CHAPTER TWO

33.2K 1K 34
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



―Oliver Gonzales―


✉ ✉ ✉

Natapos ang araw na ito. Iniisip ko pa rin kung anong punishment ang gagawin ko kay Ashfaith. Ayoko naman talagang patulan ang mga papansin nya pero, sinimulan nya to, masama akong maghiganti. Hindi pa nya kilala ang totoong Oliver Gonzales. I will make her realize na mali ang ginawa nyang kalabanin ako.

"Hi Oliver." Umupo agad sa hita ko si Andrea.

"Get off Andrea." Inilayo ko ang sarili nya sakin.

"Oliver, keep calm. By the way, let's have a drink?" Panghahamon nya samin nina Patrick.

"Game ako dyan!" Patol naman ni Patrick.

"May gagawin pa ako. Kayo na lang." -tumayo ako sa upuan ko at isinakbit ang bag sa balikat ko.

"Oliver!" -dinig kong tawag sakin ni Andrea. Tss, aware ba sya on what she was doing? Mas lalong dumudumi ang tingin ko sa kanya.


―Ashfaith Hernandez―

✉ ✉ ✉


Para akong secret agent na nagtatago sa bawat halamanan sa school. Ayokong may makakita sakin habang pumapasok ako sa room namin. Nagsumbrero na ako ng black tsaka naka-jacket na ako kahit sobrang banas. Waaa. Pahirap talaga sa buhay ko si Oliver.

Laking tuwa ko na dalawang step na lang pala at malapit na ako sa room.

"Papa Oliver! Nandito syaaaaa. Kyaaaa."
-sigaw ni Brittney. Nagunaw ang mundo ko nung sumigaw sya.

"Walangya ka Brittney!" -lumabas ako sa grass sculpture na tinataguan ko at akmang sasabunutan si Brittney dahil sa kalandian at kasipsipan nya.

Nagulat ako ng makita ko na katabi na ni Brittney sina Oliver at yung dalawa pa nyang kasama. Nalintikan na.

"Ka-kayo na naman. Ma-may nalimutan ba kayo?" -ngumiti ako ng fake kahit na gusto ko ng sumabog sa galit kay Brittney. Humanda to sakin mamaya, uubusin ko ang mga buhok nya sa katawan!

"Get her." dinig kong utos ni Oliver sa dalawa.

"Teka!—Sandali! Bitawan nyo ko!" -nagpupumiglas ako sa pagkakahila nung dalawa. Tig-isa sila sa braso ko na nakahawak at pinipilit akong maglakad.

Ipinasok nila akong tatlo sa kotseng itim. Hindi ko mapigilan ang pagtutulak nila sakin papasok kaya napapasok tuloy ako sa loob. Feeling ko nagkagasgas ang braso ko dahil tumama iyon sa pinto.

"Isusumbong ko kayo sa papa kong pulis!" -pagbabanta ko. Pinaggigitnaan ako ni [tumingin ako sa ID nung nasa left side ko.. Ahh. Patrick Peter Ramos ang pangalan ng mokong na to.] Ulit. Pinaggigitnaan ako ni Patrick at ni Oliver sa sasakyan. Nasa unahan kasi yung isang mokong.

"Bakit may papa ka ba?" -sabi nung Patrick tapos tinawanan ako.

"Edi kay kuya na lang. Isusumbong ko kayo sa kuya kong militar! Ipapaputol ko yang mga lawit na dila nyo! Humanda kayo!" -tinaasan ko pa sila ng kilay pero tumawa lang sila. Alam siguro nila na nagbibiro lang ako. Tsss. Ano ba naman to!

"San nyo ba ako dadalhin!" -nagwawala na ako.

"Sa lugar kung saan tayo lang ang nakakaalam. Let the games begin." -tinignan pa ako ni Oliver ng masama at parang killer yung boses nya nung sinabi nya yon. Sa sobrang kaba ko, hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Diretso lang ang tingin ko.

"Let's go." -utos ni Patrick. Inirapan ko lang sya. Hindi sana ako bababa pero hawak nila yung cellphone at bag ko kaya sumunod na lang ako sa kanila. Tsk. Nakakainis.

Nilibot ko ang tingin ko, what the shit lang. Nasa school nila ako ngayon. Nasa ground kami kung saan nagpark yung sasakyan. Ang ganda pala talaga sa school na to. Mga walong building. Apat dun sa right at apat din dun sa left. Bali sampu na din dahil nung nakikita kong mga faculty building at yung malaking office building ata yon. Napakayaman naman pala talaga nila.

"Bakit nyo ko dinala dito?" tanong ko.

"Dito ka na mag-aaral!" sabi ni Oliver. Ako? Dun mag-aaral? Ano to gaguhan?

"Tanga ka ba? Paano ako makakapasok dito eh private school to tsaka wala kaming perang pangtuition." Sagot ko.

"Wear your common sense please." sabi nung isa tapos binitbit ulit ako.

"Teka, ayoko! Ayokong pumasok dito!" -pagpupumilit ko. Hindi ako pinapansin ni Oliver. Tuloy tuloy pa rin sya habang naglalakad. Hanggang sa makarating kami sa hall way.

"Hoy Oliver, uuwi na ako akin na yang bag at cellphone ko!" -halos habulin ko na ang lakad nya sa sobrang laki nya humakbang. Hindi pa rin nya ako pinapansin kaya naglakas loob akong hilahin yung damit nya.

"Ano ba? Yung damit ko nagugusot!" -pinalo nya yung kamay ko. What the. Namamalo sya. Parang bakla!

"Akina yang bag ko!" Ulit ko sa kanya habang itinituro yung bag ko. Naririnig ko namang humahagikgik sa tawa yung sina Patrick sa likod namin. Tinignan lang ako ni Oliver ng 1 minute tapos itinuloy na ulit ang paglalakad.

At ngayon, hinahabol ko na naman sya. "Hoy Olive—Waaaa." Sa sobrang clumsy kong babae, natalisod ako dun sa bato at nahigit ko ang damit ni Oliver sa likod. Nakakahiya yung position namin pero mas nakakahiya yung kanya.

Shit. Nakapatong ako sa likod nya tapos nakadapa sya sa sahig. Lintek! Nakakahiya. Nakita kong nagkukumpulan na yung mga tao kaya tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Pinipicturan na din kami ng ibang estudyante. Tumingin sakin si Oliver. Shit, galit sya, pero hindi ko pinagmukhang kawawa at natatakot sa kanya ang sarili ko. Nagchin-up ako at taas kilay na hinarap sya.

"Ikaw kasi hindi mo—" What the . . . Kung panaginip lang to sana wag na lang akong gisingin. Sya ang unang nagnakaw ng first kiss ko. Ang crush at ang pinakahate kong lalake.

Nagulat ako nang hatakin ako ni Oliver papunta sa kanya.Kung may camera lang siguro na nagvivideo samin, parang nagslow motion yung paligid ko at parang umiikot ikot yung camera sa kinatatayuan namin ni Oliver. Gosh! Binalot ng kamay nya ang bewang ko at pinagdaop ang mga labi namin. Naramdaman kong hindi yon smack lang dahil ang tagal na nakadikit sa labi ko yung labi nya. Hindi gumagalaw yung labi nya. Shit, hindi ko maimagine! Hinalikan nya ako sa harap ng madaming tao. Is this a worst or good thing?

Naramdaman ko lang na tapos na ang eksenang iyon ng bitawan nya ang bewang ko at lumayo sakin.

"Goodluck." Ngumisi sya tapos binitawan ang bag sa harap ko pagkatapos ay umalis na sya kasama ang dalawa nyang tropa.

Nanatili akong nakatayo, pero nabasag iyon ng mapaluhod ako. Nanlambot ang tuhod ko dahil sa halik na yon. Pero teka, bakit naggoodluck sya? Anong ibig sabihin non? Nawala ang pag-iisip ko ng may bumatok sakin. Napasubsob tuloy ako. Dahan dahan akong lumingon na asar na asar sa gumawa non.

"Bakit mo hinalikan si Oliver! slut girl! Cheap! Malandi!"-sabi nung isang babaeng student ng school na to. Hinawakan nila ang buhok ko at pinagsasabunot.

"Hindi kayo bagay ni Oliver!"

"Ang lakas ng loob mong halikan sya!"

"Waaaaa. Papatayin ka namin."


Halos mahilo ako sa pagsasabunot nila. Sa sobrang dami ng babaeng nananakit sakin ngayon, hindi na ko makahinga at malapit na akong mawalan ng malay.

"Stop it!" -boses ng lalaki na humawi sa mga babaeng nambubugbog sakin. Huling sabunot na lang at mawawalan na talaga ako ng malay.

"Are you okay?" naramdaman ko pang hinawakan ako nung lalaki sa batok ko at isinandal sa katawan nya. Hindi ko na maaninag ang mukha nya dahil itim na ang bumalot sa paligid. 

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now