Chapter 28

2K 27 0
                                    

Cindy's POV


Ramdam kong may nakayakap sakin, at ang init ng katawan niya. Linanghap ko ang balat niya, I miss his scent. Oo kilala ko siya, kilalang-kilala ko.


Blaise.


Parang ang tagal na simula nung last na nagkita kami at nagyakap ng ganito. Andami ng nangyari.


Binigyan ako ni Jess ng voucher at napunta kaming dalawa ni Kyo dito. Binalak kong magpakamatay at niligtas ako ni Dad. Dumating si Mama, and she told me to forgive my Dad. I forgave him, at pinakilala niya ang dalawa niyang anak...


Ang dalawa niyang anak na manloloko.


Agad na nabuo ang galit sa loob ko ng ma-alala ko ang mga mukha ng kapatid ko.


Lahat sila manloloko!!!


Tinulak ko si Blaise at agad na bumaba sa kama. Napansin kong wala ang damit ko, tangging panty at bra lang ang suot ko. Mabilis kong hinanap ang mga gamit ko at nag-pupuyos na ang damdamin ko sa galit.


"Asan ang damit ko."


Inikot ko ang buong kwarto niya at binuksan ang mga cabinet niya. Inisa-isa ko ang mga damit niya at wala akong paki-alam kung nagulo ko ito, pero hanggang sa kadulo-duluhan, hindi ko nakita ang mga damit ko.


"Wala???? Asan!"


Inulit ko ulit na kalkalin ang mga damit niya.


"ASAN!!!"


Kinal-kal ko ng kinalkal hanggang sa pinag-tatapon ko na sila sa sobrang galit.



.........


Blaise's POV



Nagising ako dahil sa pag-wawala ni Cindy, agad akong tumayo at pumunta sakanya.


"ASAN NA ANG MGA DAMIT KO????"


Ginulo niya ang cabinet ko, at patuloy siyang nagtatapon ng mga bagay bagay.


"Cindy!"


Pa-ikot-ikot siya at patuloy na nagkakalat ng gamit.


"ASAN NA ANG MGA DAMIT KO!!!"

"CINDY! WAG!"


Bigla ko siyang niyakap ng makita kong may vase siyang hawak na asa taas ng ulo niya.


Napigilan ko siya at narinig ko na lang siyang umiiyak. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, dahil sa akala ko mababasag niya yung vase sa harap niya at maaari siyang masaktan.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now