CHAPTER TWENTY-THREE

18.8K 607 7
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



OLIVER GONZALES

- Flashback -

" Oliver, wag mo ngang sasagutin ng ganyan si Papa. "-inaawat ako ni Ate Olivia.

" Edi nalaman ko din ang totoo! Gusto nyo lang din ng pera! Akala ko pa naman iba ka ate! Magsama sama nga kayo! "

" Pagsinabi kong ayoko! AYOKO! "-dugtong ko.

Padabog akong umalis ng bahay. Ayokong mapapag-usapan ang nangyare kanina.

Nagsuntukan pa kami ni Papa kaya may sugat ako sa mukha.Pagkalabas ko ng bahay, sinuntok ko agad yung pader. Doon ko na lang binuhos yung galit ko kay Papa. Wala syang karapatan para pangunahan ang gusto ko at ang sarili ko.

**

Hindi ako umuwi ng isang araw sa bahay. Nagpalipas muna ako kina Patrick. Halos lunurin ko na ang sarili ko sa alak, pero napag-isip isip ko na tama din si Patrick. ' I have my own life, and I will choose the right thing that my hearts want. ' Hindi ko kailangang maging martyr. At kung gagawin ko yon, mananalo lang si Papa. Kaya pinili kong pumasok kahit may pasa pa ko sa mukha.

-END OF FLASHBACK-

Magkahawak kami ng kamay ni Ash na lumabas sa ospital.

Hindi na naman ako naninibago na tinitignan kami ng mga tao, sanay na naman akong pagtinginan e. Ewan ko lang kay Ash.

" Oliver, pinagtitinginan na tayo oh. "

" Tss, hayaan mo sila. Gwapo kasi ako kaya ganyan. Masanay ka na na tinitignan ka ng mga tao kapag kasama mo ako. Hahahahaha. Aray! "-tuktukan ba naman ako.

" Liligawan mo lang ako, lumaki na agad ang ulo mo. Che! Ako kaya ang pinagtitinginan ng mga tao, hindi ikaw. "

" Hahahaha. Talaga? "

" Talaga! "

" Tignan natin. Hahaha. "

Binitawan ko ang kamay ni Ash tapos lumapit ako dun sa babaeng maputi ang legs, pero shrimp. Hehehe.

" Hi Miss. "

Bigla namang kinilig yung babae, itinaas pa yung short na maikli. Tsk, lakas talaga ng asset ko.

" Hi Kuyang Pogi. Anong kailangan mo? Do you want me? "

Hahawakan sana nung babae ang pisnge ko nang biglang paluin ni Ash ang kamay nya.

" Hoy ikaw! Gusto mo bang kalbuhin ko yang mga buhok mo sa katawan ha! "-pinipilit ko ang hindi tumawa sa sinasabi ni Ash. Hahaha. " At ikaw Oliver, oo na, panalo ka na! Tara na nga! Napakalandi mo, kalalaki mong tao! Tsk! "- hinila agad ni Ash ang damit ko papalayo.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now