CHAPTER EIGHT

22.3K 794 16
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ashfaith Hernandez

Pagkakuha ko nung sulat kay Keith, galit na galit akong pumunta sa room! Siguradong nandun yung tatlo! Hindi ba sila nagsasawang ipahiya ako?

Palagapak kong binuksan ang pinto. Tama nga ako, nandun sila at nagtatawanan. Hinila ko ang uniform ni Oliver at pinatayo ko sya. Nakakagalit kasi! Sinampal ko sya.

"Aray!—Ang lakas ng loob mo na sampalin ako ah! Inaano ba kita!"-napahawak si Oliver sa pisnge nya. Ipinakita ko yung printed na papel na ikinabit nila sa likod ko kanina nung ginulat nila ako.

"Ano na naman bang ginawa kong mali sayo ha? Hindi na naman ako gumanti nung napaoffice tayo ah! Hindi ba kayo titigil? "-pasigaw kong sinabi yon, wala akong pake kung nakatingin silang lahat sakin.

Hinalbot nya yung papel sa kamay ko. At binasa pa nya talaga! Maggagawa na naman to ng palusot! Sinampal ko ulit sya ng isa. "Ano, hindi ka makasagot no. "-sabi ko.

Humarap sya na galit ang mukha sakin. Pake ko ba! Ipinahiya nya ako e, edi ipapahiya ko din sya dito! Hinawakan nya ako sa braso at tinignan nya ako, mata sa mata.

"Sa susunod, alamin mo muna kung tama ang sinasabi mo!"-pahatak nyang binitawan yung braso ko. Nakakatakot din sya nung nagsalita, mahina pero may diin sa bawat salita. Pagkasabi nya non, lumabas sya ng pinto at palagapak na isinara ang pinto.

Mali ba ang ginawa ko? At ako pa talaga ang mali ha! Ako na nga yung ipinahiya nya e! Gago pala sya! Sinong tinakot nya? Ako? Eh sya naman talaga yung may kayang gumawa nun sakin e!—Sya nga lang ba?

**

Umabot na ng recess, hindi pa rin bumabalik si Oliver. Hays, pakialam ko ba sa kanya! Napatingin ako kina Deniel at Patrick. Hindi man lang ba nila susunduin si Oliver?

"Hmm, Pa-patrick."-kinulbit ko si Patrick. Tinignan nya lang ako at binaling na ulit ang tingin sa iba. Aba walangya, pati ba naman silang dalawa sakin galit! Ako kaya dapat ang magalit dahil pinahiya nila ako! Psh.

"Kung iniisip mo na si Oliver ang gumawa non, Ash ako na ang nagsasabi, hindi nya magagawa yon. "-biglang nagsalita si Deniel, seryoso sya habang naglalaro sa cellphone nya.

"At bakit ko naman iisipin na hindi nya kayang gawin yon? Eh kaya nya ngang ipahiya ako sa—"

" He can never do that. Wala ka kasing alam Ash. So kung pwede lang, humingi ka na ng apology kay Oliver. "-sabi naman ni Patrick.

"Bakit ako pa ang hihingi ng apology eh sya nga yung—"


"Hindi nya magagawa yon."-duet pa sila tapos sabay din na tumayo at umalis.

Ano bang nangyayare? Totoo kayang hindi nya kayang gawin yon? Eh? Mahirap kasing paniwalaan e. Pero sino nga kaya ang gagawa non sakin? Siguro nga hindi ko pa alam ang lahat? Pero malabo talagang hindi si Oliver yon e. Sobrang labo! Sa laki ba naman ng galit nya sakin. Inaraw araw na ata nya akong inaasar e.

Nagflashback ako sa mga nangyari kanina. Mula sa bahay hanggang makarating ako sa school.

"Ay tama! Walangya!Sila nga!—Yung tatlong babae kanina na tumulak sakin! Hmmmp! Bwisit!" –sa isip. Teka, kailangan ko ba talagang humingi ng tawad kay Oliver?—Siguro oo,nakadalawang lagitik na sampal sya sakin kanina e. Aysh ano ba naman Ash.

Nakonsensya ako sa ginawa ko kanina. Nasampal ko na si Oliver ng dalawa, naipahiya ko pa sya sa buong klase. Urgh! Feeling ko gusto kong magpalamon sa lupa.

Hinanap ko naman si Oliver sa campus. To be honest, nakapagditch na ako ng isang klase sa paghahanap sa kanya. Ih, kailangan ko na kasing humingi ng sorry. Nasan ba naman kasi yung bugok na yon. Baka naman wala na sya dito? Siguro umuwi na sya. Nako, baka nga. Kasalanan ko to e! Tsk, lalo akong nakonsensya.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now