CHAPTER FOURTEEN

19.5K 694 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Pagkatapos kong kumain, pumunta muna ako sa cr para maghugas. Nagkamay na kasi ako, ang sarap ng crabs tsaka nung shrimps. Grabe, gusto kong mag-uwi sa Maynila.

Habang naghuhugas ako ng kamay at kakatapos ko lang magmumog, may pumasok naman na tatlong babae. Ay, kilala ko na 'to! The 3Witches.


"Hey you! "-hinawakan ni Andrea ang braso ko at pinatapat sa kanya.

"Problema nyo? "tanong ko.

" San ka natulog kagabi ha? "-tanong ni Trinny.

"Natulog ka ba sa room ni Oliver? Magkasama ba kayo sa iisang kwarto? Magkatabi ba kayong natulog? Answer me!" Sunod sunod na tanong ni Andrea.

Wala akong ganang sumagot, "Oo kasi wala ng available room para sa dalawa." At umalis na ko sa harapan ng tatlo.

**


"Ash, kanina pa kita hinahanap. "Natigil ako sa pagtawa nang makita ko si Keith.


"Oh Keith? Bakit? "


" Tara dun sa seashore, naglalaro kami. "-hinawakan na agad ni Keith ang kamay ko. Bitbit nya ko papunta dun sa mga nakatumpok na kaklase ko—ang section namin. Section D.

Nakita ko namang nakaupo na dun sina Oliver pati sina Six, tsaka yung ibang students. Bat sila nakabilog kung pwede namang square or straight diba?


" Tabi na tayo. "-iniupo ako ni Keith sa tabi nya, nasa unahan ko tuloy si Oliver. Galit pa sya kasi di nya ko tinitignan! Psh

Tumango na lang ako kay Keith.

"Okay students, hintayin lang muna natin yung iba bago tayo magsimula. "-sabi ni Teacher. Sumagot naman kami. Ano bang gagawin namin?

"Sir, nandito na po sina Andrea. Magsimula na tayo. "-ani Six.

Umupo na naman ang 3Witches, tumabi sila sa mga players, lalo na kay Oliver.

"Okay, let's start. "-sabi ni Teacher/Sir/Prof--iisa lang naman sya.

Naki-upo na din si Sir sa sand. Bakit may bote?

"Okay, bago ko simulan to, sasabihin ko muna ang do's and dont's "

" For do's, dapat susundin ang dare. For dont's, huwag pabebe, wag maarte. No If's no But's. It's just a game kaya makikisama dapat lahat. Ang hindi sumunod, magbabayad ng 1,000 sa nag-utas ha. Hahahaha. Alright? Okay, let's starts. "-waaaa, kinakabahan ako! Baka palanguyin nila ako sa dagat.

" I will spin it. "-inilapag ni Sir ang bote sa may plywood.

Spin the bottle? Kinakabahan ako habang pabagal ng pabagal yung pagstop nya. Ow, bottle, wag muna ako please! Utang na loob. Napapikit ako nung tumigil yung bote malapit sakin. Tinantya ko kung kanino nakatapat, hahaha, kay Ice pala. Buti na lang. Success!

" Okay Ice, be ready. "-sabi ni Sir tapos ngumiti. Hala si Sir, nakakatakot yung ngiti nya.

" Okay sir, bring it on. "-ang yabang naman ni Ice, porket lalaki sya.

" Eto ang dare, as I said, bawal humindi ha. "-nagtatawanan ang mga kaklase ko.

" Oo sir, ako pa ba. "-ani Ice.

" Pag may dumaan na turista dito sa side natin,-- you will get him or her number. "-lalong lumakas ang tawa nila, hahahaha, pati ako natawa, nakakatawa kasi si Ice, nagbago bigla yung expression.

" Okay Sir. It's only easy chicken. "

Naghantay muna kami ng dadaan. After 3 minutes ng paghihintay, may dumaan na din.

" Oh ayan, get number of the girl, Ice. "

" Sir seryoso? Baka po lumubog ako sa sand nito. " Lalo kaming natawa kasi magshota yung dumaan, ang sabi pa ni Sir ay 'her' edi yung sa babae lang ang kukunin nya, ang mas malala pa ay malaking tao yung lalaki.

" I said, no if's no but's. Do it now..."

Napilitan si Ice na kunin yung number nung babae, buti na lang at hindi nagalit yung lalaki, sinungaling kasi si Ice, sabihin ba daw na Director sya ng isang film movie tapos kukuhanin nya daw actress yung babae. Lakas maka director.

Sunod na mag-i-spin ay si Ice, kasi sya yung natamaan kanina diba?

" Owwwww! Ikaw naman Six! "-sabi nila Ice, nakikitawa lang ako kasi ang saya.

" Wag mahirap dre, lagot ka sakin. "-sabi ni Six.

" Okay, here's the dare. "-nag-isip ng konti si Ice.

" Kumuha ka ng crab na maliit. "-utos ni Ice.

" Yun lang? Ang dali naman. "-pagmamayabang ni Six.

" Hindi lang yon, dapat buhay! "-hala, grabi naman si Ice, alam nya namang takot si Six sa crabs na buhay.
Kahit na ayaw ni Six na gawin yon, syempre tinuloy nya, ayaw ny a siguro magbayad ng 1K. Hahahaha. Mahirap kumita ng pera no.

After 5 minutes, nakarating na din si six dala dala yung crab, pero natawa kami kasi nakalagay sa plastic. Takot talaga.

Hanggang sa mag-spin na si Six.

Ang tagal. . .

Bakit kinakabahan ako? . . .

Waaa. ang tagal nya tumigil . . .

SPIN

SPIN

SPIN.

Waaa, nagulat ako kasi hindi sakin tumapat yung bote. Pe-pe-pe-pen pineapple applepen. Hahaha. Char! Eto na, hindi sakin tumapat yung bote pero kay Keith iyon. Akala ko saakin na, buti na lang umisod ng konti.

" Ow, Keith! Ikaw na. Goodluck Mr. Varsity Player!"-nang-asar pa si Six.

"Come on, try to dare me Six."-nakikipag-asaran din naman si Keith.

Kinakabahan ako para kay Keith.

" Okay, here's my dare. --Tutal, parang may something naman sa inyo ni --Ash! So, try to kiss her. " Ha?

" Ha? Ang hirap naman ata nung iyo Six. "-tutol ko kay Six. Natahimik naman kami lahat, napatingin din ako kay Oliver. Tinignan nya lang din ako tapos ibinaling na ulit sa iba yung tingin! Waaa, ayokong magpakiss dito kay Keith sa harap ng maraming tao lalo na sa harap ni Oliver. Pero--isang Keith Tolentino ang kikiss sakin ngayon. Wag oy! Friend lang kami ni Keith? Diba?

"Ano Keith? "-nagtawanan na sila. Hays, naiipit ako sa sitwasyon! Tinignan lang ako ni Keith. Halata nya ata na kinakabahan ako, waaaa! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

" Kung hindi mo kaya, bigyan mo ko ng 1K. "-lalong lumakas ang tawa nila! Psh, feeling nila nakakatawa yung ginagawa nila. Psh.

Sa kasayahan nilang yon, bigla kaming natigil.

"Hindi nila kaya. Look at their faces. Parehas silang takot."-bigla namang naglapag si Oliver ng 1K sa plywood na sa tapat pa ni Six inilagay yung pera.

\*O*/

"Okay na ang dare. May 1K na ko! " Sigaw ni Six habang pinapaypay ang pera.

Hindi na namin napansin na madilim na pala. Grabe, kaya pala nagutom ako e.

Ays, sayang hindi natapatan si Oliver! Ano kaya yung posibleng 'dare' para sa kanya? Psh.

" Okay, since it's so dark na, and I know na gutom na din kayo--kumain muna tayo. Magpapagawa na din ako ng bonfire para mamaya.--Shall we go? "-nagpatiuna si Sir sa paglalakad.

Inalalayan naman ako ni Keith sa pagtayo. Nauna na din palang umalis si Oliver. Hays, galit pa din?

Pinagpagan ko na ang short ko.

" Sayang no? "-nagsalita naman si Keith.

"Hmm, anong sayang? "

" Sayang kasi di kita nahalikan." Diretso nyang sagot.

" Ha?. Se-seryoso ka? "-halos mautal ako.

" Yup. I'm serious.--Si Oliver kasi e, umepal. Hehe."-tumawa sya pero alam kong peke yon.

Tumingin lang ako sa kanya, di ako makapagsalita.

" Let's go.  Gutom na ko. "-hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Keith ano bang nararamdaman mo para sakin?" Yan lang naman yung gusto kong itanong sa kanya. Pshh, ang gulo nya kasi.





Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now