4 ♥ TWO WORLDS

770 32 17
                                    

MADILIM ang kalangitan. Tila nakikiluksa rin ang mga ulap sa pagkamatay ng libo-libong kawal at mandirigma sa gitna ng isang malaking digmaan--Battle of Hydaspes. Ito ang digmaan sa pagitan ng grupo ng hari ng Macedonia na si Alexander at haring Porus, mula sa kaharian ng Paurava. Naganap ang digmaang ito sa tabi ng ilog ng Hydaspes na ngayon ay kilala na bilang probinsya ng Punjab ng bansang Pakistan.

Ang mga buhanging nakikisayaw sa hangin at ang matinding sikat ng araw ay nakadadagdag pa sa pagkahapo at iritasyon ng mga mandirigma. Nagdudulot din ito ng hapdi sa bukas na mga sugat--mga hiwa ng espada na tila kagat na lamang ng langgam kung indahin ng mga ito. Sinanay sila sa digmaan. Sinanay na huwag matakot sa kamatayan. Sinanay na pumatay at mamatay para sa tungkulin. Mamatay para sa Hari at para sa bayan.

Malaki na ang bilang ng mga kawal na nalagas sa pangkat ng mga mandirigma ng Macedonia. Hindi maitatanggi ang kakaibang lakas ng kanilang pangkat sa pangunguna ni Alexander o mas kilala sa bansag na 'Alexander The Great.'

Ngunit, katulad ng ibang mga kawal, si Adonis ay isa lamang sa mga matapat na mandirigmang handang salubungin ang mga sibat at espada upang protektahan ang kanyang hari. Isa siya sa pangkat ng mga espiyang pinag-aaralan ang mga taktika nang susunod na sasakuping bansa, alinsunod sa kagustuhan ng hari ng Macedonia. Halos narating na niya't naikot ang buong Asya bago pa man ito mapuntahan ni Haring Alexander. Ito ang kanyang tungkulin--matapos mag-espiya'y babalik siya upang mag-ulat sa hari upang pagplanuhan naman ang susunod na gagawing pagsalakay. At saka naman siya makikiisang muli sa digmaan.

Buong buhay na niyang ginagawa ang bagay na ito. Ang pangkat na kanyang kinabibilangan ay ang siyang sandata, kalasag, mga paa, at utak ng Macedonia upang magtagumpay sa higit na pagpapalawig ng kanilang nasasakupan. Napakalaking karangalan para sa isang kawal o sino mang Macedonian ang mapabilang sa bukod-tanging grupo ng mga espiya ng hari, dahil ito ay may kaakibat na napakabigat na obligasyon at taos-pusong pagtitiwala ng hari. Ngunit isa rin itong sumpa--sumpang kapalit ng kalayaan at pansariling kaligayahan

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now