Chapter 9

13.7K 451 42
                                    

LUMIPAS ang mga araw ay hindi na maiwan-iwan ni Greg ang nobya. Lagi kasi itong natatakot. Dahil kahit anong gawin ni Sarah ay lagi niyang napapanaginipan na buntis siya at meron gustong pumatay sa kanya. At dahil nagiging antokin siya ay sinasama na lang siya ni Greg sa opisina nito kung meron itong pasok sa opisina.

"Sir, i-reremind ko lang po kayong mamaya na ang schedule sa pagrecording ng bagong boy band group na sinabi ko sa inyo kahapon." Halos pabulong na anang secretary ni Greg. Natutulog kasi si Sarah kaya ayaw ni Greg na meron nag-iingay o nagsasalita ng malakas sa loob ng opisina niya.

"Ano ba, papasokin niyo ako." Boses ng tila babaeng nagwawala sa labas ng opisina ni Greg sabay tulak nito ng pinto na siyang dahilan para magising si Sarah.

"Greg! Baby! Bakit ayaw akong papasokin ng mga security guard na ito sa opisina mo?" Tila nagsusumbong nitong tanong kay Greg.

At dahil nasira ang tulog ni Sarah at nainis siya sa pagmumukha ng babaeng hindi niya kilala ay bigla niyang kinuha ang sapatos niya.

"Labaass."

Pasigaw nitong aniya sabay bato niya ng sapatos. Ngunit sinadya niyang wag patamaan ang babae. Bigla naman itong nagulat sa ginawa ni Sarah kaya halos hindi ito makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Sino ka?" Nakapamaywang nitong tanong sa babae. "Forget it. Because I don't care who you are. Get out of here before I kick your ass." Saad nito sa babae.

"And who the hell are you?" Mataray din na tanong ng babae ng mahimasmasan ito. "Wag mo ako mahell-hell ha. Kung ayaw mong hell-hellin ko ang makapal mong mukha. At wag mo ako mataas-taasan ng kilay kung ayaw mong ahitin ko yang kilay mo." Nakapamaywang nitong aniya.

"Gagohin mo ang lasing wag lang ang bagong gising. Dahil makikita mong dalawa ang butas sa pwet ng pato." Saad pa nito. Gustong matawa ni Greg at secretary niya sa tinuran ni Sarah pero nanatili na lang silang tahimik.

"Your crazy." Saad ng babae sa kanya. "Greg! Baby, palabasin mo nga itong babaeng ito. Mukha siyang baliw e!" Malambing nitong utos kay Greg.

"Subukan mo kaya mister ng ikaw ang out de kulambo labas de kwarto mamaya." Pagbabanta nito sa nobyo na agad napakamot ng ulo dahil sa tinuran ni Sarah. "Your the boss honey." Saad nito sa nobya. Kaya napangiti ang secretary ni Greg sabay sign nito sa kanya ng 'your dead boss'. Kakamot-kamot na lang ng batok si Greg na nilapitan ang nobya sabay dampi niya ng halik sa labi ni Sarah.

"Whaattt?"

Hindi makapaniwalang naibulalas ng babae matapos halikan ni Greg ang labi ni Sarah. Isang nakakaluko namang ngisi ang ibinigay dito ng secretary ni Greg. Kung pwede nga lang niya ditong ipamukha na 'mamatay ka sa inggit ngayon dahil siya ang girlfriend hindi ikaw', ay ginawa na niya sa babae. Hindi na kasi bago sa kanya ang bigla na lang meron sumusulpot na babae sa harapan niya at hinahanap si Greg. Pero ngayon, masaya siya dahil meron ng seneryoso ang boss niya at gustong-gusto niya ang ugali ni Sarah.

"Boys. Palabasin niyo ito ng opisina ko. At wag na wag kayo ulit magpapasok dito ng kahit na sino. Lalo pa kung tulog ang ma'am Sarah niyo." Utos nito sa mga bodyguards nilang nakabantay sa labas ng opisina niya.

"Yes Sir."

Halos panabay ang mga ito sa pagsagot bago nila pinalabas ang babaeng hindi man lang kilala ni Greg kung sino.

"Ano ba? Bitawan niyo ako. Greg! Bakit mo ito ginagawa? Please! Don't do this to me. Sabihin mong ako ang gusto mo at hindi ang babaeng iyan." Halos pasigaw ng babaeng hinila palabas ng mga bodyguards nila Greg.

"Get out of here biatch and please don't come back again." Pasigaw rin ditong anang secretary ni Greg na lumabas ng opisina niya sabay sara niya ng pinto at bumalik sa mesa niya.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now