CHAPTER FIFTY

15.3K 458 48
                                    


 IN BETWEEN

[ ASHFAITH'S POINT OF VIEW ]

Nagising na lang ako dahil sa sumakit ang batok ko. Iminulat ko lang ang isa kong mata dahil nasisilaw ako. Naramdaman kong hindi ako sa unan nakahiga dahil matigas ito at parang puro bato. Kaya siguro sumakit ang batok ko.

Nang maayos na akong nakakakita ay nagulat ako nang makita ko kung sino ang katabi ko ngayon na natutulog.

Si Oliver. Sa kanyang bisig din pala ako nakaunan kaya matigas ang pakiramdam ko. Akala ko unan, hindi pala. Waaaa. Nag-iingat akong umayos ng higa para hindi magising si Oliver, ayokong maabutan nya akong nandito. Tsaka, sandali nga, parang iba ang pakiramdam ko.

Inalis ko ang kumot na nakakumot sakin, sinilip ko kung may damit pa ako. Ganon na lang ang pagkagulat ko ng malaman kong

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

'salamat sa Diyos at meron pa naman. '

Napahinga ako ng maluwag. Ngunit napabalik ulit ang tingin ko sa ilalim ng kumot ko.

' Waaaaaa' napasigaw na lang ako sa isip ko dahil iba na ang suot kong damit! Hindi akin ito.

Anong nangyare?

Este...

May nangyari ba?

Nagulat ako nang may biglang humatak sakin papalapit sa natutulog na si Oliver.

" Let's sleep. "-bulong nya habang nakapikit.

Hindi naman ako makagalaw dahil kulong nya ako sa yakap nya.

Pinilit kong makaalis doon at itinulak sya papalayo. Sinamahan ko din ng sipa para lalong malakas ang pwersa. Sa hindi sinasadyang pangyayari, sobrang lakas ng pagtulak ko kaya nahulog sya sa ibaba ng kama.

Okay na din yon at least na gising na din sya at nakawala na ako.

" Fuck. "-napamura pa si Oliver sa ginawa ko. Psh, lintek sya!

Lumapit naman ako para silipin sya. Sakto naman na tumunghay na sya kaya muntik na naman nya akong mahalikan, buti na lang mabilis akong nakaatras.

" Goodmorning. "-sabi nya with matching nakakaasar na ngiti.

Pinilit kong makapagsalita. " A-anong maganda sa morning ha!? Anong ginawa mo sakin kagabi? "-sunod sunod na tanong ko.

Nakita ko namang napasmirk sya at ngumiti muli. Argh~ nakakainis na talagaaaa!

" Diba dapat ako ang magtanong nyan kasi ako yung lasing? --Oh ngayon, Ms. Hernandez, anong ginawa mo sakin kagabi ha? "-tumaas taas pa ang kilay ng walang hiya! Waaa, nabubwisit na ako. Ako pa talaga ang tinanong ng ganon! Teka? Ano nga bang nangyare?

Inisip kong mabuti ang nangyari kagabi. Kasi naman, uminom ako ng konting alak...oo... pero konti lang yon kaya imposibleng malasing ako no. Tsaka pinigilan rin ako ni Rieve...Wait... Speaking of Rieve... Nasan na nga ba sya? ...

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now