CHAPTER TWENTY

18.1K 659 16
                                    


OLIVER IS ON THE MEDIA

                 -Ashfaith Hernandez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    -Ashfaith Hernandez.-

2 Days Passed.

Yey. Medyo marunong na akong lumangoy. Nakakapagfloating na ako. Di na din ako masyadong takot sa malalim. Pero sabi ni Oliver may last practice pa daw kami mamaya. Tsk, nangingitim na ko i. Pero okay lang, worth it kasi habang naglalangoy kami hawak ko ang kamay nya. Hahahahaha. Waaaa. I feel like kiti kiti. ^_^

" Okay class, I have a quiz. Prepare 1 whole paper. "-hala! May quiz ba? Di ko to alam ah.

Naglabas na lang ako ng papel. Shit, parang wala akong maisasagot dito ah!

Nagsulat na si Sir ng problem sa white board. Hala, hindi ko yon alam, hindi ako nakapagreview. >_<

" Ash are you okay? "-kinulbit ako ni Patrick.

" Hindi e. Hindi kasi ako nakapagreview. "-bulong ko kay Patrick.

Napangiti naman sya! So ganon, tinatawanan nya lang ako. Pft. T^T

" Wag kang mag-alala, may source tayo. "-kumindat si Patrick. Anong source?

" Ha? "

" Basta! Easy ka lang. Magkakasagot tayo. "

Natapos na si Sir magsulat sa white board. Grabe, ang hirap naman. Tinignan ko ang iba kong kaklase, lahat sila busy sa pagsosolve. Si Keith din titig na titig sa papel, ang pagkakaalam ko, magaling to sa math e.

" Oh Ash, kopya ka na. "

Nanlaki yung mata ko, may sagot na yung papel ni Patrick at ni Deniel, compute na ata lahat e.

" San galing ang sagot nyo? "

Nakakagulat talaga.

" Kay Oliver. "-sagot ni Deniel. Di nga? Galing kay Ogag yung sagot?

Tinignan ko si Oliver, busy pa sya dun sa next number na isosolve. Waaa, ang galing. Parang hindi na sya nagbibilang, sulat na lang sya ng sulat.

" Magaling talaga yan sa math. Yan ang source namin e. Hahahahaha. "-sabi ni Patrick. Ah, so sya pala.

Nakakahiya namang mangopya, pero magpapapampam pa ba ako? Sayang din to. Pati sabi nila, masamang tumanggi sa grasya. Go with the flow mga besh.

Natapos kong kopyahin yung sagot ni Oliver ng wala pang limang minuto. Ang galing nya. Di ko inexpect na ganon sya kagaling sa math.

Sakto naman na nagbell na. Nagpadismis na din si Sir. Yey, last subject na lang at magpapractice na ulit kami. Kaso nakakaboring yung next subject. History na naman. Pft. -.-

**

Mabilis natapos ang last subject namin, hindi naman kami nagklase, nagkwento lang si Ma'am about sa buhay nya. Tsk. Kaya tinatamad ako pag history na ang subject e. Kulang na lang ikwento ni Ma'am yung mga ginagawa nya tuwing maghihilod ng katawan. Ah basta! Sari sari na sya.

* Kringggg* kringggg*

Yey. Bell na din! Kanina ko pa yan hinihintay e.

Inayos ko na ang bag ko. Pumunta muna ako ng locker. Kukuhanin ko na yung towel ko.

Habang naglalakad ako, parang may nasunod naman sakin. Pag naman lumilingon ako, wala akong nakikita. Tsk, nakakatakot ha.

Binilisan ko na ang pagkuha sa locker ko. Tumakbo agad ako sa pool area.

Sana nandun na si Oliver panget.

Pagkarating ko ng pool area, hinanap ko agad si Oliver.

" Ang tagal mo! "

" Ay palaka! "

Nakakagulat naman si Oliver, bigla na lang sumusulpot sa likudan ko.

" Kinuha ko pa kasi tong towel sa locker ko. "

" Pft. Dali, magbihis kana. "

Pumunta naman ako sa CR. Bago ako lumabas ulit, tinignan ko muna ang sarili ko.

Waaaaaa. Bat ganito ang mukha ko? O_O

Anong nangyari dito? Bat ang GANDA. >_<

HAHAHAHAHA.

Naglast look ako bago lumabas. Ayos naman sya, cute ko talaga. ^_^

" Pati ba naman pagbibihis ang bagal mo pa rin. "

Tsk, ano bang problema nitong si Oliver. May dalaw na naman ba? Kanina pa sya masungit e.

" Eto na nga diba. Tara na nga, magsimula na tayo. "

Lumublob kami ni Oliver. Nagbilang kami ng 1 to 10 bago lumubog at lumitaw. Hanggang sa makasanayan ko na ang matagal sa ilalim.

Ilang minuto na din kaming nagpapractice.

" Marunong ka na naman sigurong lumangoy. "

Nasa gitna kami ni Oliver, sinusubok nya kasi ako e. -.-

" Tsk, oo naman. Ako pa. Sandali, tignan mo ha. "

Bumitaw ako sa kanya. Lumutang ako na parang kaya ko na talaga. Gusto ko kasing makita nya na natuto akong lumangoy in 5 days na pagtuturo nya sakin, ayokong madisappoint sya. Nakakapagod kayang magturo no. Feel ko yon.

Habang naglalangoy ako, nakaramdam ako ng kirot sa bandang paa ko.

Tek na yan, pinupulikat pa ata ako. Ang layo pa naman ni Oliver sakin, nasa dulo pa sya. Shet, ang sakit.

Nagwawala na ako sa tubig. Waa, di ako napapansin ni Oliver! Help.

" Oliver! "

" Oliver!! "

Hindi ko na sya nakikita dun sa dulo. Habang lumilitaw ako, tinatawag ko ang pangalan nya.

" Oliver! "

" Ash! "

Hinawakan ni Oliver ang kamay ko. Hinigit nya ako papaitaas.

Umubo ako, yuck, nakatikim na naman ako ng tubig! Baka may wiwi na to ni Oliver ih. Kyaaa. Ano bang iniisip ko, malabong magwiwi sya dito, di naman sya bastos, medyo lang.

Nung lumutang na kami ni Oliver, bigla nya kong niyakap. Hawak nya ang bewang at batok ko. Yakap yakap nya talaga ako as in!

" Tanga ka ba! Magpapakamatay ka ba ha? "-parang galit sya na hindi.

Hindi naman ako makapagsalita. Inalis nya ang pagkakayakap sakin . Tinignan ko ang itsura nya. Kinakabahan sya na hinihingal.

" Papatayin mo ba ang sarili mo ha! Di ka ba nag-iisip? Marunong ka ng lumangoy diba? "

Para naman akong naiiyak. Ang lakas ng boses nya. Ano bang problema nito.

Nung napansin nyang lumungkot ang mukha ko, niyakap nya ulit ako.

" Sorry. -- Im sorry. "

Ano bang nangyayare? Lumakas bigla yung tibok ng puso ko.

Inalis nya ulit ang pagkakayakap nya sakin.

Iba na yung nararamdaman ko. Kinakabahan ako.

Hinawakan ni Oliver ang pisnge ko. Unti unti ding lumalapit yung mukha nya sa mukha ko.

Nagslowmotion lahat! Ewan ko ba.

Habang tinitignan ko sya, lalong lumalapit yung mukha nya, humihigpit din yung pagkakahawak nya sa bewang ko.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na nagdikit na ang mga labi namin.

Totoo ba to? Hindi ba ako nananaginip?

Ang isang Oliver Gonzales, hinahalikan ako ngayon.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now