7 ♥ FALL OF EVIL?

732 31 15
                                    

[VIDEO TRAILER]

SAPO ANG naninikip na dibdib at halos habulin ni Celina ang paghinga sa labis na pag-iyak.

"Ahhh! Ang tanga-tanga mo talaga! Ang tanga-tanga mo!" Ilang ulit niyang pinagsasampal ang mukha sa pagkastigo sa sarili. "Bakit ka ba kasi naniwala sa kanya? Dapat sa simula pa lang... alam mo nang mangyayari 'to!"

At sa tuwing maaalala ang larawan ng kanyang ina ay lalo lamang siyang nagagalit sa sarili--ngunit, higit na kay Ashton! Kailangan niya itong pagbayarin sa lahat ng kasalanan nito sa kanilang pamilya. Gusto niyang ipadama rito ang pait at paghihirap na ipinaranas nito sa kanila. Ngunit, bago iyon, kailangan na muna niyang makawala sa poder nito. Wala na rin naman siyang dahilan para manatili pa.

Hindi na niya mapapatawad pa ang sarili kung muli siyang magpapaloko kay Ashton. Dapat na siyang magtanda.

Mayamaya pa'y inayos na niya ang sarili't mabilis na tumayo. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay naroong tahimik na nakatayo si Jess. Madilim man sa paligid ay ramdam niyang titig na titig ito sa kanya.

"Ahm, I... I..." Hindi niya alam kung papaano sisimulan ang nais sabihin sa lalaki.

"I'll take you there," tipid lamang na sagot ng lalaki. Hindi pa man natatapos ni Celina ang nais sabihin ay tila nahulaan na nito iyon. "Don't worry about your husband. Mananatili ako sa tabi mo hanggat gusto mo. Your mom is waiting for you."

"Maraming salamat, Jess!" Kahit papaano'y umaliwalas na ang kanyang mukha sa isiping may taong handang magtanggol sa kanya at nagmamalasakit sa kanilang pamilya.

Lubos na niyang ipinagpapasalamat na pinaalam nito sa kanya ang katotohanan. Kalabisan na kung hihiling pa siya ng pabor pero wala na siyang iba pang malalapitan sa ngayon para takasan ang asawa.

MABILIS at halos takbuhin na ni Ashton ang ginawang pagbaba sa hagdanan matapos ang dinaluhang private meeting kasama ang Chairman ng Gamaras Group of Companies--si Alfred Gamara--at ng ilan pa nilang mga kasosyo sa negosyo sa pangunguna ng birthday celebrant na si Mr. Reynolds.

Hindi ito palagay sa pag-iwan kay Celina mag-isa at lalo pa ang iwan ang asawa kasama si Jess. At iyon na nga ang kinatatakutan nito. Malayo pa lang ay tanaw na nitong wala ang asawa sa table nila. At wala rin doon ang lalaki.

Mabilis na gumapang ang galit sa ulo ni Ashton at mahigpit na naikuyom ang mga kamay. Sinuyod ng kanyang mga mata ang buong paligid. Magmula sa dance floor hanggang sa bawat tables na naroon. Sunod nitong tinungo ang mga comfort rooms ngunit bigo pa rin itong makita si Celina.

"Shit! Where are you Celina?!" palatak ni Ashton. Madilim ang mukhang nagmamadali itong muling bumalik sa labas.

At doon nga, pasakay pa lamang sina Jess at Celina ng sasakyan nang matanaw sila ni Ashton mula sa 'di kalayuan. At bago pa man sila makalabas ng gate ay nakasakay na rin ito sa sariling sasakyan.

Walang kamalay-malay ang dalawa na nakasunod sa kanila si Ashton.

MABILIS ang pagmamaneho ni Jess. Alam ng lalaki na hindi magtatagal ay makararating na sa kaalaman ni Ashton na itinakas niya ang asawa nito. Malaking gulo ang pinasok niya. Ngunit, hindi na siya maaari pang umatras. Wala rin naman siyang pinagsisisihan. Sa umpisa pa lang ay alam na niya ang mga maaaring mangyari o maging kapalit ng lahat ng ito. Ngunit sadyang hindi lang talaga niya kayang tiisin si Celina.

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now