CHAPTER FOUR

25.5K 905 39
                                    

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।




✤―Ashfaith Hernandez―✤


✉ ✉ ✉


Pagkabasa ko agad non, isinarado ko agad ang pinto sa salas pati yung pinto sa likod. Hindi ko alam ang gagawin ng mokong nayon.

"Teka, bakit nga ba napaka-OA ko, baka naman tinatakot nya lang ako. Malabo naman na malaman nya ang bahay namin. --Pero baka ipinagtanong nya. Aist. Nakakabaliw ka! Mamatay ka na Oliver!" halos gumulong na ako sa salas sa sobrang pag-aalala.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nangain na lang ng junkfoods na nakolekta ko. Halos hindi ako mabusog kahit naka anim na cracklings at oishi seafoods na ako. Nakakaasar. "Bat kasi ang tagal ni Mama?"

Tinignan ko ang oras sa wall clock ko. "4:26 PM"

TIK TOK TIK TOK TIK TOK.

"6:02 PM"

"Wala pa talaga si Mama. Aish. Mama, kinain ka na ba ng lata?"-sabi ko. Hindi ko naman matawagan si Mama kasi hindi ko saulo yung number nya. Tsk, lesson of the day, SAULUHIN ANG NUMERO NG MAGULANG.

*TOKTOKTOK*

Tumakbo agad ako pababa, baka kasi nandyan na si Mama. Hawak ko na ang door knob at iiikot ko na lang para mabuksan. Napaisip ako ng tahimik. "Bakit kakatok si Mama kung nasa kanya naman ang susi. "- nanlaki ang mata ko at napaatras papalayo sa pinto.

Pumunta agad ako sa kusina at kumuha ng kaldero. Nangangatog pa ang tuhod ko habang papalapit sa pinto.

*Tok tok tok tok*

Apat na katok na mabilis ang nanakot saakin. Yung puso ko parang gusto ng lumabas sa dibdib ko sa sobrang kaba. Wushu. Huminga ako ng malalim. Kinakabahan talaga ako.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto. Bubuksan ko na sana ng magring ang cellphone ko.

"Si Mama!" -itinapat ko ang cellphone sa tenga ko. "Mama! Asan ka na ba? Ma, umuwi ka na please! Natatakot na po ako! May mag nanakaw po sa bahay natin! Ma, mamamatay na ko!"-umiiyak na ako.


"Ano bang pinagsasasabi mo? Buksan mo na yung pinto at papasok na ako. Nalimutan ko yung susi sa kusina " Nanghina lalo ang tuhod ko sa sinabi ni Mama.

Binuksan ko yung pinto at nakita ko syang madaming dalang plastic bags tapos yung iba nasa lapag. "Mama naman eh! Pinakaba nyo ko! Nakakainis kayo!"-nagwala na ako at ginugulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

Tinatawanan lang ako ni Mama dahil sa itsura ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka. Hahahaha. Tulungan mo na akong ilagay to doon. Magluluto pa ako ng ulam."


✉ ✉ ✉



Kinabahan talaga ako kay Mama. Nakakainis naman sya. Bakit hindi nya tinawag ang pangalan ko para hindi ako kabahan. Minsan talaga mapapaisip na lang ako na nanggaling si Mama sa mental noong hindi pa ako napapanganak tapos nahawahan nya ako. Shitt. Wag naman sana.

"Nak, gayatin mo nga tong sitaw. Magpapakbet ako."-sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Ma hindi ako marunong. Ang dami ko pa pong projects. May i-pepresent pa ko bukas sa room. May thesis pa kaming ipapasa sa wedenesday."-balik sigaw ko mula sa kwarto ko.

"Baka gusto mong bigwasan kita. Hindi ka pumasok kanina ha. Halika na dito, gayatin mo na to para makakain na tayo. Puro ka talaga kalokohan. "Syempre, ano pa ba nagawa ko, bumaba ako para matapos na. Grabe talaga si Mama, gabing gabi na ngayon pa lang kami kakain.



✉ ✉ ✉



Nauna na akong gumising kay Mama. Tapos na din akong maligo, kumain at magbihis. Papasok na ko kasi baka hindi ko na maabutan yung topic namin. Kawawa naman ako. Tsss.

At dahil viral pa rin ako sa facebook, sa shortcut ako dumaan. Dumaan pa ako sa gubat at dun sa likod ng room namin para makapasok. Bakit nga ba ngayon ko lang to nalaman na may daan pala dito. Tss.

Success naman. Nailapag ko ang bag ko sa upuan ko at nakatapak ulit ako sa sahig ng room namin. Hayss, ang sarap sa pakiramdam. Napasinghot ako ng hangin sa sobrang saya. Hahahays..

"Ms. Ashfaith Hernandez!"

"Ay tanga!" Nagsorry naman ako kay Sir. Sya kasi, ginulat ako, nasabihan ko tuloy sya ng tanga. "Ay sir, kayo po pala. Sorry po. Sorry po." -tumutungo pa ako para sincere.

"Go to my office! Now! " tapos umuna na sya agad. Hala, go to his office daw. Napa-office agad ako dahil sa sinabihan ko sya ng tanga? Ay tanga naman talaga sya eh. Gulatin ba naman daw ako.


✉ ✉ ✉


"Sit down. " utos nya. Dahil wala akong nakitang upuan, nag-indian sit na lang ako sa sahig.

"Ms. Hernandez, ayon ang stool oh. Kuhanin mo!"

"Eh Sir, ang taas po e, dito na lang po ako uupo. Pinagpagan ko na naman po."


"Hay nako, tumayo ka na nga lang!" tumaas ang boses ni Sir. Agad naman akong tumayo at pinagpag ang palda ko.

"Ang gulo nyo naman Sir. " sabi ko.

Umupo muna si Sir sa upuan nya tsaka ako hinarap. "Get your bags, things, and papers."-aniya.

"Bakit po? May long test po ba tayo? " tanong ko.

"Nope. Lilipat ka na ng school."

"Anooooooo? " Hindi makapaniwalang sagot ko kay Sir. Agad naman syang tumayo at lumabas ng office.

Hinabol ko si Sir hanggang sa paglabas ng office nya. Shete, ayokong lumipat. Tsaka saan nga pala ako lilipat? Kailangan ko talagang sundan si Sir.

"Sir, sandali lang po!"-hinawakan ko ang bag ni Sir.

"Ano ba Ms. Ashfaith? Bitawan mo ang bag ko."-strikto talaga. Mukha namang bakla.

"Hindi ko po bibitawan 'to sir hanggat hindi nyo po sinasabi sakin ang buong details."

"Aish, Okay fine. Gusto kang kunin ng Principal of Lynch College University. Utos daw iyon ng anak nya. Maswerte ka dahil nakaprivate school ka pa. Kaya kung ako sayo, hindi ko na tatanggihan ang offer nila—Give me may bag."-sagot ni Sir.


"Hindi po ako makakapayaaaag!" Siguro kung pelikula lang to, yanig na ang buong building sa sobrang lakas ng sigaw ko.

"You're so loud Ms. Ashfaith.—Sa ngayon, maaari ka na munang umuwi para ayusin ang gamit mo. Your uniform is already done. Pasalamat ka sa anak ni Mr. Lynch."
inirapan pa ako ni Sir bago umalis.

Waaaaa. Seryoso? Napaisip ako kung sino yung anak ni Sir Lynch? Hindi naman pwedeng si Oliver kasi Gonzales sya. Putcha! Si Patrick Lynch! Oo tama. Anak nga pala sya ng may ari ng school na yon. Brrrrr. Inutos siguro ni Oliver kay Patrick yon! Napakagago talaga nila.


✉ ✉ ✉



Kinabukasan.

Alam na ni Mama na sa Lynch College University na ako papasok. Proud na proud pa sya kasi ang galing galing ko daw. Ang talino daw ng anak nya, pero syempre nilubos ko na yung pagkaproud nya sakin, nagpabili ako ng bagong cellphone. Hahahah. Tuwang tuwa ang Mama, oo daw, ibibili nya daw ako bukas na bukas. Love it pero I hate it.

Pagpasok ko palang sa university na yon, kabog kabog na agad ang puso ko. Ibinababa ko pa yung maiksing uniform tapos niluluwagan ko yung black na necktie namin tas nangangati pa ako sa black long socks na to, di pa din ako sanay sa di-takong na sapatos. Aiyshhh, nakakapanibago. Ang init talaga ng uniform nila. Hanggang siko ko yung blouse tapos yung palda, above the knee lang pero pampasama yung long socks. Aisshhhh. Kung pwede nga lang hubarin e.

"Hi Ganda." Thankyou dun sa bumati sakin. Hahaha. ganda ko talaga.

"Salamat." ngumiti pa ako ng napakalapad.

"Sorry Miss, hindi ikaw. Yung nasa likod mo. Hi Andrea. " Unang araw ng pasok ko sa LCU napahiya agad ako. Bwisit. Bakit kasi hindi na lang nila tinawag ang pangalan nung Andrea? Kilala naman pala nya, nag-assume tuloy ako na ako yon! Hayop!


Hi Chat Love On - Completedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें