Chapter 16

12.8K 427 39
                                    

Hi! to my crazy bestfriend Huor. I win baby, kaya make sure na wala ng manliligaw sayo na Algerian ha. Kundi makikita mo kung paano ko pisatin ang dalawang itlog ni Jack baby mo....hahaha!!! Happy single to me.....mahirap po magkaboyfriend na itlog lang ang malaki. I'm right wafa Joan and wafa Megz. My other two crazy bestfriends. Good girl daw si Mirah at ungas Raids. Loyal sila kay Ace at Rain....hahaha!!! Kaya kayo be careful guys😂😂😂
.
.
.
.
LUMIPAS ang mga araw ay naging kampanti na si Greg at Sarah mula ng mahuli ng kapolisan si Olga. Dahil sa nakasampang kaso sa kanya kaya agad siyang dinampot ng mga autoridad. At dahil narin sa matibay na ibidinsyang nakuhang magpapatunay sa lahat ng ginawa niya. Kaya agad napatunayang siya ang utak ng krimen at pagtatangkang patayin si Sarah Alcantara sa hukuman. Kaya wala itong nagawa ng hatulan siya ng hukuman sa kasalanang nagawa.

"Greg! Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Sarah kay Greg habang nasa sasakyan sila. "Sa bahay ng parents mo," Sagot naman nitong kinatango niya. "Dahil gusto kung makilala ang mga kamag-anak niyo ng personal. Dagdag pa nitong kinalaki ng mata ni Sarah dahil sa narinig.

"Y-you mean nasa bahay ang mga kamag-anak namin?" Paniniguro nito. "Um. Yeah!" Hindi naman alam ni Sarah kung matutuwa ba siya sa narinig o maiinis. Ang balita kasi niya ay may isa siyang pinsan sa mother side na galit sa kanya. Hindi nito nagustuhang naging boyfriend niya si Greg. Naisip niya siguro ay may gusto ito sa binata kaya ganun ito.

"Why? May problema ba?" May pag-aalalang tanong ni Greg sa nobya ng mapansin niya ang pagbabago ng aura nito. "Baka invited pati yung pinsan ko sa mother side na minura ako. Kung kaharap lang siguro ako ay baka sinabunutan na niya ako dahil nagalit ng malaman niyang may relasyon tayo. Siguro may gusto sayo kaya ganun." Pagtatapat naman nito sa nobyo.

"Hey! Kahit lahat sila ay magalit kung ikaw ang mahal ko ay wala silang magagawa. Mahal na mahal kita at ni baby." Seryoso namang ani Greg. Kaya napabuntong hininga ito.

"Okay! Sarah. Kaya mo silang harapin. Anong paki mo sa pagiging bitter nila. Kung ampalaya ang mga ugali nila dahil hindi nila matanggap na ikaw ang girlfriend at papakasalan ni Greg ay ipakain mo sa kanila ang mga ugali nilang ampalaya. Lagi mong isipin. Maghubad man sila sa harapan ng boyfriend mo ay ikaw parin ang hahanapin niya at mamahalin." Anito sa isip sabay ngiti. Ang pag-aalala niya ay napalitan ito ng kapilyahan.

Matapus ang ilang minuto nilang byahe ay narating nila ang bahay nila Sarah. Ilang buwan na rin siyag hindi nakakauwi dito. Ng makababa sila ng sasakyan ay agad nakita ni Sarah ang mga sasakyang nakahilira doon. Kaya alam niyang siguro ay nandoon na ang mga kaanak nila.

Agad silang pumasok sa loob. Nakahawak sa baywang niya si Greg habang naglalakad sila. Halata na rin ang pagkaumbok ng tiyan ni Sarah ngunit hindi ito nakakabawas ng kagandahan niya.

Ng tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay nila Sarah ay agad silang sinalubong ng mga kaanak nila. Ang mga kalalakihan ay agad nilang kinamayan si Greg at nagpakilala na rin dito.

"Hijo." Ang ama ni Sarah na agad niyakap si Greg. "Kumusta po kayo tito?" Ani Greg sa ginoo.

"Malakas pa, hijo." Nakangiti naman nitong sagot. "Hey! Dad." Si Sarah naman ay humalik ito sa pisngi ng kanyang ama.

"Puntahan mo muna ang iyong ina at may pag-uusapan lang kami ni Greg." Utos ng ginoo sa kanya. Agad naman tumango si Sarah. Nginitian muna siya ni Greg bago niya iwan ang dalawa.

"Hays! Di man lang nahihiya. Pinalubo agad ang tiyan." Boses na narinig ni Sarah. Agad naman niyang nakita ang tatlo niyang pinsan na nag-uusap.

"Ano naman sa inyo kung lumubo ang tiyan ko. May problema ba kayo doon. At bakit ako mahihiya kung mahal naman ako ng lalaking nakabuntis sa akin. At halos ipagsigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ako kamahal at tanggap ako ng buo niyang pamilya. Hindi niyo kagaya. Hindi nga lumulubo yang tiyan niyo. Pero let me asked you. Ilang lalaki na ba ang nakapatung sa inyo? Oh! Hindi niyo siguro mabilang. Eh! Ako. Naglandi ako sa iisang lalaki lang. Sa lalaking mahal ako at mahal ko. At lumaki nga ang tiyan ko tanda ng pagmamahalan namin at handa niya akong pakasalan." Kalmado ngunit sa kaloob-looban ni Sarah ay kumukulo sa galit para sa mga pinsan niya.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now