Chapter 13

12.6K 409 34
                                    

Rated SPG
.
.
.
MATAPUS ang bakasyon nila Greg sa Bali, Indonesia ay balik pinas muli sila. Pagdating nila sa airport ay meron agad sumalubong sa kanila. Kunot noo naman ang apat nilang bodyguards na kasama kung bakit meron ganun na naghihintay sa kanila doon. Kilala kasi nila ang mga ito.

"What is going on?" Tanong ni Ryan sa kanila. "Bakit ka nagtatanong e magkakasama tayo dito." Sagot naman sa kanya ni Van.

"Bud! What is goin on?" Agad na tanong ni Greg kay Frank ng makita niya ito. "Sila ang bago niyong magiging bodyguards." Sagot nito.

"Teka! Boss, bakit meron bago. Diba kami ang bodyguards nila boss Greg?" Takang tanong ni Matt kay Frank. "That's my order." Seryoso nitong sagot. "Umuwi muna kayo sa bahay." Dagdag pa nito.

"Na-naman. Marunong naman kaming humawak ng baril ah!" Giit ni Matt ngunit sa mahinang tuno. "Gusto mong ibalik kita sa tiyan ng nanay mo?" Ani Frank na kinakamot ni Matt.

"Sa bahay daw tayo sabi e." Sabay hila ni Bryan kay Matt. "Boss Greg, thanks sa trip to Bali. Sana meron ulit next time." Ani Van bago sila sumakay sa sasakyang dala ni Frank. Isang tango lang naman ang isinagot dito ni Greg habang si Sarah naman ay kinawayan niya ang mga ito.

"Bisitahin niyo ako ha. Wag niyo ako kakalimutan kung ayaw niyong ipamulto ko kayo." Pasigaw na ani Sarah sa kanila. Sabay-sabay naman sumaludo ang mga ito sa kanya.

"Bud! Mag-uusap lang tayo bukas." Ani Frank kay Greg. "Sige bud." Sagot naman nito bago niya inakay si Sarah sa sasakyang nakalaan para sa kanila.

"Wala ng maingay na kasama natin." Ani Sarah kay Greg sabay sandal niya sa balikat ng nobyo. "Kung gusto mo sila makita ay pupuntahan lang natin sila doon sa bahay ni Murillo. Ng makilala mo rin ang asawa niya." Anitong kinangiti ni Sarah.

Kaya agad kinuha ni Greg ang tawagan at tinawagan niya si Frank. Agad rin naman itong sumagot. "Hey! Bud! Kung pwede ay dyan na lang tayo mag-usap sa bahay mo bukas." Anito sa kabilang linya.

"Sige! Bud. Alam kung matutuwa si misis kapag nalaman niya." Ani Frank sa kanya. "Yes! See you tomorrow boss." Rinig ni Greg na panabay na anang mga kasama ni Frank na kinatawa niya.

"Bukas sa bahay tayo ni Murillo." Anito matapus niyang ibaba ang tawagan. Agad naman siyang tumango sabay pikit niya ng mga mata.

"Excited akong makilala ang asawa niya." Anito habang nakapikit ang mga mata.

Mga ilang minuto lang ng makalayo sila sa airport ay bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Kaya mahigpit na nayakap ni Greg ang nobya. Ang sasakyan naman nila ay tila hindi ininda ang putok ng baril dahil nanatili itong tumatakbo.

"A-anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ni Sarah sa kanila habang nakasubsub siya sa katawan ni Greg.

"Relax lang po kayo Ma'am, Sir. Dahil tinted po itong sasakyan natin. Kaya ligtas po kayo." Anang kasama nila sa front seat. Sa di kalayuan ay natanaw nila ng dalawang nakasakay ng motor bike na bigla na kang gumiwang bago sumasadsad sa isang tabi kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril.

Agad huminto ang sinasakyan nila Greg matapus ang putukan ng baril sa labas. Nakahinga ng maluwag si Greg ng makita niya si Frank na papalapit sa sasakyan nila at agad itong pinagbuksan ng kasama nila Greg sa front seat.

"Bud! Okay lang kayo?" Tanong nito agad kay Greg. Agad naman tumango si Greg. "Ihatid niyo sila ng safety. Nasa likod niyo ang isa pang sasakyan. At ako na ang bahala doon sa dalawang namaril kanina." Utos naman ni Frank sa mga bagong bodyguards nila Greg.

"Yes! Boss." Panabay na sagot ng dalawa bago isinara ni Frank ang pinto ng sasakyan. Agad nga silang umalis sa pinangyarihan ng pamamaril sa sinasakyan nila. Hanggang sa makarating sila ng bahay saka pa nakahinga ng maluwag si Sarah.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now