5 ♥ UNTOLD

748 32 38
                                    

MABIBIGAT ang bawat hakbang ni Celina patungo sa loob ng kanilang silid. Alam niyang naroon si Ashton at kailangan niya itong harapin. Hindi siya makapapayag na basta na lang nitong putulin ang medical support ng kanyang ina. At kung muli siyang mabubugbog sa pagmamakaawa sa asawa'y titiisin niya, masuportahan lamang ang may sakit na ina.

Madilim sa loob ng kanilang silid nang pumasok siya. Tanging ang table lamp sa tabi ng kanilang kama ang pinanggagalingan ng mumunting liwanag--sapat upang makita niya ang asawang nagpapakalango sa alak.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Ang katahimikan nito'y lubos na nakapagpapakaba sa kanya dahil hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ng mga sandaling iyon. Wala pa siyang nakukuhang maliwanag na sagot mula rito tungkol sa pasya o bantang pagputol ng suporta sa pagpapagamot ng kanyang ina. Hirap pa rin siyang paniwalaan iyon.

"Ehem..." Mahina siyang tumikhim para ipaalam dito ang kanyang prisensya. Ngunit nanatili lamang itong nakaupo sa couch. Nakaharap ito sa glass wall ng kanilang silid at matamang pinagmamasdan ang madilim na hardin sa labas. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya makita ang ekspirsyong naglalaro sa mukha nito.

"Ashton..." sambit niya sa pangalan nito nang tuluyan na siyang makalapit. Ngunit, muli, ay wala pa rin itong binibitawang anumang salita at ni hindi man lang nag-abalang lingunin siya.

Matapos punuin ng hangin ang dibdib ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Wala na rin naman siyang pride--matagal na niyang kinalimutan alang-alang sa mga magulang.

"Ashton, ipinapangako kong g-gagawin ko ang lahat ng gusto mo... h-huwag mo lang putulin ang financial support ng mommy. Parang awa mo na... Please, Ashton?" gumagaralgal niyang pagsusumamo. 'Di na rin niya napigilan ang mga luha.

Hanggat maaari ay pinipigil niya ang mga iyon upang hindi isipin ng asawang lalo siyang nagpapaawa. Ngunit hindi na niya kaya pang kimkimin ang lahat ng sama ng loob na tanging sa pag-iyak na lamang niya nagagawang ilabas. Ginugupi rin siya ng matinding takot para sa ina.

"Hubad," mayamaya'y tipid nitong turan.

"A-ano?" nagtataka niyang tanong. Hindi niya mabatid kung tama ba ang narinig dahil ni hindi man lang nag-abala si Ashton na sulyapan siya nang magsalita ito.

"Ang sabi ko, hubad. Maghubad ka!" mariin nitong sagot. "Sabi mo, willing kang gawin ang lahat nang sasabihin ko, hindi ba?"

"A-Ashton..."

"Naghihintay ako... and so your mom!" He faced her blankly matapos simsimin ang alak sa hawak na baso.

Ilang ulit na napakurap si Celina. Wala rin siyang karapatang mag-inarte pa sa sitwasyon niyang ito dahil dito nakasalalay ang buhay ng kanyang ina. Isa pa, hindi ito ang unang pagkakataon na makikita ni Ashton ang hubad niyang katawan. At hindi na rin naman ito ang unang pagkakataong gagamitin siya nito. Kaya naman, sinimulan na niyang maghubad.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang isa-isang tinatanggal ang bawat botones ng suot na blouse. Maya't maya rin ang ginagawa niyang pagsulyap sa asawa. Nagbabaka-sakaling magbabago ang isip nito sa pinapagawa sa kanya. Ngunit, mukhang wala itong balak.

Surrender means letting go. Sa pagkakataong ito'y kailangan niyang i-let go ang mga magulang. Kailangan niyang pansamantalang kalimutan ang lahat para sa kapakanan ng mga ito. Kailangan na muna niyang sukuan ang pagnanais na makita't makausap ang mga ito kahit pa para na rin niyang pinatay ang sarili sa naging pasya.

The Gentleman's WifeWhere stories live. Discover now