Chapter 3

2.9K 36 2
                                    

Lumipas ang ilang araw and wala namang kakaibang nangyari sa katawan ko.


Ilang araw ba bago mo malalaman na buntis ka?


Anyways, hayaan mo na. Isang gabi lang naman yun, wala naman sigurong mabubuo dito ng agad-agad di ba? Tyka iiinom ko na lang to ng pills. Kelangan malinis ang buong katawan ko pag-nagpa-inject ako.


Well yes, itutuloy at itutuloy ko pa rin ang matagal ko ng plano! Siguro sinubukan lang talaga ako ni God kung gaano ako ka-sincere sa gagawin ko, and papatunayan ko sakanya na kahit anong ibigay niya, gagawin at gagawin ko pa rin ang matagal ko ng gusto.


*********


Asa Jeep ako ngayon pa-LRT Edsa, pano ba naman kasi wrong timing masira yung sasakyan ko. Alam niyang monday kinabukasan, biglang bumigay. Hindi man lang niya tiniis ang isang linggo.


Haay, yan tuloy wala akong choice kundi ang mag-commute.


*********


Nakapila na ko ngayon sa bilihan ng ticket, at wala pa masyadong gaanong tao. Ang aga pa kasi, parang kabubukas pa lang nila.


Ako na ang susunod at pagdating ko sa counter nakita ko siya!


"Oh! Hi Miss!"


Bati niya sa kin.


My Ghad, pano siya napadpad dito????


"Euhmmm... Isang Pedro Gil."


Walangya naman oh, kinakabahan ako! Bakit ba kasi dito siya nag-ta-trabaho?


"Saan?"


"Sa Pedro Gil. Isa."


"Ilan?"


"Isa lang."


Inabot ko na yung bayad ko at parang pinaglalaruan niya yung sukli.


"Ilan ulit miss?


Bwiset!


Magka-halong kaba at inis na ang nararamdaman ko ngayon.


"SABI KO PEDRO GIL. ISA LANG PO. MAY NAKIKITA KA BANG KASAMA KO? O SADYANG BINGI KA LANG???"


"Chill baby."


Hala siya, nakuha niya pa talagang makipag-flirt habang asa trabaho!!!


ANG LINAW OH! KITANG KITA SA MGA NGITI NIYA AT MATA NIYA ANG NAPAKALAKING F.L.I.R.T!!!!


Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now