9 ♥ TROUBLE AGAIN?

622 29 10
                                    

[VIDEO TRAILER]

"CELINA..."

"A-ah, s-sige po, tatawag na lang ako sa ibang araw... Kailangan ko na pong ibaba 'tong phone." Hindi na hinintay pa ni Celina ang sagot ng kausap sa kabilang linya ng telepono't mabilis na itinago ang cellphone sa kanyang likod. "D-dad!"

"Sino'ng kausap mo?" Maingat nitong isanara ang pinto paglabas ng silid.

"Ahm... W-wala po. Do'n lang 'yon sa pinagpasahan ko ng resumé kahapon. Nagtanong lang ako ng update. By the way, nakatulog na po ba si mommy?" Pag-iiba niya ng usapan. Hindi na nito dapat pang malaman na kinukulit pa rin siya ni Nanay Martha tungkol kay Ashton. Nag-aalala na rin kasi ang mga ito sa biglaang pag-iiba raw ng ugali ng lalaki.

Hindi rin alam ng kanyang ama na tuluyan na niyang iiwan ang asawa. Ang akala lang nito'y pinayagan lamang siyang dumalaw ng ilang araw. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan niyang mapag-usapan si Ashton. Hanggat wala pa siyang naiisip na paraan kung papaano mababayaran ang pagkakautang nila sa mga Gamara nang hindi na kailangan pang makulong ng kanyang ama'y ililihim niya muna ang katotohanan.

Ngunit, batid niyang hindi magtatagal ay malalaman din ito ng matandang Gamara at ng buong pamilya nito. Isa pa iyong suliranin na kailangan niyang harapin. Pakiramdam niyang naglalakad sila ng mga magulang sa isang manipis na yelo na anumang sandali'y maaaring mabasag at lamunin sila ng napakalamig na tubig sa ilalim niyon. At hindi na muling makakaahon pa.

Tumango si Ronald bilang tugon sa tanong niya. "Kahit papaano'y bumubuti na rin ang kondisyon niya ngayong nandito ka na. Kumusta nga pala ang paghahanap mo ng trabaho?"

Napasimangot siya bigla sa tanong ng kanyang ama. Ilang kompanya na rin kasi ang pinagpasahan niya ng resumé sa nakalipas na isang linggo matapos tuluyang makawala sa poder ni Ashton.

Oo. Isang linggo na ang matuling lumipas pero sadyang hirap siyang matanggap. Kesyo, wala na raw bakante, tatawagan na lang siya, o overqualified naman. Kung tutuusin ay pinag-aagawan pa nga siya noon ng ilang mga kompanya dahil sa galing niya sa interior designing. Ngunit, ewan ba niya ngayon kung bakit parang lahat na lang nang nangyayari sa buhay niya'y puro kamalasan.

Nakita ng kanyang ama ang lungkot sa kanyang mukha, kaya naman kaagad nitong hinagod ang kanyang likod upang payapain ang loob. "Ganyan talaga sa umpisa anak. Pasasaan ba't matatanggap ka rin sa trabaho. Matalino ka! At sigurado akong pag-aagawan kang muli ng mga employers."

"Sana nga po, Dad..." Ngumiti na lang siya. Tama naman ang kanyang ama. Baka masyado lang siyang napi-pressure sa paghahanap ng pagkakakitaan kaya pati siguro sa mga interview niya'y napapansing desperado na siya.

Masyado siyang atat at maikli ang pasensya. Paano ba naman kasi, malapit na naman ang susunod na chemotherapy ng mommy niya. Kaya kailangan na niyang kumita kaagad ng pera para doon.

"Well, I still can't believe na pinayagan ka ng asawa mong magtrabaho," pag-iiba nito ng usapan.

"I told you, Dad... Nagbago na po siya," pagdadahilan niya. Ito ang palagi niyang inirarason sa ama pero alam niyang hindi ito lubos na naniniwala.

"Bakit hindi ka magpatulong sa asawa mong maghanap ng trabaho? Marami siyang koneksyon. Isa pa, hindi ka na umuuwi sa bahay niyo. Okay lang ba talaga 'yon sa asawa mo?" Biglang nagbago ang tono nang pananalita ni Ronald.

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now