1 ♥ CRUEL MARRIAGE

2.3K 50 73
                                    

[Video Trailer]

"I WILL MARRY HIM!" mariing turan ni Celina. Kasabay niyon ang mabilis na pag-uunahan sa pagpatak ng kanyang mga luha--ang mga luhang nababalot ng matinding pait at sakit.

Isa siya sa mga babaeng minalas na manunumpa sa harapan ng altar para sa isang kasal na buong puso niyang tinututulan. Para sa kanya'y ito ang una niyang kamatayan.

Ang ihayag pa lamang na pumapayag siyang magpakasal ay pagpapatiwakal na ng kanyang puso.

"Celina, hindi mo kailangang gawin ito!" Sunod-sunod ang pag-iling ng kanyang ama. Si Ronald Zealcita. Isang business man na ngayon ay nababaon sa malaking pagkakautang sa pamilya ng mga Gamara.

Marahas itong napatayo mula sa sofa at mabilis na hinatak ang braso ng anak patayo.

Agad namang iwinaksi ni Celina ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng ama at matapang itong hinarap. "We have no choice, Dad! I made my decision!"

"Maloko ang batang 'yon! At nakasisiguro akong hindi siya seryoso sa mga sinabi niya. Malakas ang paniniwala kong magbabago rin ang kanyang pasya. Hold on a little longer. Makakaisip din ako ng paraan kung papaano natin sila mababayaran," anito.

"Dad, hindi po matatawag na biro iyon kapag involve na ang matandang Gamara. Ginagawa man ito ni Ashton para sa kanyang mga kalokohan pero hindi na natin 'to matatakasan!"

"Hindi ko maaatim na sa lalaking iyon ka babagsak, Celina! Hindi kita pinalaki para lang pagsilbihan ang walang hiyang iyon!" Halos dumagundong ang boses ni Ronald sa buong kabahayan. "Siya ang nag-set up sa'kin in the fist place para lumaki nang lumaki ang pagkakautang ko. At ngayong nakuha na niya ang kompanya, ikaw naman ang kukunin niya sa'kin!"

"Wala na po tayong ibang magagawa pa, Dad! Admit it or not, kailangan natin ng suporta ng mga Gamara. Kailangan po natin ang pera nila! Just think about mom..." sumamo niya.

Pilit na pinapatatag ni Celina ang sarili sa harapan ng ama pero kung patuloy itong magmamatigas at ipagpipilitan ang kanyang kalayaan ay natatakot siyang baka mabalewala lamang ang lahat nang inipon niyang tapang.

"But look at you, Celina. You're just twenty three and--"

"Stop it, Dad!" Hindi niya sinasadyang masigawan ang ama. Pero lalo lamang kasi nitong pinapahina ang loob niya at ayaw na niyang magbago pa ng pasya. "It doesn't matter anymore! Nasa hospital si Mommy! Isipin niyo na lang po kung papaano na siya kapag nawalan tayo ng pera. Ikamamatay ko kung wala akong gagawin para masustentuhan ang pagpapagamot niya!"

Sandali niyang pinunasan ang mga luha sa mata't pisngi bago muling nagsalita. "She needs to undergo series of Chemotherapy. Saan po tayo kukuha ng pera kung hindi ako magpapakasal kay Ashton? At ikaw, Dad, makukulong ka! Iyon po ba ang gusto mo? Ang mawala kayo pareho sa'kin para lang maging malaya ako? Sa tingin niyo po ba, magiging masaya ako pagkatapos no'n?"

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now