3 ♥ CRY MORE, CELINA

826 38 24
                                    

NAGKALAT ang mga gamit sa sala--mga sapatos, maduduming damit, at maging ang ilang mga basyo ng alak na wala ng laman. Ito ang nadatnan ni Celina sa unang pagkakataon niyang pagdalaw sa bahay ng mga magulang matapos maikasal.

Laglag ang mga balikat at nanlulumo niyang pinagmasdan ang mga iyon. Naroon sa isang madilim na sulok si Ronald. Nakaupo ito't nakasandal ang likod sa pader. May hawak pa rin itong isang bote ng alak na halos kalahati na lamang ang laman.

Pansin niyang bahagya nang nakakatulog ang ama dahil sa kalasingan. Iiling-iling na lamang siyang lumapit dito't sumalampak nang upo sa sahig.

"Dad... Dad..." Mahina niya itong tinatapik-tapik sa braso para gisingin. "Dad, are you alright?"

Mabilis na nag-angat ng ulo si Ronald nang sandaling rumihistro sa pandinig ang boses ng anak. "Celina, anak?"

Biglang umaliwalas ang mukha ng may katandaan ng Zealcita. Limampu't isang taong gulang na ito ngunit matikas pa rin ang pangangatawan at medyo bata pang tingnan kung ikukumpara sa totoong edad. But, now, he looks like a total waste!

"Dad, naman! Ano po ba'ng ginagawa niyo sa sarili niyo? Bakit kayo naglalasing, ha?" mahinahon niyang tanong sa ama na parang batang paslit ang kausap.

Mapait na ngumiti si Ronald. "Papaano ka nakapunta rito? H-hindi ba, kinukulong ka ng asawa mo?"

"Tum--" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita nang muntik ng madulas na umamin. Hindi nito maaaring malaman na tumakas lamang siya dahil ayaw na niya itong mag-alala pa. "P-pumunta si Ashton sa Japan kahapon at bukas pa po ang balik niya. Buti na lang hindi niya ako puweding isama, kaya... n-nagkaro'n po ako ng chance na madalaw kayo rito. Ayaw niyo po bang narito ako?" Nilakipan pa niya nang pagtatampo ang paliwanag para hindi na mag-usisa pa ang ama.

"Edi mabuti... Alam mo naman kasi ang ugali ng asawa mo, 'di ba? Nag-aalala lang ako sa 'yo, Celina."

"Teka nga, Dad. Ikaw ang una nating pinag-uusapan dito, e. Bakit parang napupunta na yata sa'kin? Bakit ka po ba naglalasing?"

"Celina... I wanna sleep. And at least have a rest. It's my day off, anyway. Kailangan ko 'to, Anak," saad ni Ronald at itinaas ang hawak na bote ng alak, "this helps me sleep."

Napakagat-labi si Celina upang pigilin ang mga luhang nagbabadya dahil sa labis na pagkaawa sa ama. Alam niyang pagod na pagod na ito. Pinapahirapan ito ni Ashton na halos ito na ang gumagawa ng lahat ng trabaho na dapat ay ang kanyang asawa ang gumagawa. Palagi nitong sinasabi na dapat lamang iyon sa ama para makabawi ng atraso. 

"P-pero nakarami ka na po, Dad. That's enough!" Mabilis niyang inagaw sa ama ang hawak nitong bote ng alak nang akmang tutunggain na naman nito iyon. "Kung gusto mo po talagang matulog, halika na! Stand up there already at ihahatid na kita sa kuwarto mo."

Inilayo niya ang bote ng alak sa ama at ipinatong sa balikat ang braso nito upang alalayang tumayo. Ngunit, bigla siyang natigilan nang magsalita ito, "Celina... How are you?" seryosong tanong ng kanyang ama.

Namumula na rin ang mga mata nito't nagbabadya ang mga luha mula roon. Ang tanong na iyon ay hindi lamang bastang pangungumusta. Malalim ang pinaghuhugutan dito ng kanyang ama.

Mabilis na nagbaba ng tingin si Celina para itago ang kanyang mukha. Hindi maaaring mabasa ng kanyang ama ang lungkot sa kanyang mga mata dahil hindi niya kayang maglihim dito habang nakikita ang nangingilid nitong mga luha. "Okay lang po ako, Dad. Miss ko lang talaga kayo ni Mommy."

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now