Chapter 17

13.2K 431 33
                                    

NANG malaman nila Greg at Sarah ang gender ng magiging baby nila ay agad na namili ang binata ng gamit para dito. Hinayaan lang ni Sarah ang pinaggagawa ng nobyo dahil alam niyang hindi naman siya mananalo rito kahit anong sabihin niya sa binata.

"Um. Ano pa ang kulang?" Ang nag-iisip na ani Greg. Napailing na lang si Sarah na itinuon niya ang mga mata sa binabasa niyang libro. "Honey, may kulang pa ba?" Ani Greg na naupo sa tabi niya.

"Mister Guerrero. Sa dami ng pinamili mong gamit at laroan ay nasisiguro kung hindi yan lahat magagamit ng anak mo." Nandudumilat nitong aniya sa nobyo na napakamot ng ulo.

"Honey! Excited lang ako. At gusto kung paglabas ni baby ay kumpleto ang mga gamit niya. Magagamit man niya sa hindi lahat ay okay lang." Katweran nito sa nobya.

"Bahala ka. Hindi pa nga lumalabas ang anak mo inispoild muna," pagsuko nito sa nobyo. "At sinasabi ko sayo, wag mo masyado iispoild ang anak mo. Tandaan mong babae ang magiging panganay mo. Gusto mo bang maging matigas ang ulo. Makipagboyfriend kung kani-kanino. Abah! Hindi pwede ang ganun." Saad nito.

Agad naman umiling si Greg. "No boyfriend hanggat hindi nakakapagtapus ng pag-aaral niya ang Prinsesa natin." Sagot naman nito.

"Sige. Sabihin mo yan sa anak mo kapag lumabas na at nagdalaga." Naiiling parin nitong aniya kay Greg. "Honey! Pagbigyan muna ako. Para naman sa magiging mga anak natin ang meron ako." Paglalambing nito kay Sarah.

"Whatever. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Basta pagdating ng araw ay wag kang magrereklamo ha. Dahil binalaan na kita ngayon. Pero matigas ang ulo mo at ayaw mong makinig sa akin." Anito.

"I love you." Ani Greg na kinasimangot ni Sarah. "Yan. Dyan ka magaling. Porket alam mong mahal na mahal kita e kinukonsemisyon mo lang ako palagi." Saad nitong kinangiti ni Greg. Agad itong hinalikan ni Greg sa labi at hindi naman ito natanggihan ni Sarah.

"G-greg! N-naglalandi ka na naman. Malaki na itinanim mo." Nakikiliting sita ni Sarah sa nobyo na hinahalikan siya ng pino sa leeg habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa bawat parte ng katawan ni Sarah.

"Pwede pa daw dagdagan si baby para makumpleto." Pilyo nitong turan sa nobya na agad siyang tinampal ng mahina sa balikat. "Siraulo ka talaga." Ang natatawa nitong sita sa nobyo.

Ng muling siilin ni Greg ang mapupulang labi ng nobya ay wala itong nagawa kundi ang tanggapin ang mapang akit nitong halik. Habang mainit ang palitan nila ng halik ay maingat na binuhat ni Greg ang nobya hanggang sa naramdaman ni Sarah ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.

Lumipas ang minuto ay lumipad na ang mga damit ni Sarah na hinubad ni Greg sa kanya. Kaya natatawa na lang siya ng lihim para dito. Dahil talagang walang kapaguran ang nobyo pagdating sa pagkayod. Mapa gabi man o araw ay masipag ito. Magpagayon pa man ay mapagmahal naman ito at maalaga. Kaya hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay ang pagmamahal dito ni Sarah.

Habang abala si Greg sa pasamba sa katawan ng nobya ay siya namang pagtunog ng tawagan niya. "Hubby! Ang phone mo." Untag nito sa nobyo. Ngunit hindi ito pinansin ni Greg. Pero wala naman ito tigil sa pagring. Kaya nayayamot niya itong sinagot.

"Whaattt?" Pagalit nitong aniya ng sagotin niya ang tawagan. "I don't care. Hayaan mong maghanap ng ibang recording company. Hindi ako maghihirap kung hindi siya makapagrecording sa studio ko. At hindi siya kawalan. Kaya pakisabi sa kanya kung nag-eenarte siya ay umalis na lang siya dahil busy ako. Busy ako sa paghahanda sa pagdating ng aking prinsesa at sa pag-aalaga sa mahal ko. So please don't disturb me." Anito sabay patay niya sa tawagan.

Napakunot naman ang noo ni Sarah dahil sa narinig niyang tinuran ni Greg sa kausap. "Anong nangyari?" Tanong nito kay Greg pagkalapag nito ng tawagan sa side table.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now