13 ♥ ADONIS BEING ADONIS

592 26 4
                                    

[Video Trailer]

ORAS NA NG ALMUSAL. At sa simula pa lamang ay naiilang na si Celina sa kilos ng asawa kung paano ito kumain. Sa halip na gamitin ang mga kubyertos ay mas pinili nitong magkamay. Ang lalaki rin ng subo nito na tila gutom na gutom. Isa pa, bread and coffee lang ang madalas almusal ni Ashton noon ngunit ngayo'y nagpapapak ito ng beef steaks. 

Ugali na rin nitong palaging walang suot na damit pang-itaas--katulad na lamang ngayon. Hindi tuloy niya lubos maunawaan na nag-iiba rin pala maging ang kilos ng isang tao kapag nawala ang memorya nito. Pakiramdam tuloy ni Celina ay ibang tao ang nasa harapan niya. 

Isa-isa rin niyang pinag-aralan ang mga kasambahay at tila hindi na bago sa mga ito ang nakikita. Kasalo na rin nila ang mga itong kumain dahil ayon sa mga ito'y si Ashton daw ang humiling. 

"A-ahm, Ashton..." tawag niya sa atensyon ng asawa. Sa una'y parang hindi siya nito narinig kaya marahan siyang kumatok sa lamesa kasabay nang muling pagtawag, "Ashton!" 

"H-huh?" Maang na napaangat ito ng tingin sa kanya.  

"Take it easy," aniya. Ngunit, blangko lamang itong nakatitig sa kanya. Naalala niyang hindi nga pala ito makaintindi ng English sa 'di malamang dahilan. "I mean--ah, ang ibig kong sabihin, dahan-dahan lang sa pagkain. Baka mabulunan ka." Alanganin din siyang ngumiti nang makitang tila napahiya ito sa sinabi niya at binitawan ang manipis na buto ng steak na sinisimot. 

"P-pasensya na..." anito. Pagkuwa'y isa-isa nitong sinipat ang kanilang mga kamay at pinggan na masinop tingnan. Pagkatapos ay napadako ang tingin ng lalaki sa kubyertos sa tabi nito at nag-aalangan na dinampot ang tinidor. 

"Ah, hindi! Ayus lang kung magkamay ka sa pagkain. Ang sa'kin lang naman... d-dahan-dahan lang," agad niyang paglilinaw. 

Nang makuha ang ibig niyang sabihin ay matamis na napangiti ang lalaki at mabilis na binitawan ang tinidor. Hindi rin niya maiwasang mapangiti sa nakikitang kainosentehan nito na nakadagdag din sa maganda niyang mood ng umagang iyon. 

"Siyanga pala, m-mamaya aalis ako. Pupunta ako sa ospital para asikasuhin ang mga kailangan sa pag-transfer kay Mommy sa States," muli niyang turan.

"Walang problema, Anak! Sige lang," nakangiting sagot ni Nanay Martha. Sa mabilis nitong pagsagot ay tila pinapanatag nito ang kanyang loob at sinasabing malaya na siya ngayon. Na hindi na niya kailangan pang tumakas muli para makita ang mga magulang kung kailan man niya naisin. 

"Salamat po, Nanay Martha."

"Kumusta na nga pala ang mommy mo? Naku! Sa tuwa ko nang bumalik ka rito nawala tuloy sa isip kong kumustahin siya!" Iiling-iling ang matanda't kinakastigo ang sarili. 

"She'll be f-fine!" nauutal niyang sagot. Ang mga katagang ito lamang din ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili dahil kung pagbabasehan ang kalagayan ng ina sa ngayon ay wala siyang makuhang sagot. Walang katiyakan kung makaka-recover pa ito dahil pahina na nang pahina ang katawan nito. 

"Hindi siya pababayaan ng Maykapal! Ipagdarasal ko siya." Inabot ng matanda ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa at mariin iyong pinisil bilang simpatya. Ang mainit at malambot na kamay ng matanda ay naghahatid sa kanya ng kapanatagan.

"Thank you po." Tipid siyang ngumiti upang itago ang matinding lungkot na gustong kumawala sa kanya ng mga sandaling iyon.

"Anyway, gusto mo bang sumama sa akin, Ashton?" Mayamaya'y baling niya sa asawa bilang pag-iiba ng usapan. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now