Chapter 23

9.2K 299 17
                                    

AFTER makulong ng ina ni Ciara ay wala ng naging balita tungkol sa mag-ina si Greg. Kaya hindi niya alam kung pati ba si Ciara ay nakakulong rin kasama ang ina nito. Ngunit hinayaan na niya ang mga ito. May tiwala naman siya sa batas. Alam niyang hindi siya bibiguin ng mga ito.

"Sir, ready na po ang lahat. Pero, pakicheck na lang po ulit para kung meron po kayong gustong idagdag ay magawa po namin agad." Anang wedding organizer na kinuha ni Greg para sa kasal nila ni Sarah. Agad na inabot ng babae kay Greg ang tablet na gamit nito kung saan nakalagay ang lahat ng details sa kasal nila ni Sarah.

"Hi." Nakangiting bati ni Sarah sa wedding organizer nila. Ngumiti rin naman ito pabalik kay Sarah. "Hon. Tingnan mo. Kung may gusto kang idagdag ay sabihin mo lang ng magawa agad nila." Ani Greg ng makaupo sa tabi niya ang nobya. Tahimik namang inisa-isang tingnan ni Sarah ang bawat details ng kasal nila na gawa ng wedding organizer nila.

"Okay naman ang lahat." Kumento niya. "Great. So, I guess lahat ay maayos na." Segunda ni Greg sabay balik niya ng tablet sa wedding organizer nila.

Matapus silang makausap nito ay agad din itong nagpaalam sa kanila. Kaya nakangiting yumapos si Greg sa nobya. "Ilang buwan na lang makakasama na natin si baby." Ani Sarah sabay haplos niya sa maumbok na tiyan.

"Yeah! And I'm excited to meet our little one." Sang-ayun nito sa nobya sabay halik niya sa balikat ni Sarah. "Sana, hindi siya magmana sayo. Dahil kung magmamana siya sayo ay tiyak na sakit siya sa ulo. Kilala ko kasi ang daddy niyang saksakan ng kapilyohan." Anitong kinasimangot ni Greg.

"Hon, naman. Kasalanan ko ba kung gwapo ako. At isa pa nagbago naman ako." Pagtatanggol nito sa sarili. Itinirik naman ni Sarah ang mga mata. "Ang lakas mo makabuhat ng sarili mong upoan. Baka mas gwapo pa sayo ang magiging anak natin."

"Well, not bad. Gwapo at maganda ang parents niya. Kaya I'm sure perfect combination ang kalalabasan ng magiging mga anak natin." Ngingiti-ngiti niyang sagot sa nobya na napailing agad.

"Whatever." Pagsuko niya sa binata. "I love you." Malambing niyang aniya sa nobya.

"Alam mo talaga ang kahinaan ko," naiiling na ani Sarah habang sinusupil ang mga ngiti sa labi. "I love you, too." Dagdag nito.

SUMAPIT ang tinakdang araw ng kasal nila Greg at Sarah. Kaya halos hindi mapakali si Greg sa kinatatayuan niya. Kung pwedi lang niya hilain ang oras ay ginawa na niya. Miss na miss na niya ang nobya na sa ilang oras na lang asawa na niya. Tatlong araw rin niya itong hindi nakikita dahil sa tradition na dapat hindi magkita ang ikakasal bago ang araw ng kasal nila. Kaya kating-kati na siyang matapus ang kasal nila ng makasama si Sarah.

"Calm down. Ilang oras lang naman ang hihintayin mo." Ani Wayne na katabi si Aus na natatawa kay Greg. "Don't laugh at me moron." Matalim ang tinging binigay niya sa pinsan na natatawa parin.

Halos isang oras din ang lumipas ng sabihin ng wedding organizer nilang dumating na ang bride. Kaya agad napatayo ng tuwid si Greg habang nakatingin sa pathway kung saan maglalakad ang brides.

Minutes later the wedding march start. Kaya halos hindi na kumurap si Greg sa kinatatayuan niya.

"Finally." Ani David. "Yeah! Baka maihi ng wala sa oras ang gago kung nagtagal pa ang bride." Ang nakangisi namang ani Rayne.

"Wag niyo nga asarin yan. Baka biglang himatayin yan e hindi pa naman ako doctor ngayong araw." Segunda naman ni Lexx sa mga pinsan na inaasar si Greg. Napailing na lang si Greg. Mga siraulo talaga ang mga pinsan niya.

"Kapag hinimatay yan ay ilublub na lang natin siya sa drum." Sabat naman ni Rowan na nakangisi. "Pati ba naman ikaw makikisali sa mga gagong ito. Akala ko pa naman kakampi kita." May hinampo nitong aniya kay Rowan na tumawa.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now