10 ♥ REVENGE?

635 24 3
                                    

[VIDEO TRAILER]

MATAMANG mga titig muna ang ginawa ni Celina mula sa harapan ng mansyon ni Ashton--ang bahay na nagsilbing kulungan niya sa nakalipas na ilang buwan.

Sa paraan nang pagbuntong-hininga niya'y tila nagdadalawang-isip pa siya kung tutuloy sa binabalak o magpapakalayo-layo na lang; malayong-malayo kung saan hindi na sila mahahanap pa ng mga Gamara.

Isinumpa niyang hindi na siya muli pang babalik o kahit pa ang tumuntong sa harapan ng bahay na ito. Ngunit, heto siya ngayon, facing the cursed jail once again.

"Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na kaunting ugnayan sa mga Gamara! Please, leave us alone!" pagmamatigas niya.

"Celina, alam mong hindi maganda ang relasyon naming magkapatid, 'di ba? Maniwala ka sa'kin... I'm here to exchange deals not to give you another burden! Kung makikipagtulungan ka sa'kin, sasagutin ko ang pagpapagamot kay Tita Clara. I will send her abroad para mapabilis ang pagpapagamot sa kanya. Puwede ring sumama sa kanya si Tito Ronald para may mag-aalaga sa kanya ro'n. And your family's credits? They would go down to zero the very moment na pumayag ka sa kasunduan. Hindi mo na 'to poproblemahin pa kahit hiwalayan mo nang tuluyan ang kapatid ko pagkatapos ng deal natin. Ako na ang bahala sa lahat... J-just trust me with this. Okay?" mahaba nitong pangungumbinsi.

"Ang sarap namang pakinggan nang mga sinabi mo..." Sarkastiko siyang napangiti. Pang-ilang beses na ba niyang narinig ang mga pangakong ito mula sa pamilya ng mga Gamara? Muli na naman ba siyang aasa? At lolokohin din pagkatapos? Isusugal na naman ba niya ang buhay ng kanyang ina?

"I'm a man of my words, Celina. Iba ako kay Ashton!"

"Sandali nga... a-alam ba ni Tito Alfred ang lahat nang ginagawa ninyong magkapatid?" Isa pa sa pinagtatakhan niya. Alam niyang takot ang dalawang ito sa ama ngunit ang lalakas pa rin ng loob na paglaruan ang buhay ng kanyang pamilya para lamang makuha ang mga pansariling nais.

Kung alam ito ng matandang Gamara, natitiyak niyang may paglalagyan ang dalawang ito dahil ibang-iba ang ugali nito sa magkapatid.

"Hindi na niya kailangan pang malaman! Ano man ang mapag-usapan natin ay sa ating dalawa lang."

The Gentleman's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon