CHAPTER EIGHTEEN

18.9K 649 9
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ashfaith Hernandez

" Yan tuloy, di ako nakaligo ng maayos, na-stress pa ko nung nag-aayos ako ng gamit. Di ko tuloy natiklop ng maayos yung mga underwea--damit pala. Nakakainis kayong magkaibigan! "-pagmamaktol ko kay Oliver.

Alam nyo ba kung bakit?-- Ganito kasi yon, pinagmadali nila akong maligo tsaka mag-ayos ng gamit ko e dun naman pala ako sasakay sa kotse ni Oliver! Waaa, bwisit. Akala ko kasi dun kami sasakay sa van. Ahuhuhu. Ligong uwak mga bes!

" Hahahaha. Ikaw kase--ang dali mong makalimot. Sakin ka naman talaga sasabay e. "

" Ewan ko sayo. "

" Hahahahaha. "


**

Fast forward

Nagising lang ako ng maramdaman kong nakahinto na kami. Kanina pa pala ako tulog. Ayss, anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, nakapikit pa yung isa kong mata. 7:26PM

Bigla naman akong napatunghay.

" Gabi na! "

"Aray!" Sabay pa kami ni Oliver na humawak sa noo namin. Ang sakit.

" Ano ba kasing ginagawa mo? "-tanong ko habang hinahaplos ko ang noo ko.

" Pfft. Wala.—Gigisingin sana kita kaso bigla ka na lang tumunghay. "-gaya ng ginagawa ko, hinahaplos nya din ang noo nya.
" Awsus!—May iba ka pang balak gawin kanina no? "-Nyek? Ano bang pinagsasasabi ko? Napakunot naman ang noo nya.

" Luh?—Wala no! Gigisingin lang talaga kita. " –bigla naman syang lumihis ng tingin sa iba. Naku,naku, naku! Oliver! Don't me.

Tinignan ko lang sya sa mata. Hahaha, nakakatawa sya, di mapakali yung eyeball nya. Anyare Oliver?

" Pfft. Sige na, lumabas ka na. Aalis na din ako. "-binuksan na nya yung lock nung pinto.

" Okay. Salamat. Ingat. "

Bumaba na ko dun sa kotse nya. Magwewave hand pa sana ako pero bigla na syang humarurot paalis. Hahaha. Napikon.

Pumasok na ako sa bahay. Tuwang tuwa si Mama nung nakita nya akong nagbukas ng pinto.

" Anakkkkk! "-sinalubong nya ako ng yakap. Ek.Ek. Di na ako makahinga sa yakap nya. Sobrang higpit.

" Ma. Di po ako makahinga. "

" Ay sorry anak. Namiss lang kita.—Ano? Kamusta ang outing? Masaya ba? Nag-enjoy ka ba? "-tuwang tuwa si Mama at halatang excited na sa mga kwento ko. Pero naalala ko yung sinabi ni Andrea kay Mama, tsk, tangina, umiinit na naman ang dugo ko.

" Okay lang Ma. Ang sarap ng pagkain.—Mag-uuwi nga po sana ako e, kaso nga lang wala akong lalagyan. Hahahaha. "

Tinapik ni Mama ang braso ko. " Naku, ikaw talagang bat aka. Hindi ba masarap ang niluluto ko? "

" Syempre Ma masarap—pero iba pa rin kapag luto ng chef.—Chef ka ba Ma?"

"Puro ka kalokohan. Pakiss nga."-tinadtad ako ni Mama ng halik. Hay nako si Mama, miss na miss ako.

" Sige Ma, papahinga na po ako. "

" Di ka ba kakain muna? "

" Busog pa ko Ma. "

" Osige. Goodnight Bebe. "-nako si Mama, binebaby na naman ako.

Umakyat na ako sa kwarto dala dala yung maleta ko. Inilapag ko yung maleta dun sa kama, kukunin ko kasi yung keychain na pinagawa ko.

Inalis ko muna yung mga damit ko para makita ko agad.

Huh?

" Nasan na yon? "Halos, itapon ko na yung mga panty ko sa paghahalungkat.

" Nandito lang yun e.—Hala! Baka naiwan ko dun sa resort! " Bigla naman akong nalungkot. Sayang naman kung naiwan ko yun.

" Nasan na ba yon?—Magpakita ka na pleaseeee! "Binuksan ko na lahat ng zipper nung maleta pero wala pa rin.

Nako, baka naiwan ko nga sa CR or sa kama sa pagmamadali ko. Sayang naman yon. Remembrance pa sana ng Batangas para sakin. Hays.

*Plink*

Tumunog bigla yung cellphone ko. Inabot ko naman yon sa likod ko. * 1 Message Received * In-open ko naman agad yon.

From: Oliver
Start tayo ng practice bukas. Hintayin kita sa pool area pag-uwian. : )


Ayy! Oo nga pala! Tuturuan nya akong magswimming! Nako naman! Takot nga ako sa pool. Di naman ako makatanggi, syempre—OLIVER na yan no! Mahirap tumanggi.

Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya.

To Oliver:
Sige ogag. Wag mo ko lulunurin ha! Hahaha.


Wala kasi akong maisip na ireply.

Wala pang dalawang minuto, tumunog na agad ang cellphone ko.

From Oliver:
Hahahaha. I won't. Sige na, I will take some rest. Goodnight.
;)

Kyaaaa, yung emoji! Wink Emoji yun e! Naalala ko na naman yung kindat ng ogag na 'to. Nagreply pa rin ako sa kanya para mag-goodnight din.

To Oliver:
Goodnight ogag. I love you!


Hmppp! Bakit may I LOVE YOU? Goodnight lang dapat e. Nako, erase—erase.

To Oliver:
Goodnight Ogag!


Pagkasend ko non, natulog na ko. Excited ako na hindi sa swimming namin bukas. Yiee. <3

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now