Chapter 12

2.1K 24 1
                                    

Kapwa kami hindi nagsasalita at literal na hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.


"Baby, upo ka na."


Tumayo si Blaise at sobrang lapit niya. Parang bigla ko siyang gustong yakapin at tumakbo na lang palabas dito.


Hindi ko namalayan na nung paalis na siya sa tapat ko para iurong ung tabi niyang upuan para sa kin, ay napakapit na pala ako sa polo niya.


Bumalik ang atensyon niya sa kin.


"Bakit baby?"


"Wa-wala."


"Ah! Yun ba."


Ngumiti siya sa kin at binigyan ako ng mabilis na halik.


"Wala ka ng utang."


Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa tapat ng upuan. Kung alam mo lang kung sino siya.


"You can't flirt with her. Don't do the same thing you did before."


Binulong lang niya yun sa kin ng makaupo na ko, bago siya bumalik sa upuan niya. Halatang wala siyang ka-alam alam sa aura ng paligid. Kelangan ko na bang sabihin sakanya ang tunay kong pagkatao? Pero bakit sa ganitong sitwasyon pa?


"Well I think, there's no need for an intro."


Masiglang sabi ni Blaise.


"Ba't ganyan kayo? Parang may iba ata."


Wala pa ring nagsasalita sa min.


"Ang huling magsasalita, siya magbabayad ng kakainin ko."


"WHAT??"


Sabay kami ni Lizzy at mas lalong naging malamig ang paligid.


"Grabe! Walang gustong magpatalo. Wag na nga! Ikwento niyo na lang sa kin kung pano kayo nagkakilala."


Blaise ano ba, masyado pa rin siyang masigla. Hindi niya ba napapansin na hindi kami okay? Buti na lang dumating na ung waiter.


"Ma'am/Sir can I take your order now?"


Binuklat ko na ung menu sa table namin at tumingin ng pagkain.


"Hmmm... Give me Shrimp Alfredo." -Blaise


"2 order of Caesar Salad Please. That's for us Dy (pronounced as 'Di')." -Lizzy


Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now