Chapter 1

4.3K 27 1
                                    

Cindy's POV



10:00 pm


I hate bars!!!! Kainis, ano bang pumasok sa utak nitong ni Jessica para yayain ako dito? Kanina pa ko naghihinala dito sa bestfriend ko ei. Alam ko naman na tutol siya sa gusto kong gawin and I know din na may binabalak siya.


Hindi maganda ang kutob ko dito, baka may naplano na siyang hindi ko alam. Siguro magpapanggap na lang akong masama ang pakiramdam at uuwi na lang. Iba kasi ang takbo ng utak ni Jessica! Kahit na hindi mo gusto ang magiging kinalabasan basta para sakanya tama, e wala na siyang pake.


Haay, pero kahit ganun kelangan ko siyang intindihin dahil kami na lang atang dalawa ang natitirang magkaibigan sa mundo. Kay fine I've over exaggerated it.


Parehas kasi kaming only child and unfortunately wala na siyang magulang. Namatay dahil sa plane crash before our graduation. Saklap noh, excited pa naman siyang ipakita yung diploma niya sa parents niya before.


She was so down that day and nalaman ko na ako na lang ang pwedeng dumamay at sumama sakanya. Lahi kasi sila ng mga only child, and unfortunately, only child ang mom and dad niya. Parang imposible noh, pero totoo, nauubos na lahi nila, tapos wala pang lalake.


Unlike her, meron pa din akong Mom, walang Dad. I've never known my Dad ever since I was a kid, sabi ni mama he's happy na daw with my Lola and Lolo up there. 


My Mom is sick and she will never survive if she stay here in the Philippines. Dalawa lang silang magkapatid ni Tita and si Tita ang tumutulong sa min para mabuhay kami. 


Anyway, I hate to say this, but matandang dalaga kasi si Tita. Natatakot nga sila ni mama kasi baka matulad daw ako. 


Anyway, I don't have fears in any way. Sanay ako na walang lalake sa buhay ko at kung hindi talaga siya darating, yayakapin ko ng buong puso't kaluluwa ang pagiging single FOREVER. Pero take note, kahit anong mangyari mag-kakaanak ako kahit single! That's a must!


So ayun, 2 years kaming tumira together ni Jessica after grad, until we decided to separate ways. Binili niya kasi ulet yung bahay nila para naman daw ma-reserve yung memories ng parents niya, actually pinapatira niya ko dun pero ayoko. Sayang din naman kasi yung pad ko kung iiwan ko e since college dun na ko naka-pirme.


Kung itatanong niyo kung ilang taon na kami, you have to count. 20 ako grumaduate after a year nagtrabaho na ko and naging regular ako sa trabaho ko after another year and now 6 years na ko to be exact sa trabaho ko. [Ang humula ng mali kotong, hihihi ;]


Mabalik tayo dito sa crowded at maingay na bar! Nakakabadtrip talaga, anlakas ng tugtugan at hindi ko na din makita si Jessica dahil sa fog ng smoke!


Patuloy lang ako sa paglalakad habang hawak hawak ang orange drink ko at hinahanap siya.


"Jess, where the hell are you????"


Maya-maya bigla akong may nabangga na lalake at hindi ko sinasadyang matapunan siya ng orange drink!!!

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now