2 ♥ WIFE'S SUFFER

1K 40 78
                                    

"GOOD MORNING!" Nakangiting mukha ni Ashton ang nabungaran ni Celina nang magmulat siya ng mga mata. Nakatunghay ito sa kanya at halos mahalikan na siya sa sobrang pagkakalapit ng kanilang mga mukha.

"Breakfast is ready!" Tumayo ito ng tuwid at itinuro ang mga pagkaing nakahain sa poolside table sa gawing kanan niya.

Bahagya siyang nagtaka no'ng una pero nang maalalang dito nga pala siya nakatulog sa tabi ng infinity pool--suot lamang ang manipis na gown mula pa sa reception ng kanilang kasal ay doon na niya naalala ang nangyari kagabi.

Muli na namang kumulo ang dugo niya sa galit. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamay at walang anu-ano'y mabilis siyang tumayo't ginawaran ng isang malakas na sampal ang asawa.

Biglang natigilan si Ashton sa labis na pagkagulat sa ginawa niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" singhal pa niya. Muling tumulo ang kanyang mga luha habang nanginginig siya sa matinding galit.

"What is your problem, Celina?!" Puno ng galit siya nitong sinugod.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Ashton sa magkabila niyang braso. Napangiwi siya sa sakit. Nanlilisik din ang mga mata nito habang titig na titig sa kanya.

"At ikaw pa talaga ang may ganang magtanong ng bagay na 'yan pagkatapos ng ginawa mo kagabi?" Taas-noo niyang sinalubong ang mga mata ng asawa upang ipakitang hindi siya natatakot dito.

"Ah, that's why... Bakit? Selos ka ba?" panunudyo nito't may naglalaro pang mapang-uyam na mga ngiti sa labi.

"Selosin mo 'yang mukha mo! Pervert! Bitiwan mo nga ako!" Nagpumiglas siya. Habang tumatagal kasi'y tila lalong nanggigigil si Ashton kaya pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso niya. Ngunit, hindi niya magawang makawala.

"I said let go of me, Ashton!" muli niyang sigaw. Masyadong napalakas iyon kaya ang ilan sa mga tao sa malapit ay nakatingin na sa kanila.

Dali-dali namang inasikaso ng mga staff ng resort ang mga iyon upang ituon sa iba ang kanilang atensyon. Bakas ang pagkataranta ng mga ito sa prisensya ng among si Ashton lalo na nang pandilatan sila nito ng mga mata.

"Look what you have done! Gumagawa ka pa rito ng eskandalo!" mariing turan nito sa mababang tono.

Mapait siyang ngumiti. "The hell I care! Ikaw 'tong may kasalanan sa ating dalawa. Una, ginipit mo ang pamilya namin. Pangalawa, pinilit mo 'kong magpakasal sa 'yo. At ngayong mag-asawa na tayo, hindi ka pa rin makuntento! Hindi ko rin makita ang rason kung bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to! Obvious na obvious namang hindi mo 'ko gusto at gano'n din ako sa 'yo! Kaya ano ba'ng problema mo?!"

"Gusto mong malaman ang dahilan ko, ha? Gusto mo ba talagang malaman, Celina?" panunudyo nito.

"Oo!"

"Gusto kong nakikita kang nagdurusa. Tuwang-tuwa ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak! Gusto kong sirain ang buhay mo... ang lahat ng meron sa 'yo! Gusto kong durugin ang lahat ng mga pangarap mo. I want you to suffer to death!" Mariin ang bawat salitang binitawan nito. Na tila ba, ang bawat salitang iyon ay may katumbas na sumpa.

"I still don't understand!" Sunod-sunod siyang napa-iling. "A-ano ba'ng kasalanan ng pamilya namin sa inyo maliban sa utang? This is too much, Ashton! Bakit hindi mo na lang ako patayin and leave my family alone?"

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now