Chapter 20

9.7K 308 13
                                    

NANG marating ni Ciara ang may kataasan rin na gusali ay mabilis siyang lumabas ng sasakyan niya. Ng maisara niya ang sasakyan ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng gusali kung saan makikita ang condo niya. Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa lobby ng gusali ay agad niyang nakita ang taong naghihintay sa kanya.

"Hey!"

"Pasensya kana, nasa bahay ako ni Mama e." Hinging paumanhin niya dito. "It's okay." Sagot naman nitong nakangiti.

Panabay silang pumasok sa loob ng elevator na maghahatid sa kanila sa mismong condo unit ng dalaga. Nakapulupot ang isang kamay ng kasama ni Ciara sa baywang niya hanggang sa bumukas ang elevator. Agad na pinakawalan ng kasama ang baywang niya ng lumabas sila ng elevator hanggang sa makapasok sila sa loob ng condo unit ni Ciara.

"I miss you." Anang kasama niya. "Rowan, alam ko naman na katawan ko lang ang namimiss mo." Nakapamaywang niyang aniya.

"Diba okay naman yun sayo. Napag-usapan na nga natin ito noon." Kunot noo namang ani Rowan sa kanya. "At hindi mo ba ako namiss? Kakabalik ko nga lang ng Pinas e." Dagdag pa ni Rowan. Galing kasi ito ng London.

"Um. Rowan. I'm sorry. Gulong-gulo lang talaga kasi ang utak ko ngayon. Hindi kasi ako nagkaroon ng recording sa bago ko sanang album." Malungkot nitong aniya.

"Ciara, sinabi ko naman kasi sayong hindi ang pagkanta ang linya mo. Dapat ay pag-akting ang ginagawa mo." Seryuso namang ani Rowan.

"Sinasabi mo bang susuko na lang ako after akong ipahiya ng Sarah na yun. No, never akong susuko, Rowan. And I love singing." Anito sa mataas na boses. "At sino naman itong si Sarah?" Curious na tanong ng binata sa kanya.

"Yung bagong girlfriend ni Greg Guerrero. Si Sarah Alcantara. Kaya humanda talaga siya sa pamamahiyang ginawa niya sa akin. Dahil may araw din siya at makakaganti rin ako. Tingnan natin kung hindi siya ibabasura ni Greg na parang basahan." Anito sabay tawa ng malademonyo.

"Sarah Alcantara. Hindi naman siguro nagkataon yun na magkapangalan sila ng pinsan ko." Ani Rowan sa isip. "Ano palang mukha ng Sarah na yun?" Maya ay ani Rowan.

"Bakit. Hindi ka ba nanonood ng balita? Kahit saan e pinag-uusapan ng marami ang ginawa niyang pamamahiya sa akin. At ang malala pa ay ako ang nagmukhang masama," saad nito. "Pero, alam kung meron na binabalak si Mommy para makaganti lang sa kanila. At yun ang araw na pinakahihintay ko. Kaya sisiguraduhin kung gagapang sa lupa si Sarah." Natatawa nitong aniya. Dahil sa curiousity ay mabilis na kinuha ni Rowan ang tawagan niya at nagtype dito.

Ang mga kilay ni Rowan ay unti-unting nag-isang linya ng makita niya ang mukha ni Sarah. Ang babaeng tinutukoy ni Ciara.

"Don't ever try to hurt her. I swear I'll kill you." Ani Rowan sa isip. "So, may binabalak ang mommy mo para paghigantihan si Sarah na 'to?" Tanong ni Rowan kay Ciara.

"Yes. At kapag nagantihan siya ni Mommy ay magpapahanda talaga ako ng party." Tila excited nitong aniya. "Okay. Sinabi mo." Ani Rowan na pilit ngumingiti ng hilaw.

"Mmmm. Ciara, I have to go.  Mayron pala akong nakalimutan sa bahay," palatak nito. "May nakalimutan akong alisin doon sa bag ko at ayaw kung makita yun ni mommy. Patay ako kapag nakita niya." Mabilis niyang paalam kay Ciara.

"Okay. Ikaw ang bahala." Agad naman siyang tinanguan nito.

Nagmadaling lumabas si Rowan sa unit ni Ciara at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Agad niyang pinindot ang button ng elevator ng bumukas ito at agad siyang sumakay dito pababa sa lobby ng gusali.

Ng marating niya ang dalang sasakyan ay mabilis siyang pumasok dito. Wala naman siyang nakalimutan sa bahay nila. Gawa-gawa lang niya iyon para may dahilan siya kay Ciara.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now