CHAPTER NINE

22.1K 824 15
                                    



(A/N: I dedicate this story to CELYNZ, sorry kung dito ko na nilagay ha, hindi kasi magpop sa dedication yung username mo e. Hindi mo pa kasi ako napa-follow. Hahahaha. By the way, thanks for voting my story. ^_^ )


-Oliver Gonzales-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-Oliver Gonzales-


Ang tagal naman ni Ash, lumabas lang sya kanina ah. I think magpapalit yon ng uniform. Bakit kasi hindi na lang sya nagpalit sa kanila.—Kami nga nakapamPE na tapos sya nakablouse at palda pa rin. Ays.

Second period na at lahat kami nasa court na. Wala pa rin si Ash. Asan ba ang babaeng yon? Tumae ba sya? Bahala nga sya. Masama nga siguro ang lagay ng tiyan nya.

**

Natapos na ang buong klase, uwian na din. Hindi pa rin bumabalik si Ash. Nakauwi na kaya sya? Hmp, pakealam ko ba sa papansin na yon?

" Oliver, maypractice daw tayo ngayon sa volleyball sabi ni Coach. "-sabi ni Six—ang spiker ng team namin.

" Sige, susunod ako. "

Inayos ko muna yung gamit ko. Pumunta din ako sa locker tapos kinuha ko yung jersey ko.

**

Natapos ang practice namin. 6:30 na din kaya pinauwi na kami ni Coach. Pumunta muna ako sa player's room at nagpalit ng damit. Ang pawis ko kasi.

Pagkatapos non ay lumabas na ako.

Naglalakad ako sa tapat ng room namin sa may corridor. May napansin akong bumungisngis.

" May tao ba dyan? "

Lumapit pa ako ng konti dun sa may ingay.

" May tao ba dito? "-ulit ko.

Lumapit pa lalo ako sa may halamanan.

" Waaaaaaa! "



Ashfaith Hernandez



" Waaaaaa! "-nagulat ako sa nakakita sakin. Parehas pa kaming natumba, sya pakanan ako pakaliwa. Hindi ko pa makita kung sino sya. Madilim na din kasi e.

" Aray. Ang sakit ng pwet ko. "-napatama kasi yung pwet ko sa bato dahil sa gulat.

Tapos may biglang humawi ng halaman.

" Ash? "

" Oliver? "

Sabay pa kami ni Oliver.

" Anong ginagawa mo dito? "-ginagaya nya ba ko?

" Nagpractice kami ng volleyball. Teka, anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nagtatago dito sa halamanan tsaka bakit ganyan ang suot mo? "-daig pa nya ang nag-iinterview.

" Tulungan mo muna kaya ako. "-ungol ko.

Nilapitan naman nya ako tapos hinawakan nya ang kamay ko. Shet, parang may koryenteng dumadaloy pababa sa braso ko papunta sa heart ko! Oh my god!

" Ano bang nangyare sayo? "-napakunot noo si Oliver.

Pinagpag ko muna ang short ko pati yung braso ko.

Nakita ko namang tinignan ni Oliver ang braso ko pati yung short kong spongebob.

" Oy anong ginagawa mo? "-napahawak ako sa katawan ko.

" Psh. Hahahaha. Seryoso? Spongebob talaga? "-tumawa pa sya. Hay nako Oliver,hindi ka nakakatulong.

" Psh, wala kang pakialam. "-inirapan ko nga.

" Ano nga kasing nangyari sayo? Bakit ganyan ang suot mo? "-tinignan na naman nya ang short kong spongebob.

" May nagnakaw kasi ng bag ko tsaka nung uniform ko kanina sa CR. Nakakainis nga e. "

Nagulat ako nung hubarin ni Oliver ang jacket nya. Napansin nya atang nilalamig ako e.

" Oh, isuot mo muna to. "-
seryoso sya?

Natagalan pa ako bago ko abutin yung jacket. Isinuot ko na yon. Magpapakachoosy pa ba ako.

Napakagat ako sa labi dahil pinipigilan ko yung kilig ko. Shete naman.

Napatingin sya sa relo nya.

" Its 7:00 PM . "
–tinignan nya ko sa mata. " Hatid na kita, baka kung ano pang mangyare sayo."

**

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now