Chapter 4

20.8K 605 25
                                    

SA isang sikat na restaurant pumunta sina Greg at Sarah pagkaalis nila sa bahay ng dalaga. Wala silang pakialam kahit nakabuntot sa kanila ang mga paparazzi na kinukunan sila ng pictures at video.

"Hello Ma'am, Sir. May I help you?" Anang sumalubong sa kanilang waitress.

"Yeah! table for two please." Saad dito ni Greg habang nakapulupot ang isa niyang kamay sa baywang ni Sarah.

"This way, Ma'am, Sir." Anang waitress sabay mwertsa nito ng kamay kung saan ang bakanteng table for two person.

Ng marating nila ang mesa kung saan sila dinala ng waitress ay ipinaghila agad ni Greg si Sarah ng upuan. Kaya maingat namang naupo doon si Sarah dahil pakiramdam niya ay sumasakit ang maselang parte ng katawan niya. Ngunit iniinda lang niya yun upang wag mahalata ng binatang kasama.

Agad silang inabutan ng waitress ng menu at nilagyan nito ng tubig ang dalawang basong nasa mesa nila Greg at Sarah bago sila nito iniwan pansamantala habang pumipili ang dalawa ng gusto nilang kainin.

Makalipas ang ilang minuto ay may lumapit uli sa dalawa at nakangiti itong nagtanong sa kanila kung nakapili na ba sila ng gusto nilang kainin. Dahil nakapili na sila ng gusto nilang kainin ay agad silang umorder dito mula sa menu ng naturang restaurant. Matapus mailesta ng waiter ang inurder nilang pagkain ay agad din itong umalis.

Habang hinihintay nila ang inorder nilang pagkain ay hinila ni Greg ang upuan nito at itinabi niya ito sa upuan ni Sarah. Napailing na lang ang dalaga ng akbayan siya ni Greg at hinahalikan nito ang balikat niya.

"Wala ka talagang pakialam sa paligid mo kung magflirt." Ang taas kilay na ani Sarah kay Greg.

"I don't care what there talking about us. Bahala silang manood dahil ako ay hindi ko kayang lubayan ang isang tulad mo." Anitong nakangiti sabay kindat niya kay Sarah na napailing dahil sa tinuran ni Greg.

Sa dikalayuang mesa ay may nakakilala kay Greg na mga babae. At ang isa sa mga ito ay nagngingit-ngit sa inis ng makita niyang may kasamang ibang babae ang binata. Kaya naman pakinding-kinding itong lumapit sa mesang inuukupa nila Greg at Sarah.

"Wow! sino na naman itong bago mong babae Greg. Bago mong fling girlfriend?" Sakrastikong anang babae sabay pinasandalan niya ng tingin si Sarah. Tinaasan lang naman ito ni Sarah ng kilay na parang baliwala lang sa kanya ang tinuran ng babae.

"Excuse me, may I know you Miss. I'm sorry because I don't remember who you are?" Ang kunot noong tanong dito ni Greg. Bigla naman nag-igting ang ngipin ng babae dahil sa narinig sa binata.

"Your a damn asshole." Bulyaw ng babae kay Greg.

"Yes! I am. I admit that I'm a asshole, Miss. Pero hindi naman ako namimilit ng mga babae para maghubad sa harapan ko. Ang mga babae mismo ang naghuhubad sa harapan ko at sinasamba ang katawan ko." Anito sa babae. Napansin naman niya ang mukha ni Sarah na parang nagalit ito dahil sa tinuran niya.

"Pero may isang babae na handa kung sambahin mula ulo hanggang talampakan niya. Dahil siya ay naiiba sa lahat. Hindi lang siya matalino at maganda, she is amazing. For the first time ay naamazed ako sa isang babae. For the first time a girl captured my heart." Anitong nakatingin sa kay Sarah.

"At kapag nawala siya sa buhay ko ay sa unang pagkakataon ay alam kung magkapira-piraso ang puso ko. At alam kung siya lang din ang muling makakabuo nito." Muli nitong aniya habang walang kakurap-kurap. Hindi naman alam ni Sarah kung ano ang gagawin niya o sasabihin dahil sa mga katagang binibitawan ni Greg.

"She is the most special girl in my life. She took my heart. She is the key of my heart. She is my everything because I love this girl." Anitong kinapula ng mukha ni Sarah. Hindi tuloy niya alam kung nagdradrama lang ba ito dahil maraming paparazzi ang nasa paligid o sadyang makatutuhanan ang lahat ng sinabi nito.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now