CHAPTER FIFTEEN

19.5K 669 17
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ashfaith Hernandez

Pagkatapos naming kumain, nagpunta muna ako ng room namin ni Oliver. Magpapalit kasi ako ng damit, nilalamig ako. Kukuha din ako ng jacket. Pagkakuha ko ng jacket sa maleta ko, chineck ko ang cellphone ko.

"Hala si Mama. Nakalimutan kong replyan." Dali dali akong nagtype ng message para sa kanya.

To: Mama
" Ma sorry kung ngayon lang ako nakareply, nakatulog na po kasi ako kagabi. Nandito na po ako sa Batangas. I love you Ma, ingat ka po dyan! I miss you so much! Mwuah! "

Pagkatapos nun ay iniwan ko na ulit yung cellphone ko. Baka kasi mabasa sa dagat. Pumunta na ako dun sa mga kaklase ko. Ang ganda ng bonfire, sana may mallows.

Umupo na ko dun sa may kahoy. Bakit wala pa yung iba? --Wala pa din si Oliver at Keith? Nasan na yung dalawa? Psh. Baka nangchichicks,--pero iba si Keith e, baka si Oliver pa! Cactus yon.

Habang nag-iihaw ako ng mallows, may biglang humalbot ng stick ko. Aba! Bastos ah! Naramdaman ko din na umupo sya sa tabi ko. Inalis ko ang hoodie na nakapatong sa ulo kaya ayun, nakilala ko na! Psh, at sino pa nga ba?

" Akin yan e! "-inaagaw ko yung stick sa kanya.

" Sinong may hawak ngayon? "

" Ikaw! "

" Edi akin na to. "-pagkasabi nya non, sinubo nya agad! Bwisit! Yung mallows ko!

" Nakakainis ka naman e! Bakit ba hindi ka gumawa ng iyo? "

" Tinatamad akong mag-ihaw! Dali, isa pa! Mag-ihaw ka pa. "-ibinigay nya sakin yung stick.

" Ayoko nga! Magluto ka ng iyo! "-inihagis ko sa side yung stick nya. Bahala sya. Gagawa ako ng akin! Para sakin lang.

" Ang damot mo naman! Bahala ka, hindi ka makakapagluto ng wala nito! "-inagaw nya sakin yung mallows. Seryoso? Para tuloy akong nakikipag-away sa bata! Psh!

" Oo na sige na, iluluto na kita! Baby boy! Pfftt. "-inasar ko sya.

" Wag ko nga akong tawaging baby boy! Pogi pwede pa. "

" Yuck! Mandiri ka nga! Akin na yang mallows! Supalpal ko yan sa bibig mo e. "-itinusok ko na yung mallows sa stick.

"Gawin mo nga. "-hinahamon nya ba ko.

" Pag nagawa ko wag kang gaganti? Aray! "-nakakaasar naman kasi si Oliver! Yan tuloy natusok ko pati yung darili ko! Psh! Ang hapdi.

Nagulat ako ng biglang kunin ni Oliver yung hintuturo ko.

" Yan kasi! Napaka-clumsy! Pagtutusok lang ng mallows dipa magawa ng maasyos! Psh! "Aba, kasalanan mo kaya!

" Ano masakit pa? " Bakit ganyan sya makatingin! Natutunaw ako na parang ice cream! Ice cream? Psh, nagutom tuloy ako.

" Hindi na! Okay na! "-pagkasabi ko nun, dumating na naman yung iba naming kaklase. May dala silang unan, kumot, gitara at iba pang music instruments na magaan, tulad nung maliit na tambol.

Ngayon, hindi na tumabi sakin si Keith, nasa tabi ko kasi si Oliver. Iniiwasan ata ni Keith si Oliver?

" Okay, tara tumugtog? Sinong kakanta? "-pangunguna ni Sir.

" Sir si Six."-sabi ni Ice.

" Nako wag na, baka umulan, sayang ang trip natin."-lalo kaming natawa kay Sir.

" Sir si Oliver na lang po! "-sabi ni Andrea.

" Oo nga sir! "-ani Trinny.

" Si Baby Oliver na nga lang, mas feel ko kapag nakanta sya! Diba girls? "-ani Lea.

Tumugon naman yung iba kong kaklase.

"Okay, Oliver, you sing, then six, ikaw sa drums and Keith, you know how to play guitar naman diba? "-sabi ni Sir.

" Yes sir, I can. "-kinuha ni Keith yung gitara kay Six tapos nagpalit silang dalawa.

Nagsimula ng itipa ni Six at ni Keith ang intro. Halaaa, Terrified 'yon ah.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now