Chapter 7

14.7K 462 38
                                    

Hi nga pala kay ate Donnalyn De Grano Garcia.....my new ate na nagbabasa ng mga story ko.
.
.
.
WALANG kaalam-alam si Greg sa birthday party na hinanda nila para sa kanya. Dahil ang buong atensyon niya ay nasa kay Sarah lamang. Hinayaan na niya ang kanyang ina sa gusto nitong gawin sa birthday niya.

"Wala pa ba sina Greg at Sarah?" Tanong ng ina ni Greg sa mga pinsan niyang naroon. "Wala pa tita, wag po kayo mag-alala at darating yun. Nagtanim muna yun for sure." Nakangising ani Ryne. Napailing na lang ang ginang sa tinuran nito.

"Meron atah akong ahas na naaamoy." Biglang ani Haide sa kanila. "Oh! The snake princess." Segunda dito ni Kaye.

"She is coming here." Mahina ngunit may diin na ani Kaye ng makita nilang papalapit sa kanila ang tinutukoy nila.

"Hi!"

Tipid na bati ng taong pinag-uusapan ni Haide at Kaye.

"Oh! Hello Olga. How are you?" Si Haide na purong kaplastikan ang tinuran sa kaharap. "I'm good. How about you?" Balik tanong nito sa kanya.

"I'm still a human, hindi pa ako natutunaw." Sagot nito kay Olga. "I see. Si Greg nga pala but hindi ko pa nakikita dito?" Anito sabay tingin sa paligid nila.

"Nasa bahay pa niya sila ni Sarah. Don't worry papunta na yun sila dito." Si Ryne na ang sumagot sa tanong nito. Agad naman itong tumango at tipid na ngumiti ngunit nakikita ni Haide at Kita na napilitan lang ito.

"Sige, maiwan ko muna kayo." Paalam ni Olga sa kanila at agad itong nakihalubilo sa mga bisitang naroon. Tinaasan lang naman ito ng kilay ni Haide at Kate. Dahil noon pa nila ito hindi gusto. Hindi nila alam kung paano ito naging kasusyo ng pinsan nilang si Greg.

Lumipas ang minuto ng dumating si Greg at Sarah. Tudo alalay siya sa nobya habang naglalakad sila. Ang iba ay halatang natutuwa sa dalawa at iba naman ay halata ang pagka di gusto na nobya niya si Sarah.

Bawat madaanan nila ay binabati si Greg at kinakamayan siya.

"Iba talaga kapag sikat. Petmalu Greg Guerrero. Lodi na talaga kita werpa." Pabulong na ani Sarah kay Greg na biglang nagsalubong ang dalawang kilay. "Honey! What the hell is that mean?" Pabulong din nitong aniya na kinatawa ni Anisa.

"Um. Mamaya ay sasabihin ko sayo." Sagot nito sabay tapat niya ng hintuturo sa tungki ng ilong ni Greg.

"Greg!"

"Oh! Hi! Miss Zialcita." Pormal naman sagot dito ni Greg habang hindi niya inaalis ang isang kamay sa baywang ni Sarah.

"Happy Birthday nga pala." Malambing nitong kinaismid ni Sarah sa isip niya. Agad niyang nararamdaman na may gusto ang babae sa nobyo. Kaya bahagya niyang pinisil ang baywang ni Greg na napalingon sa kanyang mukha. Kaya agad niya itong nginitian.

"Thank you Miss Zialcita. By the way my fiance Sarah Alcantara. Honey si Miss Olga Zialcita. One of my business partner." Pakilala niya sa dalawa.

"Hi! Nice to meet you." Ani Sarah dito. "Hi!" Sa isip ni Sarah ay mukhang dapat niyang paghandaan ang kaharap dahil mukhang nasa loob ang kamandag nito.

"Miss Zialcita, maiwan ka muna namin. Thank you for coming." Saad dito ni Greg. Hindi na niya hinintay pa na makasagot ito dahil agad niyang inakay ang nobya kung saan ang mga pinsan niya.

"Hi! Everybody." Nakangising ani Greg sa mga ito ng makalapit siya sa mga ito. "Thanks God at hindi ka nalingkisan ng ahas. Dear wag mo hayaang malingkisan ng ahas itong jowa mo. Dahil alam muna nasa tabi-tabi si Valentina." Ani Haide na kinakunot ng noo ng mga kasama nila.

"Baka gusto niyang ibalik ko siya sa tiyan ng nanay niya." Sagot dito ni Sarah. "Petmalu sa kakapalan ng mukha. Feeling niya ang ganda niya. At halatang nagpaganda. For sure ay dahil kay Greg kaya siya nagpaganda ng bungga." Saad pa ni Haide. Ngunit sila lang ang nakakarinig ng usapan nila.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now