Chapter 10

14.1K 405 39
                                    

PARANG lumulutang parin sa ere si Greg matapos niyang marinig kanina ang sinabi ng doktor. Gaya kasi ng sinabi nito ay agad nga niyang pinacheck-up ang nobya kung buntis ba ito o hindi.

"G-greg?"

Agad naman nagising ang malalim niyang pag-iisip ng tapikin siya ni Sarah sa balikat.

"Okay ka lang ba?" May pag-aalalang tanong sa kanya ng nobya. Unti-unti naman itong ngumiti na mas lalong ipinagtaka ni Sarah. "I love you, honey." Anito sabay paupo niya ng nobya sa kandungan niya.

"Hindi lang ako makapaniwala na malapit na ako maging daddy. Magkakaroon na talaga tayo ng anak. God. Gusto kong isigaw sa mundo kung gaano ako kasaya ngayon." Anitong kinangiti naman ni Sarah.

"Gusto kong malaman nilang lahat na magkakababy na tayo. Gusto kong ipagmalaki sa lahat na ang mahal ko ay dinadala niya ngayon ang magiging anak ko." Excited nitong aniya na kinailing ni Sarah.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin," anito. "Baby, naririnig mo ang daddy mo. Hindi ka pa nga lumalabas ay gusto na niyang ipagmalaki ka sa lahat. Kaya ikaw ha! Magpapakabait ka. Kapit lang kay mommy kahit anong mangyari. Dahil mahal na mahal tayo ni daddy." Kausap nito ang impis niyang tiyan. Agad naman nitong hinalikan ang tungki ng ilong ni Sarah dahil sa tinuran nito.

"Thank you for coming in my life," seryosong ani Greg. "You change my life honey. At sa panibagong blessing na darating sa buhay natin. Alam kong pupunuin nito ang buhay natin at bibigyan pa lalo ng kulay. At nagpapasalamat ako at ikaw ang girlfriend ko soon to be the mother of my child. Dahil alam kong magiging mabuti kang ina sa magiging anak natin." Anito sa nobya. Dahil sa tinuran ni Greg ay agad niyang ipinulupot ang dalawang kamay sa batok nito.

"Ako dapat ang magpasalamat. Dahil ang dakilang playboy ay nagbago dahil sa akin. Natatandaan mo ang sinabi ko noon sayo. Tinawag pa nga kitang gago nun e. Dahil ikaw na nga ang nalate ikaw pa ang galit. At alam ko kaya ka nalate noon ay dahil inumaga ka sa kalandian mo." Nakangusong ani Sarah sa nobyo na natawa. Dahil tama naman ang tinuran nito.

"Yeah! Pero yun ang last na nambababae ako. Nakita kita e. Binihag mo agad ang puso ko. Kaya ayun hindi na kita pinakawalan pa. Nalove at first sight agad ako sayo e." Matapat naman nitong sagot.

"Hindi ka nga nambababae kasi ako ang ginapang mo." Saad naman dito ng nobya. "Nagpagapang ka naman kasi." Katweran naman nito.

"Nilandi mo kasi ako." Sagot naman nito. "Nagpalandi ka rin naman kasi sa akin." Pilyo naman nitong aniya. Kaya agad siyang tinampal ni Sarah sa dibdib.

"Baby ang daddy mo oh!" Paghingi nitong ng saklulo sabay haplos niya sa tiyan. "Baby mahal na mahal ko ang mommy mo." Saad rin nito sabay haplos niya sa tiyan ni Sarah. Kaya napangiti agad ang nobya at naglambing sa nobyo.

"Hubby. Maganda ba pumunta ng Bali, Indonesia?" Tanong nito habang pinapadaanan niya ng mga daliri ang dibdib ni Greg.

"Um. Yeah! Gusto mo bang pumunta doon?" Tanong naman dito ni Greg. Alanganin naman itong tumango sabay kindat na kinatawa ni Greg. "Okay. Pupunta tayo doon habang pwede ka pang magbyahe. Dahil kapag lumaki na si baby dito ay hindi ka na pwede magbyahe pa ng malayo." Anito. Sunod-sunod namang tumango si Sarah na pagkatamis-tamis ng pagkakangiti.

Kaya agad kinuha ni Greg ang tawagan niya at tinawagan niya ang kanyang secretary.

"Yes Boss?"

"Mae. Pakihanda ang papers namin papuntang Bali, Indonesia. Ipareserve muna rin kami doon ng hotel room. Kasama ang mga bodyguards namin." Utos niya dito.

"Copy boss." Natatawang pagtalima nito. Nang mailapag ni Greg ang tawagan ay agad niyang kinabig ang nobya at siniil niya ito ng halik sa labi. Agad din naman itong tinugon ni Sarah ng buong puso. At kung hindi pa sila kapwa kinapus ng hangin ay wala na atang plano ang dalawa na paghiwalayin pa ang kanilang mga labi.

For The First Time(Completed)Where stories live. Discover now