Chapter 21

11.3K 316 40
                                    

ILANG araw na ang lumipas ng paimbistigahan ni Rowan ang background ni Ciara. Kaya kating-kati na siyang malaman kung ano ang nakuha ng mga taong inutusan niya para makakuha ang mga ito ng impormasyon mula sa pamilya ng dalaga. Kung kinakailangan maging nasa hukay na ay hukayin nila ay gagawin ni Rowan makakuha lang ng alas na ipanlaban niya sa mga ito tigilan lang nila si Sarah.

Nakaupo siya sa gilid ng swimming pool sa bahay ng magulang niya ng tumunog ang tawagan niya. Kaya mabilis niya itong tiningnan at ng makita ang pangalan ng tumatawag ay mabilis niya itong sinagot.

"Hello. Anong balita?" Nang sagotin niya ang tawagan.

"Madali lang naman huliin ang maliit na isda." Sagot ng kausap niya. "What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.

"Alam mo ba kung ano ang totoong ikinamatay ng isa sa mga tito ni Ciara?" Tanong sa kanya ng nasa kabilang linya. Agad naman siyang umiling. "No. How could I know?" Anito.

"Namatay ang pinsan ng ama ni Ciara five years ago. At ang nakuha ng mga police na dahilan ng pagkamatay nito ay nahulog ito sa ladder. Pero, ang totoo ay sinadya itong ihulog ng ina ni Ciara." Anang nasa kabilang linya.

"Whoaaa. Are you sure about that?" Paniniguro niya dito. "Yes. Yung dati nilang bahay kasi kung saan namatay yung tito ni Ciara ay ibininta nila sa iba. At yung bagong nagmamay-ari ay hindi nila alam na meron secret underground ang bahay. Kung hindi pa kami pumunta doon ay hindi nila malalaman. At doon nakita namin ng nakatagong CCTV monitor. Maybe ang secret CCTV na nakatago sa bawat sulok ng bahay lalo dun sa dating kwarto ni Ciara ay pag-aari ng tito niya. Pinag-aaralan pa namin ngayon ang nakuha naming mga video footage kung bakit nagawang patayin ng ina ni Ciara ang pinsan ng asawa niya." Anang kausap niya.

"Okay. Sana sa lalong madaling panahon ay magawan niyo yan ng paraan." Saad niya dito.

"Don't worry. Meron na kaming pinadalang letter sa ina ni Ciara habang pinag-aaralan namin ang kasong ito. At bawat galaw nilang mag-ina ay minumonitor namin lahat. Meron tayong mga matang nakabantay sa kanila ngayon." Sagot nito.

"Thanks man." Pasalamat niya dito bago ito nawala sa kabilang linya. Ilang minuto rin nakaupo si Rowan ng magpasya siyang tawagan si Sarah para makausap si Greg.

"Hello."

"Mabuti naman at ikaw ang sumagot." Ani Rowan ng mabosesan niya si Greg. "Why?" Taka namang tanong ng nasa kabilang linya.

"Dahil meron akong nakalap na balita. I don't know kung interesado ka o hindi pero sasabihin ko parin sayo." Anito kay Greg. "Tangna mo, ano yun?" Ani Greg na kinatawa ni Rowan. Agad naman niya sinabi dito ang tungkol sa ina ni Ciara.

"What the hell. At hindi siya nakulong sa ginawa niya?" Naisatinig ni Greg na tila hindi makapaniwaa. "Yeah! Malinis ang pagkakagawa niya sa crime scene." Sagot ni Rowan.

"Kung nagawa niya iyon sa pinsan ng asawa niya ng malinis e posible rin na magagawa niya iyon ulit sa iba." Biglang nabahala si Greg sa nalaman. "Hindi ko kakayanin na mapahamak ang mag-ina ko." Dagdag nito.

"Don't worry. Dahil bawat galaw nila ngayon ay meron nakabantay. Kaya agad natin malalaman kung ano ang binabalak nila." Ani Rowan na kinahinga naman ni Greg.

"Mabuti naman kung ganun." Ani Greg. "Hon, sino ang kausap mo?" Boses ni Sarah na rinig ni Rowan sa kabilang linya.

"Si Rowan. Kinukumusta ka niya." Mabilis ditong ani Greg. "Oh! Ganun ba. Pakisabi ito maganda parin." Ani Sarah na kinailing ni Rowan.

"Praning talaga ang babaeng yan." Ani Rowan kay Greg. "Sige. Babalitaan lang kita ulit." Anito bago niya pinatay ang tawagan.

Matapus makausap ni Rowan si Greg ay saka siya nagpasyang pumasok sa loob ng bahay nila. Nitong nagdaang mga araw ay hindi siya lumalabas ng bahay na ipinagtaka ng kanyang ina. Pero, ipinagkibit balikat lang niya ito. Mas importante kasi sa kanya ang maprotektahan ang pinsan niya kaya meron siyang mga taong pinapakilos para dito.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now