo error😜

Another update po!😍
Hope you liked it.😁 Pasensya po kung hindi ako araw araw nakaka pag update.

I love you mga readers na walang sawa sumoporta sa kwento na to. Sana mas dumami pa readers? Kahit hindi ganon ka ganda yung plot and theme ng story

Pero makaka relate ka ng bongga. Promise👋🏻

The RealityWhere stories live. Discover now